Kinakabahan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, baka may masamang nangyari kay Margaux. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap at hindi ko rin alam kung paano ko siya mahahanap. F*ck.

Kinuha ko ang phone ko, and I started dialling her phone number. Mabilis din namang may sumagot sa kabilang linya.

"Babeeee! Bakit ngayon ka lang tumawag? I've been waiting for your call since yesterday." Boses ni Kesha.

"Saan mo dinala ang asawa ko? Fine, where are you? Nasaan kayo? Pupunta ako." Mahinahon kong sabi kay Kesha.

Nasisiraan na ba siya ng ulo? Hindi ba niya alam na krimen ang kidnapping? T*ng ina ng babaeng 'yon. Nasiraan na ata ng ulo.

"Okay, I'll text you the address and we'll see each other huh?" I ended the call.

"Kesha kidnapped them. Pupuntahan ko yung address na sinabi niya, pero sa tingin ko wala doon sila Margaux. When I call you trace my location, and call the police." Sabi ko sa kanila.

Bago ako umalis sa bahay ay sinilip ko muna si Marga na mahimbing na natutulog. Miss na miss ko na ang anak ko.

"I promise, makakauwi si mommy mo." Bigkas ko at humalik sa noo ni Marga.

Nagpaalam na ako sa kanila, at pumunta na sa address na tinext sa akin ni Kesha. Napakabilis ng pagpapatakbo ko ng kotse ko, kaya mabilis lang din akong nakarating. Kailangan kong iwan yung sasakyan ko dahil nag-end na yung kalsada.

Tinawagan ko na sila Kevin dahil sa palagay ko ay wala ng signal sa bandang gitna ng gubat. Medyo magubat na kasi dito, at hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'to. Saka paano nalaman ni Kesha ang ganitong lugar. Naglakad pa ako hanggang sa makita ko ang isang bahay, maganda ang bahay na 'to. It looks familiar. Medyo malaki itong bahay, kaya pumasok na ako. Parang walang tao kaya isa-isa kong binuksan ang mga kwarto. Pagbukas ko sa isang kwarto ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Kesha na nakasuot ng isang white robe. I guess she isn't wearing anything behind the white robe. Umagaw ng atensyon ko ang isang malaking portrait ni Margaux. Is this Margaux's house?

Naaalala ko na ito yung bahay na nasa picture. Noong nagpadala sa akin si Kesha ng picture ni Margaux at ni Quinn, ito yung bahay na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali, pamikyar yung disenyo at ang pagkakagawa sa mismong bahay. Maybe si Niña ang architect niya dito.

"Before ko sabihin kung nasaan sila, syempre we need to do something fun." She playfully said.

Inalis niya ang tali ng robe niya at tinanggal niya iyon. Hinayaan niya lang mahulog sa floor ang suot niya. She has a really good body dahil nga model siya, and she is not just an ordinary model, sikat na sikat siya kahit saan. Everyone wants her. Why is she doing this?

Napansin ko ang ilang mini camera na nakakabit sa ilang mga gamit. Isa-isa ko iyong tinanggal, kaya nagulat siya sa ginawa ko. Niyapakan ko isa-isa ang mga camera hanggang sa madurog ito lahat saka ulit itinuon ang atensyon ko sa kanya.

Pinulot ko ang robe na nasa lapag at isinuot ulit ito sa kanya. Hinalikan ko siya sa mga labi niya, I know she has been dreaming of this ever since. Napakarami namang lalaki sa buong bansa na gusto siya, pero ako pa rin ang pinag-aaksayahan niya ng panahon. Alam na alam niya namang si Margaux ang mahal ko!

"Tama na, Kesha... Hindi ka ganito, tigilan mo na 'to. Please. You don't have to do this." Bulong ko sa kanya.

"Let's just kill Quinn, and you'll be happy with Margaux. Si Quinn lang naman talaga ang pinapapatay ng father-in-law mo, but I also included your wife." Ikinagulat ko ang sinabi ni Kesha.

