Chapter 14: Test of Patience

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh bakit kayo nakikinig sa usapan namin?!" he diverted Kiko's question with another question.

"Eh.. baka gusto mo rin kasi ibulong nalang yung sinasabi mo? Abot hanggang pluto yang boses mo, kaya sinong hindi makakarinig?"

"Tss.. T-tara na nga.. g-gutom nako... dami pang satsat." aniya saka kami tinalukuran at nagsimulang maglakad papuntang cafeteria.

"Guilty." mahinang bulong ko.

"I'm not, really!" nilingon naman kami ni Gio na salubong ang kilay.

Narinig niya pa 'yon? Is he an owl? I commend him for such a great hearing.

"HAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Kiko dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

Gio gave him a deadly glare.

"Ano yun Kiko?"

"Tama na yan mahiya naman kayo sa mga dumadaan, para kayong mga bata." Suway  ni Ash.

"A-aah eh, hahaha! T-tara... nagugutom nako!" Kiko stopped laughing at tinapik pa kami isa-isa saka nagpaunang umalis at tumungo sa daan papunta sa caefteria ng school.

Mayamaya pa ay nakarating na kami ng cafeteria.

Akala ko ay makakapagpahinga na kami ngunit....

"Oh my gosh! Si Rigel!"

"Giiirrrrl ang gagwapo ng Chronus!"

"Trueee! Ang cute nila Gio at Ashton."

"Mas cute naman kaya si Kiko!"

"Nakajersey sila, maygaaash nagtry-out kaya sila?"

"Oo malamang, eh varsity kaya sila kahit nung high school pa!"

"Oo nga pala may tryout ngayon. Ang cool talaga ni Rigel."

"Truee, kainis nga eh crush rin siya nung ate ko kahit mas senior pa sila sa atin."

"Eh hindi mo rin naman kasi masisi ang ate mo bakla. Isang Montemayor ba naman."

"Bahala kayo, basta ako kay Kiko."

"Yun eh kung single."

"Lahat sila single."

"Yieeee, so may pag-asa pa pala talaga tayo."

"Tama, they're single and ready to jingle."

Jingle? Did I hear it right? Ugh girls. They're crazy.

Kakahakbang ko lang papasok sa entrance nang marinig namin ang tilian ng mga babae.

Natigil naman ako sa paglalakad and I feel irritated. Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko rin si Kiko na mukhang ilang rin sa mga naririnig.

"Ano pre? Gutom ka pa ba?" Baling sa kanya ni Gio na ngumisi ngisi pa.

"Oo naman! Hehehe. Walang makakapigil sa taong gutom." tuluyan na itong pumasok kasama ang dalawa.

"Ikaw pre?" Baling naman sa akin ni Gio na nanunukso pang tumingin.

"Tsk. Hindi ako mabubusog diyan sa ginagawa mo Perez." napailing na lamang ako saka tuluyang pumasok.

"Yaaaaan! Yaan ang tunay na yabang ng isang Montemayor! Hahahaha!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin at umupo na sa bakanteng mesa na nasa aming kaliwa.

"Kami nang oorder ni Ash. Anong inyo?" tanong ni Kiko and offered to order for us.

"Lechon bro lechon!" I glared at Gio na mukhang excited pa sa inorder niya.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon