Chapter 28

231 8 0
                                    

Chapter 28

Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. "No! No!"

God knows kung gaano na katagal si Jacobo sa tubig. Baka napaano na ang anak ko. Walang pag-aatubiling lumapit ako sa may tubig at umupo. Wala na sa isip ko kung marumihan man ang suot ko.

Matindi ang nating kabog ng dibdib ki ng hindi pa umaahon si Nate at si Jacobo. "Pag hindi pa sila umahon, tatalon ako." Matigas na sabi ko.

"Tumigil ka, Nicole! Ano ka ba? Bakit ba hindi mo iniisip ang sarili mo?" Sigaw ni Daddy sa akin.

"What do you want me to do, Dad?! Kung ako ba nasa kalagayan ni Jacobo hindi mo gagawin ang gagawin ko?" Di ko mapigilang sumagot.

"Oo na nandun na tayo, Nics." Sabat ni Nigel, "But you're pregnant. Gusto mo bang mawala ang anak mo? Nate can save Jacobo." Dahil sa sinabi ni Nigel ay napahawak ako sa impis kong tiyan.

Why am I being irrational? Hindi nalang ako ito. Pero sa tuwing naiisip ko ang maaaring mangyari kay Jacobo ay hindi ko kinakaya.

"Hah!" Napalingon kaming lahat sa tubig ng makarinig kami ng isang malakas na singhap. Nanubig ang mata ko ng makita ko na si Nate at si Jacobo iyon. Halos di ako magkandaugaga sa paglapit sa kanila.

Nang maiahon ni Nate ang anak namin ay napansin kong di ito kumikibo at nakapikit lang. Bigla akong nanlamig at halos pagapang na lumapit dito.

"Baby? Baby! Please 'wag mong takutin si mommy ng ganyan." Tinatapik ko ang mukha niya.

"May alam ako sa CPR," ani Nate at sinubukan ngang i-CPR ang anak namin. Sobrang tindi na ng iyak ko sa kaba hindi ko na maintindihan.

Maya maya at umubo ubo na si Jacobo. "Thank God!" Iyak ni mama. Agad kong niyakap ang anak ko at ikinalong sa akin.

"Baby? Baby?" Nang matauhan ito ay bigla itong nagsisigaw at nagwala. Nagulat naman ako sa nangyari. Bahagyang nasipa ni Jacob ang tiyan ko pero naaalalayan ito agad ni Nate.

"Kukunin ko muna baka masipa ka sa tiyan," anito.

Bang! Bang!

Hindi pa man siya nakakatayo ng biglang may tumalsik na kung ano sa akin. Mainit ang unang rumehistro sa isipan ko.

"Nathan!" Sigaw ni mama.

Gulat na gulat ako habang nakatingin kay Nate na duguan. Agad ko siya g inalalayan. Hindi ko alam kung sino o saan nanggaling ang baril.

"Nate? Nate? Oh my God, please stay with me. Nathaniel!" Halos mapaos na ako kakasigaw. Kinuha ko si jacobo sa kaniya at halos mahimatay ako ng makita ko na may dugo din sa katawan niya si Jacobo.

"Dalhin natin sila sa ospital!" Sigaw ko. Wala namang pagdadalawang isip na kinuha sa akin si Jacobo at si Nate.

Pagtayo ko at bigla kong naramdaman ang sakit sa tiyan ko. Nakita naman agad ni mommy ang reaksyon ko.

Please, anak. Wag ngayon.

"Nicole, baka makunan ka. I think you should go home." Pamimilit sakin ni mommy pero umiling ako.

"My family. I have to be with my family."

Hindi na naman ako nito pinilit at dahan-dahang inalalayan.

**

Pagkarating namin sa ospital ay mahigpit ang naging security. Hindi hinayaan nila papa at daddy na may makalabas or may makatunog na media sa nangyari.

Heels and Sneakers ✅Where stories live. Discover now