Mabilis ko siyang itinulak sa kama at lumabas ng pinto. Nakita ko na may hagdanan papunta sa basement kaya bumaba ako doon at ni-lock ang pinto. Saka ko nakita dito sa basement si Quinn at si Margaux na nakatali sa upuan, may busal din ang bibig nila kaya hindi sila nakakapagsalita. Una kong tinanggalan ng tali ang asawa ko, dahil alam kong sobrang higpit nito. Nang pakawalan ko na siya, sinubukan naman niyang tanggalin ang pagkakatali ni Quinn. Biglang nakapasok si Kesha na may hawak na ngayong baril. Itinutok niya iyon kay Quinn at pinaputok nang walang pakundangan.

Hindi na ako nagdalawang-isip at iniharang ko ang katawan ko para hindi matamaan si Quinn ng balang mula sa baril na pinaputok ni Kesha. Bumalibag ang katawan ko sa lapag nang hindi ko na maramdaman ang kahit ano. Ang daming dugo, napahawak ako sa gilid ng tiyan ko para mapigilan ang pagdugo. Lumingon ako kay Kesha, nakalupasay na siya sa floor, umiiyak siya, nilapitan siya ni Quinn at mabilis na kinuha ang baril na hawak niya.

Nasa tabi ko si Margaux at hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Ang diin ng pagkakapisil niya sa kamay ko na para bang hindi niya kakayanin kapag nawala ako.

"JACOB! NO! WAKE UP PLEASE! DON'T F*CKING CLOSE YOUR EYES!" Sigaw ni Margaux.

Hinawakan ko ang mukha niya na ngayon ay nalagyan ko na ng dugo. She has the most beautiful eyes in the world that I really want to see everyday. These eyes captivated me for already twenty-two years.

"The day we met was the greatest part of my life. It was on my 7th birthday, at ikaw lang yung bisita ko noon. I was so happy that day, Margaux. Kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya noon, since that day every year of my birthday hinihintay kita na baka samahan mo ulit akong ipagdiwang ang napakahalagang araw sa buhay ko. You might just forget that day, but it will be forever in my heart and in my mind."

Tumigil ako saglit dahil nahihirapan na akong magsalita at parang nauubos na yung dugo ko. Ni-hindi ko na nararamdaman yung balang nasa katawan ko, unti-unting namamanhid ang buo kong katawan. Umiiyak na si Margaux, and I really hate seeing her like this. Parang dahan-dahan akong pinapatay.

"I couldn't bare seeing you crying everyday if Quinn would die. Hindi ko kayang makita kang malungkot araw-araw, Margaux. Pinagtiisan mo ang pakikisama sa akin sa iisang bahay for six years. Those six years were the best years of my existence, kung uulitin ang buhay ko, kahit yung anim na taon na lang na 'yon ang maulit, kasama kita at si Marga. If I die, you can freely marry Quinn, you don't need an annulment anymore. I can leave like this knowing that you will be the happiest version of you for the rest of your life..." Nahihirapan na akong magsalita.

"Jacob please! Ikaw ang mahal ko! Ikaw ang gusto kong makasama araw-araw! I want to spend my life with you. I don't want that annulment! Please, don't leave me!" Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang sinasabi niya 'yon. Napakaganda talaga ng asawa ko.

Napangiti ako habang sinasabi ng babaeng mahal ko na mahal niya rin ako, napatingin ako sa kamay niya, suot-suot niya ang singsing naming dalawa. Akala ko hanggang panaginip ko na lang madidinig na mahal niya rin ako, akala ko hanggang panaginip ko na lang din madidinig na gusto niya akong makasama habang buhay.

Kung mamamatay man ako ay magiging masaya ako dahil ang huli kong nakita ay ang mukha ng napakaganda kong asawa. Lumalabo na ang paningin ko, at ang huli ko na lang na nadinig ay ang pagsigaw ni Margaux sa pangalan ko.

Kung totoo man ang buhay sa kamatayan, ikaw pa rin ang hahanapin ko.

***

Oh well, matatapos na agad 'tong story. I hope may nagbabasa! Isa ito sa mga favorite kong story na naisulat ko.

Yung nasa multimedia Landas by Magnus Haven. Ang lakas talaga ng impact ng song na 'to sa'kin eh, kaya gusto ko siyang isama sa playlist nito.

The Day We Met (Completed)Where stories live. Discover now