Chapter 13

450 21 2
                                    

"Do not expect for reality to adapt you, you do it."

I remember one of my professors way back in college telling our class that line a lot of times. Dapat daw hindi namin antayin ang pagbabago na dumating sa amin, kami ang magbago at makibagay sa sitwasyon. Ngayon ko lang napagtanto na hinid lang sa tipikal na mga pagkakataon mo mapapansin 'yan.

Hindi siya umuwi. Dapat alam ko na 'yun. Pero hindi ko maiwasang hindi punain ang matinding pagsisikip ng dibdib ko. After two months of being wedded to each other, ngayon pa lang kami talagang nagtalo. Minsan tuloy naiisip ko na sana pala hindi nalang kami nagpakasal. Mas okay kami noon, wala akong pakialam sa kanya at ganun rin siya sa akin. Sa ngayon naman, wala pa rin siyang pakialam but something has changed for me. Nagkakaroon na ako ng pakialam kung anong ginagawa niya. I'm starting to act like a love-sick housewife. Something I'm not. Something he doesn't like.

It's hard, truthfully, to love someone who cannot love you back and cannot be loyal to you alone. Naiinis rin ako dahil naalala ko ang isang pag-uusap namin noon, he was so adamant to prove himself worthy. He lied to me in his vows. Sabagay, nothing was true in our wedding maliban sa certificate of marriage na nagpapatunay na kasal nga ako sa kanya. Liban doon, peke ang mga pinapakita naming sweetness. That was simply to please our parents. I know that now.

Akala ko talaga madali. Madali nga naman sana siya kung hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya, but the fact remains na iba na ang atensyong ibinibigay ko. May nagbago at hindi niya 'yon nagugustuhan. I know he tried to like me, hell this baby wouldn't be existing kung hindi siya nagkagusto sa akin. Totoo nga na ang babae ang napakadaling paikutin, kahit ang babaeng may pinakamatibay na harang ay kayang paikutin sa palad ng lalaki pag nahuli nito ang loob ng babae.

Napatingin ako sa relo, it's 2:00 AM and I should really be sleeping dahil kailangan kong pumasok bukas and it's not healthy for me to sleep this late. Pinikit ko ang mga mata ko pero wala namang nangyari. Hindi pa rin ako makatulog. I groaned and got out of the bed.

Biglang may kumalabog sa baba kaya't naidilat ko ang mga mata ko. I hurriedly wore my slippers saka lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin si Nate na paakyat sa hagdanan. Napatigil siya kaya't nagkatitigan kami. Napalunok ako. May kung ano sa titig niya sa akin ngayon.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya. Sinuklay ko naman ang buhok ko at agad na tumalikod para pumasok ulit sa kwarto.

"Nagising lang ako sa ingay." Saka ako pumasok ng kwarto at humiga sa kama. Tumagilid ako at niyakap ko ang unan na katabi ko, isang bagay na ginagawa ko tuwing hindi ako mapakali. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil narinig kong pumasok siya sa kwarto.

Maya maya ay biglang gumalaw ang kama at naramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa akin. Halos mahilo ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ipinatong niya sa balikat ko ang baba niya.

"Can we go back to what we were before? Yung walang expectations sa isa't isa?" Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Yun naman talaga ang orihinal na plano diba? Pero bakit masakit? Bakit nahihirapan ako sa request niya? 

"Maaga ka pa bukas, Nate. Matulog ka na." ang naging sagot ko. 

Sorry, Nate. I can't. Hindi ko kaya. 


**


Nakatitig ako sa mga papeles na nakalatag sa harap ko. These papers are business proposals yet I can't even think straight. Ayoko namang basta nalang pirmahan ang mga ito. Inilayo ko sa akin ang mga papeles at tumayo. I called my secretary through the intercom and told her I'll be out for a while. 

Dinala ako ng mga paa ko sa mall. Maybe this is what I need. Naalala ko noong college ako, kahit pa may mga kaibigan ako, they're older than me at graduate na sila nun so mas madalas akong tumambay sa mall ng mag-isa. 

Matagal tagal na rin pala mua ng gumala ako ng ako lang. Dumiretso ako sa boutique na may mga onesies for babies. Hindi ko parin masyado nalulunok yung katotohanan na magiging mommy na ako at idagdag mo pa ang kasalukuyan naming sitwasyon mas lalo akong hindi nagiging confident na magiging mabuti akong mommy. 

