❛ thirty-six ❜

Start from the beginning
                                    

Kaya naman kinaumagahan, ayon ang pinagkaabalahan ko. I baked a cake for my mother-in-law and wore a floral dress for our lunch later. I postponed the things that I need to do for today because as much as I want to to do those things, I need a closure first with my mother-in-law.

"Are you done, Vena?"

"Pakiabot ng perfume ko, please. . ." I asked.

Mabilis niyang naibot 'yon sa akin. Halos paliguan ko ang aking sarili ng pabango habang nakaharap sa salamin. Nakaupo lang si Fabian sa paanan ng kama, nakatingin sa aking ginagawa at kanina pa ako hinihintay.

"Let's go," I firmly said as I looked one last time at the mirror.

"You are always beautiful, Vena. Hindi mo na kailangang mas'yadong magpaganda dahil mas'yado ka nang maganda," napanguso siya at umiwas ng tingin. "Besides, nando'n ang ibang pinsan ko."

"Oh, what should I do, then? Lagyan ng charcoal ang face ko para 'yon ang maging make-up ko?" I rolled my eyes.

He smiled a bit and tilted his head. Mas pinili na lamang niyang itikom ang kan'yang bibig. Kinuha ko ang paperbags na may laman ng mga gift ko para kay Tita Fiona, Ate Farveen, at Tito Arman. Nanliit ang mga mata ni Fabian nang makita ito. He grabs my waist and kissed the tip of my nose.

"You don't have to do some efforts, baby," he whispered.

"I have to. They are your family, Fabian. At saka, para maisip na ni Tita Fiona na hindi na ako galit sa kaniya," I smiled warmly.

"If you say so," he shrugged.

Tahimik lang kaming dalawa nang mag-drive siya papunta sa kanila. Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana at nakikinig ng mga songs ng The 1975. In just a short time, nakarating agad kami dahil sa bilis magmaneho ni Fabian. I wonder why hindi ko alam ang family nila, e nakatira rin naman sila sa one of the most expensive subdivision here in Makati.

"Oh, God, Vena! I didn't expect you to come here! Akala ko kasi jino-joke lang ako nitong ni Fabian," natatawang salubong sa amin ni Tita.

I smiled genuinely as she ran towards

me to embrace me warmly. Marahan niyang hinagod ang aking buhok ngunit hindi rin ito nagtagal. Mabilis akong hinila ni Fabian palapit sa kan'ya na para bang bata na nagdadamot. Nagtataka ko siyang tiningnan at hindi ko na napigilan ang aking pagtawa nang irapan niya ako pati si Tita. Nakahalukipkip siya at mukhang nasira ang mood.

"Ano ba, Mommy? Pagpahingain mo muna si Vena. Bawal pa siya mangyakap ng iba," supladong sambit niya kay Tita.

Someone cleared her throat. Napatingin kami sa kung sino ang lumapit. Nanliit ang aking mga mata dahil kamukha ito ni Fabian. Smiles plaster on her lips when she saw me standing beside Fabian.

She looks like Tita Fiona. Parang carbon copy lang ito dahil mula sa kan'yang kutis, sa mata, ilong, at labi ay kuhang-kuha niya. I bet she's Farveen, sister of Fabian. Bumeso siya sa akin kaya mas lalong napahigpit ang hawak sa akin ni Fabian.

"Wow, ang ganda pala ni Venus sa personal! Nakikita lang kita sa pictures, e, galing mo kasing mag-model ng mga damit!"

"Asawa ko na 'yan. . ." Fabian said proudly.

"Oo nga, e, nagbunga 'yong pangso-stalk mo sa kan'ya sa social media accounts niya pati pagtingin-tingin palagi sa mga pictures niya!" Ate Farveen teased him.

Napawi ang ngisi niya nang marinig ang sinagot sa kan'ya. He blushed and bit his lower lip. I chuckled. Para siyang nahuli sa kasalanang nagawa niya. Mas lalo akong natawa kaya matalim niya akong tiningnan.

"Stop, Farveen. Halika na, Vena. I know that you are also hungry kaya nakahanda na ang mga pagkain," nakangiting sambit ni Tita Fiona.

Nagpatianod ako sa hila ni Fabian dahil siya ang nakakaalam ng pasikot-sikot dito sa bahay nila. I tried to find Tito Arman but I failed to find him. Mukhang wala siya rito. Ito siguro ang sinasabi sa akin ni Fabian na palaging wala ang Daddy nila.

"Ang daya, Mommy! Porket nandito lang si Vena, marami kang ihahanda na pagkain?" Parang batang sabi ni Fabian.

