[viii] Scared.

10 4 2
                                    

"Kuya Josh, gising na po si Kuya Rye,"

Boses agad ni Mia ang narinig ni Ryan nang buksan niya ang dalawa niyang mata. Pamilyar na guest room ang bumungad sa kanya, habang nakatingin naman sa kanya si Mia at Zach na mukhang nag-abang para magising siya. Mukhang alalang-alala ang dalawa sa nangyari sa kanya.

"Kukuha lang ako ng tubig sa baba," paalam ni Josh at umalis ng kwarto. Naiwan ang tatlo sa loob na nagtititigan.

"Rye, kumusta ka?" panimulang tanong ni Zach sa kanya. "May natatandaan ka ba kung anong nangyari?" tanong pa muli nito na nagpanimula na naman sa kanyang magmukhang kabado.

"Wala akong gaanong matandaan," aniya at paulit-ulit na binukas-sara ang mata. Nagkatinginan naman si Mia at Zach na kapwa naglakihan ang mata. "Ano bang nangyari?"

"Hala, Mia. Hindi niya tanda!" halos naiiyak nang banggit ni Zach at nagsimula na ring mag-alala si Mia. Paano na 'to? Dalawa na aalagaan niya?

Isang closeted at panicked gay na hindi maaming bakla siya sa harap ng kaibigan niya...

At isa namang kuya niya na nahimatay bigla.

"Hindi tanda ang ano?" tanong ni Ryan habang nakatingin kay Zach. Napatingin din siya kay Mia para magtanong pero napapilit na lang ito ng ngiti at tumingin kay Zach. "Na bakla ka?"

Kapwa nanlaki muli ang mata ng dalawa na napatingin kay Ryan.

"Hala, tanda mo?" tanong muli ni Zach at mukha na naman itong papaiyak. Pinilit naman ni Ryan na bumangon kaya inalalayan siya ng dalawa. "Kung hindi ko tanda, iiyak ka na. Kung tanda ko, iiyak ka na naman. Ano ba talagang gusto mo?" natatawang tanong nito.

"Hindi ka ba galit sakin?" tanong ni Zach sa kanya at umiling naman si Ryan. "Nandidiri?" umiling ulit si Ryan. "Nadudugyutan?" umiling ulit. "Walang magbabago?"

Mahina na lang na napatawa ang binata bilang sagot, "Bakit naman may magbabago? Ikaw pa rin naman yung Zachary na kaibigan ko. Magbabago ka ba?" ngayon, si Zach naman ang umiling at ngumiti.

"Syempre hindi 'no! Nagkagusto lang ako sa lalaki, pero hindi ibig-sabihin nun, iiwan na kita!" pangangatwiran ni Zach at niyakap niya si Ryan sa may tyan. Napatawa naman si Ryan dahil sa kiliti at kasabay nito ang pagpasok ni Josh para mag-abot ng tubig.

"Bunso, kumusta?" tanong ng kuya niya at nag-abot ng tubig. Inabot naman ito ng binata at uminom bago sumagot. "Nahimatay lang dahil siguro sa init at pagod, kuya. Wala lang 'to," matapos magsalita ay napaubo ang binata.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto niyo?" alok ni Josh sa mga nakababata. Tumanggi ang mga ito pero si Ryan na ang sumagot sa kuya niya para mag-request ng meryenda. Lumabas naman agad ito at bumalik sa kusina.

"Ngayon," panimula ni Ryan at umubo ulit. Uminom siya muli ng tubig bago magpatuloy, "Ano nga ba talagang nangyayari? Anong meron sa pagitan niyo ni Silver?"

Napatingin saglit si Zach kay Mia na nag-aantay din ng sagot. Hindi rin nagkaroon ng pagkakataon si Zach na ipaliwanag ang lahat matapos mahimatay ni Ryan. Kagaya lang din ni Ryan, nag-aantay lang din si Mia ng sagot.

"Siguro, nabanggit na rin ni Silver yung ibang bahagi nung kwento kay Mia nung magkausap sila," ani Zach. "Nung kumalat yung balita sa uni na bisexual si Silver, medyo kinabahan na siya although wala naman yung epekto sa pagiging varsity player niya."

"Pero nung magsimula nang magsuspetsya yung parents ko na gay ako, doon na ko natakot na malaman nilang may relasyon kami ni Silver kaya si Silver na mismo ang nag-adjust para lumayo at hindi siya makitang may koneksyon sakin," paliwanag ni Zach.

Only ThenWhere stories live. Discover now