"Kahit ako ang anak mo, Papa?" I said calmly. Natahimik siya doon.
"You know, I don't understand why you pass this to others. Ikaw po ang nag-pasok sa akin dito, mas gusto kong ikaw pa ang mag-turo sa akin. Pero syempre hindi yan mangyayari kasi busy ka and i'm still trying my best para tiisin si Tita Michelle!"
Saktong nakarating na kami sa tapat ng bahay hindi naman agad nakasagot si Papa. "Okay, calm down now. I'm sorry if she made you feel that way, kakausapin ko siya Arabella and we'll talk about this too later, okay?" He said and kissed my forehead at lumabas ng sasakyan.
Starting from that day, Papa still tried his best to guide me in the farm kaso hindi rin maiwasan na kailangan siya minsan sa mga deliveries and just like before si Tita Michelle na ang nakakasama ko, she was better compared sa mga nauna niyang trato saakin, sinabi rin ni Papa na sinabihan niya na si Tita Michelle about it and the woman was sorry.
Ganon lang ang scenario buong week, Alex was back in Manila dahil mas naging busy na siya for this term. After a week of consistently training in the farm nagpahinga na ako, I was left with less than a month for this summer vacation. Today I planned to visit my childhood friend here in Bulacan.
Hindi na rin kami ganoon nagkita for the last school year bc I was transferred to Batangas at nagstay lang siya dito.
"Manang, pakisabi nalang po I'll visit Sarena today." Bilin ko sa isa sa mga househelper doon. Walang tao sa baba, hindi ko alam saan sila nagsi-puntahan kaya magpa-pabilin nalang ako.
"Naku, paano ka pupunta doon? Mag-isa ka lang?"
"Mag-bike na lang po siguro, Manang." I said like I always do kapag gusto kog mamasyal o magmuni-muni magisa dito sa Bulacan.
"Baka mapano ka ha, mag-pahatid ka na lang kaya sa driver?"
"Po? Driver? Wala naman po tayong driver..." Pagtataka ko, sa pagkaka-alala ko we never had driver.
Nagbibisikleta na ako papunta sa abandonadong bahay na ginawa na ring playground kung saan dito kami madalas mag laro noon ni Sarena. It was at the next street kaya hindi naman din ganun ka layo. Pareho kami na medyo malapit doon kaya dati dati talaga ay gabi na kami kung umuwi.
"Saren!" I got out of the bicycle quickly when I saw her. Mas nauna na siya sa akin dito.
"Wow ah mas matangkad kana sakin!" Sambit niya pagkatapos usiwain buong katawan ko.
"OA ha! Para namang hindi tayo nagkita nung sembreak dito!" Sambit ko. Nagtawanan kami. Although we are already in the right age, nageenjoy parin kami sa playground na ito maybe we grew up here together and this is where we shared some of our stories.
Tumakbo agad ako sa isang swing doon, maganda ang simoy ng hangin ngayon kaya gusto ko itong sulitin.
"Oh, ano nang nangyari sa grade 10 mo doon? Marami ka rin ba na naging manliligaw?" Then she chuckled.
"Chismosa!" I joked.
"Hoy! Kapal mo," Hinampas ako ng pabiro.
"Joke lang. Meron, syempre ako pa ba mawawalan?" Sabi ko with matching hair flip pa.
"Landi naku!" Sabi niya naman at pabiro pang kinurot ang tenga ko. I laughed.
"Totoo naman!"
"Alin? Yung manliligaw o inaamin mong malandi ka talaga?"
We burst into laughter muntik pa na mahulog habang nagsswing.
Ikwinento ko rin sa kanya na tumigil na sa panliligaw si Topher at tatawagan niya nalang ako. Naalala ko naman iyon, hanggang ngayon pa rin pala wala paring yung tawag na sinasabi niya.
ESTÁS LEYENDO
Red Strings
Ficción General1/2 of FATE DUOLOGY Leizel Arabella Fabellar grew up as a passionate girl from the City of Batangas, her father owns a land property in Bulacan supposedly will manage by her soon but she decided to pursue Modeling. Meanwhile, Samuele Aidric Puerto...
