Nagpaalam si Papa na may aasikasuhin ulit na delivery kaya kami nanaman ang naiwan dito kaya binilinan siya na turuan ako. Umiikot kami ulit farm and this time I'm carrying a basket with me. There are also other workers na naghaharvest sa ibang parte ng farm.
"Eto," Sabay lapit niya sa Lettuce. "Hija, you should harvest lettuce when it is still young and tender that's when it gives the best taste." Turo niya. Ipinakita niya naman saakin paano iyon kunin sa lupa and then she put it carefully in the basket.
"Be careful also to not let them dry, dapat laging moist ang mga dahon nito para hindi mabulok ang mga ibang parte." Dagdag pa niya.
Minsan ay hindi pumapasok sa isip ang mga sinasabi niya dahil naa-amaze pa ako sa mga pinagsasabi niya, I mean bago pa lang siya dito pero alam niya na agad yung mga drill na dapat gawin.
I tempted to harvest one of the lettuce carefully at bigla niyang hinawi ang braso ko.
"What are you doing?! Mali yan!" She scolded. I almost rolled my eyes again, wala pa nga akong ginagawa?! Don't tell me aarte na naman siya tulad nung isang araw.
"S-sinusubukan ko lang naman po..." I said.
"Dapat nagpatulong ka!" She was so frustrated as if it affected her so much that what I did is wrong.
"My gosh! I don't even get it why your Dad let you in here.." Bulong niya pa, akala niya hindi ko narinig. Nag-init ang ulo ko doon pero syempre I should stay calm, kung sumbungera lang ako kila Papa, sinumbong na kita! Akala mo anong posisyon dito!
Lumipat na kami sa susunod na gulay. Nakikinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi kumilos para hindi ako ulit masigawan. Ako pa nagadjust para sa kanya, huh. Kahit minsan ay mabait siya o nagbabait baitan lang ata,. I still feel like there's something wrong with her. Pakiramdam ko ay hindi naman talaga siya para dito sa farm, although she's good at handling but I feel like para sa kapakanan niya lang kaya siya nagtatrabaho dito o baka he's after my Dad.
Dumating na ulit si Papa. She said I shouldn't do it again next time, like a teacher. Don't worry, Leizel, few more weeks you're out of here. Sabay na kaming umuwi ni Papa, medyo napaaga ang uwi niya ngayon. Habang nasa sasakyan ay hindi uli ako umimik. Kanina nung sinundo ako ni Papa, bumulong pa ata yung Michelle na 'yon, nagsumbong pa ata siya pa ang may gana, huh.
"Ano nanaman iyong inasal mo, Arabella?" Sa gitna ng katahimikan, tinanong ako ni Papa at tama ba ang rinig ko? Parang baliktad pa ang sinumbong niya.
"Huh?" Bumaling ako sa kanya at diretso lang ang tingin sa kalsada.
"Anong 'huh'? Michelle said bigla ka nalang daw pumulot ng lettuce." Kwento niya. Kumukulo ang dugo ko, magsusumbong na nga lang mali pa! And I knew it, mas ka kampihan siya ni Papa, ano pa nga ba, it's his farm of course!
"Hindi nga po Papa, I carefully tried to pick up the lettuce tapos bigla niya akong sinagi, ano daw ang ginagawa ko, mali daw 'yon, dapat daw tinawag ko muna siya eh tinuruan niya na nga ako, I'm not a kid anymore, Papa!" Sambit ko, hindi na na-pigilan mag-sumbong.
"What? Ang sabi niya-"
"Malamang kakampihan mo po 'yon, Papa! Did you even tried listening to me? Did you even tried to ask if I'm okay the other day? Because she didn't treat me right nung naghello ako sa kanya!"
"And of course, I knew you would be at her side at first!" Dagdag ko.
"Arabella, it's because she is the Farm Assistant. Responsibilidad niya na mag report sa akin." He said. I was surprised, now I understand why she act like that but the fact that Papa choose his assistant first over his own daughter? That's unbelievable!
YOU ARE READING
Red Strings
General Fiction1/2 of FATE DUOLOGY Leizel Arabella Fabellar grew up as a passionate girl from the City of Batangas, her father owns a land property in Bulacan supposedly will manage by her soon but she decided to pursue Modeling. Meanwhile, Samuele Aidric Puerto...
