Chapter 10: Confession

134 3 0
                                    

Nakatitig lang ako sa mukha ni Ali habang siya ay mahimbing na natutulog sa hospital bed niya.

Noong gabi ring 'yon ay ibinalik na ulit namin siya sa ospital. Ni hindi man lang siya nagising hanggang sa makarating kami rito.

Ang sabi ni Tito Peter ay isa rin 'yon sa symptoms ng ITP. Palagi siyang inaantok kaya kahit ano pa mang ginagawa niya o kung nasaan man siya ay pwede siyang makaramdam ng antok at makatulog. Parang lagi rin siyang pagod kaya iniiwasan naming mapagod siya.

Iniiwasan din naming magkalagnat siya dahil baka maging trigger 'yon para bumaba na naman ang platelet count niya kung hindi kami mag-iingat. Iniiwasan din namin ang mabangga siya nang kahit na anong bagay dahil baka magkaroon na naman siya ng pasa o sugat na pwedeng dumugo buong maghapon. Magiging trigger ulit 'yon para bumaba ang platelet niya.

Kahit ubo o sipon man lang, hindi rin siya pwedeng magkaro'n. Makakasama 'yon sa kaniya.

Sa mga araw na lumipas, napapansin ko ring mas lalong lumalala ang body pain niya. Sa tuwing nakikita ko siyang gano'n, na nahihirapan, parang pati ako ay nahihirapan din. Para bang gusto ko na lang kunin ang nararamdaman niya para ako na lang ang makaramdam at 'wag na siya.

Seeing her in pain like that feels like someone's reaping my heart into pieces.

"Gabi na, hindi ka pa ba uuwi?"

Napalingon ako sa nagsalitang si Tito Peter na kakagaling sa labas. May bitbit siyang dalawang supot na malamang na pagkain ang laman. Ipinatong niya 'yon sa lamesa sa tabi ng kama ni Ali bago lumapit sa 'kin.

"Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Okay lang po. Nagpaalam na po 'ko sa bahay na gagabihin po ako ng uwi." Sagot ko naman.

Tiningnan niya si Ali kaya napatingin na rin ulit ako sa kaniya. "She's so brave, right?" Ani nito.

Napangiti naman ako saka tumango.

Yeah, she is really brave.

"Her mom and Ali are my angels."

Napalingon ako kay Tito Peter nang sabihin niya 'yon. Nanatili namang nakatitig lang siya kay Ali. Kita ko sa mga mata ang pinaghalong saya at lungkot.

"Silang dalawa ang buhay ko. Nang makilala ko si Belinda, I became the better man no one could ever imagined." Sarkastiko siyang tumawa. "Hindi ko nga akaling magmamay-ari ako ng isang kompanya e."

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Ali at nakinig na lamang sa kwento ni Tito Peter.

"I was a jerk before, but when I met Belinda, I tried to change myself and become a better person she deserves. That day, I already knew that Belinda is the one for me."

Habang sinasabi niya 'yon, puno 'yon ng pagmamahal. Ramdam ko kung gaano niya kamahal ang namatay niyang asawa.

"Tapos dumating sa buhay namin si Ali. That's when I saw a real angel. Napakagandang bata niya. Lumaki siyang napakabait, masunurin, mapagmahal, at napakatalinong bata."

I know. Naramdaman ko 'yon sa ilang araw na nakasama at nakilala ko siya.

"Close silang dalawa ng mommy niya, kaya no'ng mamatay si Belinda, mas nasaktan siya kaysa sa 'kin. Hindi niya matanggap na wala na ang mommy niya. I thought that was it, but there was an accident that almost caused her life. She lived but her ability to hear and speak were taken from her. And then, this illness. She went throught a lot, but she's still brave enough to face all of it and not give up."

Hindi nagsisinungaling si Tito Peter sa sinasabi niya. Sa bawat araw na lumilipas na kasama ko siya, nakilala ko ang isang Ali na matapang. Sure, she sometimes show her vulnerability, but that's what makes her strong.

Reach The StarsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant