Kita ko na nagmadaling ayusin ng iba ang suot nila, nataranta din si Ariel ng makita ang mismong anak pa nito na magulo din ang damit.

"Pangalawa ayaw na ayaw ko ang nahuhuli"napatingin sa akin ang nasa dulo na hanay ng makita niya tinitignan ko siya. Sumunod din ng tingin ang iba pa nandoon, lumunok pa ito ng laway ng makitang masama ang tingin ko.

"At pang huli ayaw na ayaw ko natatamad tamad"sabay tingin sa kaliwang bahagi kung saan ako nakatayo ngayon.

Mukhang naramdaman nito na tinitignan ko siya at tinignan ako ng kawal na ito tila hindi sineryoso ang sinasabi ko.

Ngumisi ako dito ng makita na tila hinahamon ata ako. Napansin din ng iba na tila umiinit ang paligid.

"Ariel"tawag ko sa Kapitan at mabilis na lumapit pero tila napaso kaya inalis ko muna ang pinakawalan ko na aura.

"M-mahal na prinsesa?"nataranta na sagot nito sa akin.

"Utusan mo ang lahat na manood at maupo dahil makakanood sila kung paano magparusa sa mga hindi marunong mag seryoso at gumalang sa sinasabi ko"walang emosyon na sabi ko dito at mabilis na kumilos ito.

"Lahat gumilid at umupo utos ng mahal na prinsesa"sigaw nito at nataranta ang mga kawal kaya ginawa, nakapabilog din sila para magkaroon ng puwang ang gitna.

Lumapit ako sa hindi nakikinig sa utos ni Ariel at nakita ko na nanlaki ang mata ni Arnel at ni Ariel ng makita ang isang lalaki na nakatayo.

"Anong ginagawa mo Abriel?"galit na sabi nito sa lalaking kawal na tila nang aasar pa na binibigay na tingin.

"Kamukha mo din siya Ariel, anak mo ba siya?"walang gana na tanong ko dito at dahan dahan tumango ito.

"Opo mahal na prinsesa, patawad po sa pagiging bastos nito"nakayukong sabi nito at tinignan ko ulit ang isa pang anak nito.

"Anong gagawin mo sakin mahal na prinsesa?"tila may pagtuya na sabi nito sa akin na ikinataas ko ng kilay.

"Ariel maaari ko ba makalaban ang anak mo?"walang emosyon na sabi ko dito at nakita ko na naging seryoso ito.

"Opo mahal na prinsesa"yumuko ito at nakita ko na nabigla ang anak niya na walang galang.

Pumunta ako sa gitna at kita ko ang kaba ng mga ibang kawal at makikita din sa mga mata nila na tila naghihintay na makita nila ang kakayahan ko.

"Mahal na prinsesa hindi po ba kayo magpapalit ng suot?"namumulang sabi ng dama na anak ni Irna. Nakita ko na napayukong tumingin sa akin ang punong dama ko.

"Hindi na"walang gana na sabi ko at kita ko sa mata ni Irna na tutol ito sa sagot ko.

Sino ba naman ang makikipaglaban na nakasuot ng dress na hanggang tuhod.

Syempre meron at walang ibang kundi ang anak ni Summer at Raine Arcavia.

"Simulan na ang laban"napatingin ako sa Abriel na tinawag ni Ariel kanina at napangisi ako na makita na tila naghahanda ito.

Mabilis na sumugod ito sa akin hawak ang espada na tila nakuha niya sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Pareho sila ng Ariel ng kapangyarihan pero halata dito na hindi pa ito lubos na sanay.

"Mahal na Prinsesa"rinig na tawag sa akin ng mga nanonood pero ngumisi lang ako.

Hindi kasi ako gumagalaw at hinihintay lang ang susugod sa akin.

Malapit na nito ako masaksaka ng nilabas ko ang katana ko na gawa sa apoy.

Tila nakita niya yun at mabilis na huminto ng pag sugod sa akin. Walang gana na tinignan ko ito at nakita ko na tila nainis ito.

"Ahhhhhh"sugod nito at walang gana na inikutan ito at sabay saksak sa likod niya.

Tumumba ito at walang gana na inalis ko ang katana ko, kita ko ang gulat sa mga mata ni Ariel.

Alam ko na anak pa rin niya ito kahit na hindi sila magkasundo at mabilis na lumapit si Arnel sa kapatid.

"Kung kaya niyo ako labanan at talunin siguraduhin niyo lang na kaya niyo talaga lalo na hindi niyo ako gagalangin at babastusin lang"walang emosyon na sabi ko at nakita ko na yumuko ang lahat at nanginginig sa takot.

Nilapitan ko si Ariel habang nakatayo sa harapan ng anak na nawalan na ng malay.

"Bakit walang dugo?"nagtatakang bulong nito sa sarili.

"Ariel"malamig na boses ang pagtawag ko dito at nakita ko na napalunok ito ng tinignan ako.

"Sana maging leksyo sa lahat at lalo na sa anak mo nangyari"sabay alis sa harap nito. Bago pa ako tuluyan makalayo ay may sinabi pa ako dito.

"Ilang araw lang yan mawawalan ng malay"narinig ko na nagpaalam ito at nagpasalamat sa akin.

Ang ginawa ko lang naman ay pinainit ko ang kaloob looban ng katawan ng anak ni Ariel. Kaya walang dugo na lumabas dito nung saksakin ko.

Habang nag lalakad ako ay malamig na tinignan ko ang ibang kawal na nakatingin sa akin. Mabilis na nagbaba sila ng tingin at ngumisi ng makita ang takot sa mga mata nila.

Huwag na huwag nila ako ginagalit lalong lalo na hindi ako pakinggan sa sinasabi ko at ang huli huwag nila ako babastusin.

Sa oras na may gawin silang kalokohan hindi ako magdadalawang isip na patayin sila.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now