Chapter 06

241 24 0
                                    

Unexpected meeting

Yna's POV

Medyo tanghali na nang magising ako. Walang pasok dahil Sabado. Puyat na naman kasi ako sa dahil nahihirapan akong matulog.

"Yna!" sumalubong ang malakas na pagtawag sa'kin ni Luna pagkababa ko sa living room.

Kasama niya si Viel na pinapapak ang mga chitchirya at cake na mukhang inihanda ni mommy.

Pinaningkitan ko sila. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Hindi man lang ako nasabihan na may ganap kami this weekend.

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa'kin."Surprise!" Inangkla niya ang braso niya sa kaliwang braso ko. "Bakit parang di ka yata masaya na nandito kami?"

"Eh paano? Hindi man lang kayo nagsabi. Eh di sana maaga akong nagising!"

"Eh di hindi na 'yon suprise! Bruha ka!" nginiwian niya ako at tuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain habang pabalik sa pagkakaupo nito kanina sa carpet.

Hinila niya akong umupo sa tabi niya. At home ang dalawa habang nanonood ng T.V. Hindi pa umiinit ang puwet ko sa pagkakaupo ay pinatay na nila agad ito.

Humarap silang dalawa sa akin at kunot-noo akong tinignan. Lalo na si Luna na parang gusto akong pigain. Bigla nalang naging seryoso ang mga mukha nila samantalang kanina naririnig ko pa silang tumitili sa pinapanood nilang palabas.

Ilang segundo rin ang nakalipas hindi pa rin sila nagsasalita. So ako na kaya mag-initiate? Nakakahiya naman sa kanila. Nakakaloka naman ang mga 'to.

"May gusto ba kayong sabihin?" tanong ko habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"More like, may gusto ka ba sa aming i-share?" Luna asked and crossed her arms.

"W-Wala." biglang hindi ako naging kumportable at mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan namin. "Teka kuha lang ako ng juice, ubos na yata." Akmang tatayo ako nang pinigilan ako ni Luna.

"Umupo ka." Luna said with authority.

Wala akong nagawa kundi ang humarap muli sa kanila. Alam ko na ang mga ganitong eksena. Hindi nila ako titigilan hangga't wala silang napipiga.

"Kilala mo ako. Hindi kita pinilit last time sabihin sa akin ang nangyari sa'yo noong isang araw nang makita kong mugto 'yang mata mo. Pero hindi na ako mapakali sa pag-aalala!"

Bumaling ako kay Viel at agad naman itong yumuko. Hays, wala na talaga yata akong choice kundi magkuwento.

I-kwinento ko sa kanila ang nangyari sa coffee shop. Alam ko namang alam ni Viel ang mga naunang ganap damil nandoon naman siya noong makita ko si Zeke. Hindi ko nga lang sinadyang iwan siya noong isang hapon.

"You did what?" Kunot noong tanong ni Luna. I told them na si Rigel ang nakasama ko after that incident sa coffee shop.

"Hala! May secret affair ba kayo ng pinsan ko?" Napatakip pa ng bibig si Viel. Napataas naman ang kilay ko. Secret affair?

"Namamangka sa dalawang ilog." Sabat naman ni Luna. What the? Namamangka? Ano raw?

"At si Ely pa talaga ang kasama mo sa mga panahong 'yon?" tanong ulit ni Luna na salubong ang kilay.

Ano ba 'tong mga kaibigan ko! Kaibigan ko ba talaga ang dalawang 'to?

"Teka nga. Ano'ng secret affair? Namamangka? Kilabutan nga kayo." ang exaggerated naman yata ng interpretations nila.

"Bakit kayo magkasama ni Ely?" Malisyosang tanong ni Luna.

"Nakikinig ba kayong dalawa? Aba malay ko! Basta! Hindi ko rin alam ba't sumulpot ang isang 'yon. Malay ko bang siya ang humila sa'kin."

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon