❛ thirty-two ❜

Start from the beginning
                                    

Tears rolled down on my face as I felt the pang in my chest. Pinagkatiwalaan ko na siya, e! Binuksan ko na ulit ang puso ko para sa kan'ya pero bakit kailangan pang magsinungaling sa harap ng mukha ko? I am taking it slow but I didn't know na sa gitna ng pag-aadjust ko sa kan'ya, naghahanap na pala siya ng iba.

"Alam mo 'yong masakit, Fabian? 'Yon 'yong bini-build ko ulit 'yong trust ko sa 'yo tapos sisirain mo ulit!" I cried. I can't breathe properly. Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa... dahil mahal ko siya.

"You are such a liar! A big jerk! A big asshole! Leaving your wife alone in 4:30 AM just to be with your other woman?!" I yelled. Mas lalo akong nagalit nang subukan pa rin niyang ibigay sa akin ang tupperware.

"Maling-mali na pinagkatiwalaan pa kita ulit! Hindi mo alam na nahihirapan akong mag-build ulit ng trust pero ang bilis mo lang sirain! Ano, gano'n ka na kakati?!" Galit kong sigaw na dumagundong sa buong bahay.

"Calm down, baby. Calm down first and I will explain it you," he tried to reach for my elbow but I quickly pushed him away from me.

Yuck! Pagkatapos niyang makipag-sex sa ibang babae, hahawakan niya ako? Parehas kayong germs! Nakakadiri kayo!

"Don't touch me, you fvcking animal! Gano'n ka na kahayok sa dede at sa hita kaya sa iba mo hinahanap? Well, maghanap ka! I don't care about you anymore! Tama nga si Tita Fiona, you are such a big disappointment!" I roared.

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kan'yang mga mata ngunit mas pinili niyang lapitan ako at pakalmahin. I pushed him away from me again. Nanghihina siyang tiningnan ako at pilit akong nginitian kahit na pilit ko siyang inilalayo sa akin.

Dahil sa matinding galit, kinuha ko sa kan'yang kamay ang tupperware. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwang nang kuhain ko 'yon sa kan'ya. Binuksan ko iyon and it is an adobo, my favorite, but I don't care even if this is my favorite Filipino dish! Walang pagdadalawang isip kong tinapon iyon sa kan'ya at bumagsak ang adobo sa kan'yang buong katawan.

Dinig na dinig ang ingay na naidulot ng tupperware nang bumagsak ito.

"You don't have to cook for me! Ano ka, plastik? Sabi ng babae mo, ayaw mo sa akin, ah! Tapos lulutuan mo ako? Putangina mo! Putangina niyong lahat!" I shouted.

A drop of tears fell down on his face. Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kan'yang mga mata. Kahit na pilit ko siyang inilalayo sa akin ay sinubukan pa rin niya akong lapitan upang pakalmahin. He tried to hug me but I am just pushing him away. I am crying my heart out that's why he couldn't touch me... because my tear is his weakness.

"Please listen to me, Vena. I can't do that to you. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko kayang maghanap ng ibang babae dahil ikaw lang ang palaging hinahanap-hanap ng puso ko," he whispered. Hindi niya pinansin ang mantsa sa kan'yang buong damit.

"You are my only, Venus. Calm down, please. Don't overthink about us because it was all nothing," he desperately explained to me.

"Nothing? Sabi niya, napagod ka niya! Na napipilitan ka lang sa akin! Tapos pumunta ka pa sa kanila nang gano'n kaaga and you even tried to lie on me?!"

Hinang-hina na ang aking buong katawan dahil sa biglang pag-usbong ng galit. Pagod na pagod na akong umiyak gabi-gabi. Pagod na pagod na akong masaktan nang paulit-ulit.

"Jhoy is just a friend of mine. She couldn't walk dahil mahina ang kan'yang mga paa sa nangyaring aksidente. She called me a while ago because her yaya left her to buy her a food. May gusto siyang gawin pero hindi niya magawa dahil nga sa hindi siya makalakad," he explained.

Huminga ako nang malalim at tuluyan nang nanghina. Hindi na rin ako makaiyak sa sobrang pagod ng aking mga mata. Hindi na rin ako makapagsalita sa sakit ng aking lalamunan.

"Alam mo kung bakit ko 'to ginagawa? Dahil gabi-gabi pa rin ako binabagabag ng ala-alang 'yon! Na dahil sa akin, kaya hindi natupad ni Jhoy ang mga pangarap niya!"

I slumped down on the couch. I feel guilty, thinking of the food that I threw a while ago. God, I am really sorry.

"She was with me when that accident happened! Sinamahan niya ako noon because I was really devastated and broken! I told her about you! Siya 'yong nand'yan noong mga panahong nawala ka sa akin! Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko na alam na maaaksidente kami! Ako, Venus, ako ang dahilan kung bakit hindi siya makalakad, kung bakit hindi niya natupad ang pangarap niya!"

Natutop ko ang aking bibig sa nalaman. Tangina... naaksidente si Fabian? Bakit hindi 'to alam? Gano'n na ba talaga ako ka self-centered? Sariling emosyon ko lang ba talaga ang iniisip ko?

"Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako 'yong mas napuruhan, e mas deserve ko naman 'yon. . ." Mapait niyang sinabi.

Naiyak muli ako habang tinitingnan siyang nanghihina sa aking harap. Gustong-gusto niya akong hawakan, hagkan, pakalmahin, pero alam niyang isang hawak lang niya sa akin, libo-libong emosyon na naman ang aking mararamdaman.

"Kinailangan niya ako, Vena, dahil alam ko na sa paraan na 'yon, unti-unti kong mapapatawad ang sarili ko sa nagawa sa kan'ya. Hindi na niya kailangan pang madamay rito pero mas napuruhan siya dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo!" Mariin niyang sinabi.

"Ginawa ko naman lahat, Vena, ah... Pagdating ko, I tried to cook for you, masaya kitang sinalubong... I did everything for you. Ano pa ba'ng kulang, Vena? Ano pa ba? Gagawin ko para hindi ka na maghanap ng iba... para hindi ka na magalit sa akin. . ." Pain is really evident in his eyes.

"I may be a disappointment as of now but someday... someday, you would be proud of me, too. . ." He smiled bitterly.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now