VI

120 37 26
                                    


Matapos kong kainin ang inihanda ng lola niya para sa akin ay iniligpit ko na rin ang mga ito.

Saglit ko siyang sinulyapan sa kama.

Mukhang tulog na nga siya.

Muli kong inilibot ang tingin dito sa kuwarto. The gray curtains here are linen, the kind of gray that is untouched by hands and devoid of dust. Mukhang nilinisan nang todo ang lugar na 'to.

A cursory look to the right shows me the almost hidden cords that are used to open and close the curtains.

There is no television, but there's a bookshelf here. Under the lamp-shine, there's a nature's art, something that soothed right to the soul.

Pinag-isipan nang mabuti ang detalye ng kuwarto na ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon lalo na't kasama ko pa ngayon sa kuwarto na 'to ang lalaking nakikita ko lang dati sa panaginip ko.

Nananaginip pa rin ba ako?

I must accept it now.

Hindi na ako nananaginip.

I sighed at saka muling itinuon ang atensyon sa kabuuan ng kwarto.

Ano na kaya ang nangyari doon sa ginang na kausap ko kanina? May nakakita na kaya sa kaniya?

Kahit na iniisip kong baka sakaling buhay pa siya, mas nangibabaw pa rin ang takot dahil iniisip ko na patay na siya lalo na't sa dibdib siya tinamaan.

Naguguluhan pa rin ako.

Binuksan ko ang pintuan at isang hallway ang bumungad sa akin.

Itinuloy ko ang paglalakad habang pinagmamasdan ang mga litratong nakasabit sa dingding.

The photographs are black and white, not casual family snaps, but arranged to look like such by a professional.

Sinimulan kong maglakad, marami pang ibang kuwarto akong nadaanan. Sa dulo nito, may hagdan kaya naman dali-dali akong bumaba para hanapin ang kusina.

The stairs led down into a galleried room with a rug spread out over the linoleum floor, and a fireplace. A long polished wooden table had been set for two.

Sobrang lawak din ng bahay na 'to dahil halos mahilo na ako sa kakahanap ng kusina pero hindi ko pa rin mahanap.

"Hija, may kailangan ka ba?"

Muntik ko nang mabitawan ang mga hawak ko dahil sa sobrang gulat.

"Hinahanap ko po kasi ang kusina."

'Yong lola niya.

"Sana'y inilapag mo na lang ang mga 'yan doon at natulog ka na. Ako na ang magliligpit, hija. Gabi na," aniya at saka kinuha mula sa akin ang mga hawak ko.

"Sige na't umakyat ka na ulit, ako na ang bahala dito. Hindi rin naman ako makatulog," dagdag pa niya at saka naglakad.

"May gusto lang po sana akong tanungin." Sinundan ko naman siya sa kusina at saka umupo sa isa sa mga upuang nandito.

Sobrang lawak din ng kusina at sigurado akong mamahalin ang mga gamit na nandito.

Nang mailagay niya ang mga 'yon sa lababo ay tumabi siya sa akin. "Ano 'yon, hija?"

Again, curiosity.

"Matagal na po ba kayong nakatira dito? M--may alam po ba kayo sa mga nangyari dito noon?"

Narinig ko pang saglit siyang huminga nang malalim at saka sumagot. "Oo, hija... simula noong bata pa ako, dito na rin ako nakapag-asawa at nagkaapo, natatawa na lang ako at napapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari noong kabataan ko dito."

Must Keep A SecretWhere stories live. Discover now