Chapter Thirty-Two: Mistake

210 12 0
                                    

"Nandito ulit kami sa condo ni Lawrence. Aren't you coming? Patapos na kami." Lianna asked from the other line.

"Nope. I've tried mine the other day. May ginagawa ako ngayon." I said as I push my shopping cart.

"You're shopping?" narinig niya yata ang tunog ng cart na tinutulak ko ngayon.

"Yup." I lazily said.

"Oh, alright! Bye, then."

"Bye."

Last fitting yata nila ngayon. I can't go there right now because I'm in a supermarket, shopping for some things na kakailanganin ko sa bahay.

Mommy let our househelps have a short vacation. Tutal at marunong naman na akong magluto at gumawa ng konting household chores, pinayagan na niyang magbakasyon at umuwi na muna sa kani-kanilang pamilya sina Manang sa loob ng dalawang linggo.

Dati kasi ay dalawa o tatlong araw sa isang buwan lang sila nakakauwi, because no one will be left in our house. Ayaw kasi nina Mommy 'yung walang naiiwan sa bahay.

Masyado yata akong nawili sa pagsh-shopping at kaagad kong napuno ang malaking cart na tinutulak ko ngayon. Napaisip tuloy ako kung kakailanganin ko ba ang lahat ng kinuha ko.

I shrugged when I realized that I don't even know what are the things we still have or not in our house. Kaya okay na rin 'to. May dala naman akong sasakyan.

Huli kong kinuha ay ang isang carton of strawberry milk. This brings back so many memories. I bitterly smiled to myself as I put it on my cart.

Kaagad na akong pumila sa may cashier. Medyo marami ang namimili ngayon kaya kinailangan ko pang pumila.

Habang naghihintay ay tumingin-tingin muna ako ng mga emails sa aking cellphone.

Nang malapit na ako ay saka lang ako nag-angat ng tingin at tumingin-tingin sa paligid. Lalo lamang dumami ang mga tao sa supermarket. And to my surprise, I saw Krisa standing just right behind me!

She also looked surprise to see me standing right in front of her. But the shock on her face was short-lived, she immediately went from being surprised to being stern.

"Hey, you're here too!" I smiled at her.

She gave me a small and a not so genuine smile before nodding. "Had to buy some things."

Nilingon ko ang kaniyang basket na dala. May mga ingredients doon na pang spaghetti. Meron din isang ice cream roon. Nilingon ko ulit siya at nginitian kahit hindi naman niya iyon sinusuklian.

"Ako rin! I bought some groceries. " I said.

She just nodded at me and didn't say anything.

"Uhm. Sinong may birthday?" I tried to ask her because I find it weird if we won't talk and converse with each other.

Nakita ko ang bahagyang iritasyon na dumaan sa kaniyang mga mata. Mukhang hindi nagustuhan ang pagsisimula ko ng convo sa aming dalawa.

"Aeolus." she coldly said, looking straight in my eyes.

I was taken aback by what she said. My smile faded as I tried to remember what date is it today.

Nang maalala ang araw ay bahagya akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Right, it is his birthday today...

Binalingan ko siyang muli at pilit na nginitian. "You'll cook for him?"

Her brows slightly furrowed. I don't know why she looks so irritated at me right now. "Yes."

I firmly closed my lips and widened my force smile at her. I nodded. "Butter Pecan is great, but his favorite is Salted Caramel." I commented.

Kumunot ang kaniyang noo sa akin. Kaya itinuro ko ang ice cream na nasa kaniyang basket.

Still You Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang