Chapter 1

8.5K 117 3
                                    


SHINA.

Napatingin ako sa phone ko. It's already 12:46 AM pero hindi parin ako makatulog. May pasok bukas pero hindi talaga ako dalawin ng antok kaya naiinis na ako. Hindi ko naman pwedeng guluhin si Solar dahil alam kong tulog na ang babaeng yon.

Tumayo ako at bumaba para uminom ng gatas. Napatingin ulit ako sa instagram post ni Kei. I sighed and stop myself from crying, nakakainis naman! Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi parin mawala-wala yung pesteng pagmamahal na nararamdaman ko sakanya. Nang maubos ang gatas na kinuha ko ay bumalik din ako agad sa kwarto ko at humiga. I forced myself to sleep. Damn! I need to go to school early!

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Lack of sleep! I check the time on my phone. Hindi pa naman ako late kaya bumangon na ako at nagtungo sa banyo para gawin ang morning rituals ko.

Matapos ang isang oras ay presentable na akong tignan. Tinatamad akong mag-ayos kaya sinuklay ko lamang ang buhok ko at bumaba na para mag-almusal.

"Goodmorning anak." It was my mother's voice.

"Goodmorning too mom. Where's dad?" Tanong ko.

"Did someone call me?" Napangiti ako nang marinig ang boses ni dad.

"Goodmorning dad!" Bati ko.

"Goodmorning din anak." Bati naman niya pabalik. Gusto ko sanang mag-breakfast pa kaso may naalala akong gagawin ko pa kaya kumuha lamang ako ng sandwich.

"You'll eat that for breakfast?" Tanong ni mommy kaya tumango ako.

"I still have something to do mom!" Sabi ko at humalik sa pisngi nila at nagmamadaling lumabas. I went inside my car and connected my phone on my car's speaker and drove off. Moira and Ben and Ben's Paalam suddenly played while I'm driving.

Pag-asa nasaan ka?
Bat sumama sa paglisan niya?
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa aking tabi?

I sighed and just focused myself on driving. Ayokong maaksidente no!

Saan ba magsisimula?
Kung ako'y umaasa pa
Naniniwala sa'yong pangako
Na hinding-hindi susuko

Inis na pinindot ko ang next play button dahil kung ano ano na naman naiisip ko.

Umiling ako at huminga ng malalim, binilisan ko ang pagpapatakbo para makarating agad sa school. Dumiretso ako sa room at naabutan ko si Solar na nagbabasa ng notes niya.

"Goodmorning!" Bati ko sakanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Goodmorning din Shina!" Bati niya pabalik kaya umupo ako sa tabi niya.

"Hindi ka late pero malapit na magsimula ang klase." Natatawang sabi niya kaya ngumuso ako.

"I'm still sleepy." Reklamo ko at humikab, sakto namang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ng klase kaya kahit antok na atok pa ay umayos na ako ng upo dahil pumasok na din ang guro namin ngayon.

"Hintayin mo ako Shina, I'll just find Moon." Pagkatunog ng bell ay iyon agad ang sinabi ni Solar kaya tumango ako at inayos ang mga gamit namin. Mukhang nag-cut na naman ng klase si Moon. Huling klase na namin ngayon at kaninang umaga pa ako bagot na bagot.

Nang nainip ako ay agad akong nag-message kay Solar na may pupuntahan kami kaya bilisan niya.

Wala na kaming klase ng 2 PM kaya hinihintay ko nalang talaga si Solar dahil hindi ko na alam saan napadpad ang babaeng yon dahil ang tagal niya.

"Andito na ako Shina! Saan tayo pupunta?" Tanong niya kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko kaya kinuha ko na din ang bag niya.

"Let's go to the Music Room!" Nakangiting sabi ko at hinila siya palabas ng room.

Lopez Series #2: When Destiny PlaysWhere stories live. Discover now