"Bakit, anak ba kita? Sino ka ba? Bakit ka nandito?" Patay malisyang tanong ni Tita Fiona na nagpatawa sa akin.

"Kasama ko asawa ko, siyempre," badtrip na sagot niya.

"Palabasin mo nga 'yan, Farveen. Nakita ko 'yan sa kalye kahapon, e, nanglilimos..." Nang-aasar na ngumisi si Tita. "Nanglilimos ng atensyon ni Vena... yiEEeeeE," dugtong ni Tita Fiona.

Humagalpak ako sa tawa nang marinig ko ang kan'yang sinabi, lalo na noong kinanta niya pa ang Somebody to You ng 5SOS. Pumapalakpak ako at hinahampas si Ate Farveen na nasa aking tabi habang tumatawa. Tumawa rin si Tita nang makita niyang namula si Fabian dahil sa hiya.

"What the hell did you just do, Mom?" He spoke slowly, hindi makapaniwala sa sinabi ni Tita.

"Nakita ko lang sa facebook. Bakit? Totoo naman, a, hayok na hayok ka nga sa atensyon ni Vena. Iyak iyak ka pa nga sa akin noon. 'huHuHu moMmy, waLa nA si vEnus'." Tita Fiona tried to mimicked his voice.

"May facebook ka, Ma?" Nanlaki ang mata ni Fabian.

"Oo, bakit? Hindi pa ako matanda! Ginawan ako ni Farveen. Marami nga akong nakita doon, e. Ano ba 'yong omegle? Sabi nila, makakahanap ka raw ng destiny ro'n," Tita smiled sheepishly.

Indeed their mother is a genuine person. Nagsisisi ako kung bakit siya ang sinisi ko noon kung bakit kami naghiwalay ni Fabian. Tita Fiona deserves love. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal ni Fabian si Tita. His love for his mother is eternal. Walang katulad, kakaiba, walang makakatalo... kahit ako.

"Ate, what did you do? Tingnan mo, may balak pang maghanap ng lovelife, e, menopause na nga," wika niya.

"Buwisit ka, ah! Venus, hiwalayan mo nga 'to! Alam mo ba, ako pa naglalaba ng brief niya noong 13 years old siya! Tingnan mo na, hiwalayan mo na 'yan!"

"Luh, ano ba sabi ko? Sabi ko po, kahit mag-tiktok ka pa sa harap ko, Mommy, ayos lang kasi 'di ba po, bata ka pa at saka maganda," ngumiti nang pagkatamis-tamis si Fabian para mapahinahon si Tita.

Halos hindi na ako makahinga sa tindi ng aking tawa. Their bond is really solid. Ganito rin naman kami nina Mommy pero sa amin, kailangan prim and proper. Kaya nga hindi bagay sa parents ko na mag-joke kasi nagjo-joke na nga lang, monotone pa rin. What the fuck?

"Reto ko pa 'yan kay Gabrielle, e. Sinong inuto mo, Fabian? Parating na mga pinsan mo. Akala mo d'yan," Tita crossed her arms iver her chest.

"Sabi ko nga puwede ka na mag-omegle. Tanda tanda na, isip bata pa rin."

"Wow, coming from you? Dinadaan sa pagpapa-baby si Vena para maantot."

Tangina... sa'n na ba napunta usapan nila?

"Ay, alam mo pala 'yon? Mana talaga ako sa 'yo!" Natatawang sambit ni Fabian.

"Oo, gan'yan din ako sa Daddy niyo, e. Kunwari tampo ako tapos susuyuin niya ako, then iki-kiss niya ako, kaya siyempre, diretso pasok na agad!"

"Pasimple ka pa. Gusto mo lang magkaapo, e. H'wag ka mag-alala. 'Pag nanganak na si Bena ng first child namin, sundan ko agad tapos kapag nanganak ulit, gawa baby ulit," kumislap ang mga mata ni Fabian dahil mukhang nag-iimagine siya.

Uminit ang magkabilaang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Nakangisi na rin si Ate Farveen habang nakatitig sa akin. Mas lalo akong nanlumo nang bumuka ang bibig ni Tita Fiona. Tinakpan ko ang magkabilaan kong tainga dahil ayaw ko nang marinig pa ang susunod na kan'yang sasabihin. Hindi ko na kinakaya!

"Oo nga, buti nahalata mo. Dali na, anak, tapusin mo na 'yang kinakain mo. Punta na kayo sa kuwarto tapos lock mo, ha? Sure ako cowgirl favorite position ni Vena!"

Tangina... are they aware that I am still here, listening to their conversation? And what the hell? Cowgirl? Me on top? Puwede naman. Hihi.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now