Lalabas na sana ako ng may makita ako sa tapat ng botique na kinaroroonan ko. Isang cafe pero di yun ang nakaagaw ng atensyon ko kundi ang dalawang taong sweet na sweet at tila walang pakialam sa mundo. 

Nahigit ko ang hininga ko. Dapat masanay na ako dahil noon pa man ginagawa na ito ni Nate pero hindi ko alam kung bakit di ako makagalaw sa pwesto ko. Nakaakbay si Nate kay Danica at nakasandal naman si Danica sa dibdib ni Nate. Public Display of Affection. Hindi ba alam ni Danica na may asawa na si Nate? 

Ang alam ko, inutusan lang si Nate na pakisamahan si Danica pero hindi ba't parang sumusobra na naman ito? 

Yung kalooban ko nagrerebelde, gusto kong magwala pero mas nanaig ang rational part ng utak ko. Huminga ako ng malalim at naglakad. 

Papunta sa kanila. 

Nasa mismong entrance na ako ng cafe ng makita ko ang ginawa ni Danica. Inangat niya ang labi niya at hinalikan si Nate. Pakiramam ko nalaglag ang puso ko sa nakita ko. Masakit pero tanga nga siguro ako at martyr dahil kahit nakita kong ngumiti si Nate ay nagpatuloy pa rin ako. 

Umupo ako sa spare na upuan ng table nila. Sa gulat ay naghiwalay silang dalawa. "Public display of affection. Alam niyo bang inappropriate yun lalo na't nandito ang asawa?" nakangiti kong bungad. 

Nanlaki ang mga mata ni Danica samantalang namutla si Nate. Sumadal ako sa upuan para pigilan ang sarili ko at pinagkrus ang braso ko. Hindi ako mageeskandalo, ipapahiya ko lang ang sarili ko pag ganun. 

"N-Nic..." nauutal na saad ni Nate. 

"Sa susunod na gagawin niyo 'yan, siguraduhin niyong walang makakakita na kakilala, kaibigan o ako mismo. At ipapahiya ko kayong dalawa." pagbabanta ko. 

Nagulat ako ng biglang tumapang si Danica, "Pinagbabantaan mo ako? Sino namang maniniwala sayo?" 

"Magugulat ka," nakangisi kong saad.

"Dan.." ani Nate. Umiling naman si Danica. "No, Nate! Bakit ayaw mo sabihin sa babaeng ito na bago pa man kayo ipagkasundo eh  tayo na? That I'm your girl?" para akong hinampas sa sinabi ni Danica. 

Hindi, hindi ako maniniwala. Playboy si Nate. Imposible. 

"At bakit hindi mo sabihin sa kanya na maghihiwalay na din kayo sooner kasi buntis ako?" nagmamalaking saad ni Danica habang nakangiting tagumpay. Lalong namutla si Nate. 

"Wow, Nate. Father of the year award goes to you. Gago." saka ako tumayo at umalis. 

Minadali ko ang pagpunta sa parking lot habang panay ang tulo ng luha ko. Nahihirapan na rin akong huminga. Nung makita ko na ang kotse ko ay kinapa ko ang bag ko at hinanap ang susi. Panay na ang hikbi ko. "Shit! Nasaan ba kasi ang susi na yan?" angal ko pero parang nang-aasar ata talaga ang tadhana at hindi ko pa rin makita. 

"Nicole..." 

Hinarap ko ang boses at nang makitang ang lapit niya lang sa akin ay sinampal ko siya. "Tarantado ka. Sinungaling." 

Hindi siya umimik at nanatiling nakayuko. "My God Nate. Hindi ko 'to pinangarap para sa akin. Ang magkaroon ng asawang may kabit." 

 Galit na napatingin siya sa akin, "Don't. Wag na wag mong tatawaging kabit si Danica." 

Pinunsan ko ang luha ko, "Bakit? Ano ba tawag sa kanya? Ahas? Sidechick? Parausan?" naitulak ako ni Nate dala siguro ng sobrang galit niya kaya't tumama ang likod ko sa sasakyan. Nanlaki ang mata ko sa gulat at awtomatikong napahawak sa tyan ko. 

"Tumigil ka na!" 

"Talagang kaya mo akong saktan? Dahil lang sa kanya?" Nahihirapan man akong huminga ay pinilit ko magsalita, "Tama ang daddy mo. Sana nga kay Nigel niya nalang ako ipinakasal. You're a good for nothing, bastard." 

At parang nanadya, nakapa ko ang susi ko sa bulsa ko at agad kong binuksan ang kotse ko at humarurot paalis. 



Heels and Sneakers ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant