PROLOGUE

789 25 0
                                    

"Sana...sana ako na lang ho ang ipapakasal ninyo kay Cade."

Galit na itinapon ni Cade ang susi ng kanyang kotse sa ibabaw ng kama at napaupo siya sa gilid ng kanyang higaan. Wala sa oras na ibinaon niya ang mga daliri sa kanyang buhok, pilit na pinapakalma ang sarili. He's so mad he'll probably wring that woman's neck. Ano bang pakialam nito sa buhay niya?

Kanina lang nang mapadaan siya sa library ay narinig niyang may kausap ang mga magulang niya. Ayaw na sana niyang makinig sa usapan ngunit hindi sinadyang narinig niya ang pangalan niya kaya napahinto siya. Nagkataon kasing hindi masyadong naisara ang pinto. That woman. Damn her!

Sa totoo lang, kilala niya ito. She's Yumika Rose Pelarca, o mas kilala bilang Mika. She's his childhood friend who's been eyeing him for years. Oo, alam niya iyon dahil ilang beses na niya itong nahuling nakatingin sa kanya. Kung hindi naman ay laging nakaabang sa basketball practice nila noong high school. Hanggang sa tumuntong siya ng college ay nakabuntot parin ito. Parehong university ang pinasukan nila at halos pareho din ang mga subjects nila. Worse, parang nakikita niyang nagiging puso ang mga mata nito sa tuwing sinasagot niya ang pakikipaghalubilo nito kahit na tipid lang ang mga isinasagot niya. For him, she was a freak na laging nakabuntot.

At mapahanggang ngayon ay hindi parin siya nito tinatantanan. Damn her! Tanga ba ito para hindi nito mapansin ang disgusto niya rito o talagang ipinanganak lang ito para maging asungot sa buhay niya? He's been avoiding her like a plague ever since. But damn, the woman didn't even care at all! At kung sakaling matutuloy man ang plano nito magpapakasal sa kanya, he swore he'll turn her life miserable for ruining his life.

What You Mean To Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now