V

113 40 17
                                    

His embrace is warm, and his arms seemed very protective when wrapped around my frail body.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

I sobbed into his chest unceasingly, he held me as my tears soaked his chest.

My eyes are burning. I could no longer see clearly.

"Perhaps, our eyes need to be washed by our tears once in a while, so that we can see with a clearer view again," rinig kong sabi niya at saka ako niyakap nang mas mahigpit.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nandito siya?

Kumalas ako mula sa pagkakayakap.

"Sorry."

Akala ko ay titigil na ako sa pag-iyak pero naalala ko na naman 'yong nasaksihan ko kanina. Biglang nanikip ang dibdib ko.

Sino 'yong may balak pumatay sa amin?

I can't breathe.

"Please... take me home."

'Yon ang huling mga salitang binitawan ko and everything darkened into nothingness.

-

Slowly and reluctantly, I uncover my face. I blink, close my eyes, and blink again, staring at the ceiling.

Everything is blurry. I don't know how I got in this bed, or how I got in these clothes I'm wearing right now.

Iba na ang suot kong damit.

I let out an exasperated sigh, groaning as I rolled off of the smoky gray-colored duvet I had been occupying.

Hindi ito ang kuwarto ko.

Nasaan ako?

Glancing around the room, I noticed a messy assortment of books on the table beside the bed.

The room is in the theme of classic, smoky peppery gray color.

Tumingin ako sa bintana. Madilim pa.

"Mabuti naman gising ka na."

That voice.

"Ang sarap ng tulog mo."

Papalapit na siya sa akin. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," he asked.

"Nasaan ako?" Imbis na sagot ay tanong din ang ibinalik ko sa kaniya. "Paano ako nakapunta dito?"

Umupo siya sa sofa na nandito at tumingin sa akin na napako na sa kinatatayuan ko. "Hindi mo maalala?" tanong rin niya pabalik.

Naalala ko naman bigla ang nangyari.

Ang pagkakabaril sa babaeng kausap ko, na sana ay siyang magsasabi sa akin ng totoo.

Ang pagtakbo ko na walang kasiguraduhan kung saan ako papunta.

'Yong takot at sakit dahil sa nasaksihan ko.

Ang biglang pagbuhos ng ulan habang umiiyak ako at bigla siyang dumating, tapos.... niyakap niya ako.

Pagkatapos n'on ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Nawalan ka ng malay kaya malamang ay binuhat kita at dinala ka dito sa bahay ko."

"Paano ako nakapagpalit ng damit? I--ikaw ba ang nagpalit sa akin? M--may nangyari ba sa atin?

Bigla na lang siyang tumawa. "Hoy, ang dumi naman ng isip mo."

"Paano nga ako nakapagpalit ng damit?! M--may nakita ka ba?"

Must Keep A SecretWhere stories live. Discover now