"Tama nga ang aking hinuha. Nagtagpo na ang landas niyo sa unang pagkakataon ni Señor Joaquin." Nakangiti niyang sambit na lalong nagpagulo sa isip ko. Wala naman akong nakitang senior--- ang ibig niya bang sabihin sa sinabi niya ay Señor? At yung lalaki ba kanina ang tinutukoy niya?

Señor Joaquin? Ayy wow! Meaning mayaman yun? Hindi halata psycho kasi. Pero anong meron? Kung wala naman tong kinalaman sa buhay ko then why am I here? Ano bang nangyayari?

"Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit nangyayari yun sa atin." Matalinhagang wika niya. Pagkatapos ng pagsabi niya ng mga katagang iyon ay biglang nandilim ang paligid.

Pagmulat ko ng mata ko ay mukha nila Lola, lolo at nila mom at dad ang una kong nakita. Bakas sa mukha nila ang pag aalala at pagtataka kung anong nangyari sa akin. Naalala kong pagkatapos kong lumabas para tignan kung sino yung kumakatok sa pinto kanina ay bigla akong nahilo at natumba. Naalala ko din yung parang panaginip na iyon. Totoo ba yun? Sino ba yun?

"Acia! Buti at gising ka na anak. Ano bang nangyari sayo? Nakita ka na lang naming walang malay dyan sa lapag. Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nila mom at dad sa akin.

"I'm fine mom, dad. Don't worry.. Nahilo lang po kanina but I'm fine now." I said with a slight smile plastered in my face.

Kahit naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari, pinagpasyahan ko na lang na kalimutan yung mahiwagang panaginip na iyon. Sabi nga panaginip lang iyon. Malayong mangyari sa totoong buhay.

***

Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagpaalam ako kila lola na maglilibot libot muna ako sa loob ng hacienda niya. Pumayag naman siya at sinabihan lang akong mag ingat at huwag masyado lumayo kaya heto ako naglalakad sa ilalalim ng mga puno na nagbibigay lilim sa daraanan ko. Maganda ang tanawin at napakapresko ng hangin. Ang ganda pala talaga ng probinsiya. Walang polusyon at hindi pa mainit.

Sa aking paglalakad ay biglang nagbago ang panahon. Umitim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Napasilong ako sa isang puno na malapit sa akin at nag iisip ng umuwi sa mansion dahil baka nag aalala na sila  sa akin ngayon. Marami pang kulog at kidlat ang dumating at yakap yakap ko na ngayon ang aking sarili na basang basa na dahil sa lakas ng ulan. Gusto ko na makauwi pero parang imposible dahil napakadelikado ang maglakad sa gitna ng pagkulog at pagkidlat.

Habang nakasilong ako sa isang puno ay bigla ulit kumidlat at kumulog at bigla na lang namanhid ang buong katawan ko. I felt electrocuted. Nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa lupa.

El SalvacioneWhere stories live. Discover now