Prologue

134 10 1
                                    

Dinama ko ang hangin na tumatama sa mapusyaw kong mukha habang iniisip ang lahat nang nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan. 

Gamit ang aking mga paa ay pinaglaruan ko ang buhangin sa isang malungkot na dalampasigan; ang lugar kung saan nagtatagpo ang hangin, tubig-dagat, buhangin, at mga emosyong madalas ay sinasarili lamang.

"I mean.. do I deserve this? Hindi pa ba sapat 'yong pag-iintindi na ibinigay ko sa inyo?"

"Hindi, Aki. It's not you, it's us, it's me."

"Are you dumb? O nagbubulag-bulagan ka lang? So pitiful."

Maya-maya'y umihip nang malakas ang hangin na naging dahilan nang aking pagkapuwing. Agad akong napapikit dahil sa hapdi, kasabay ang pagbuhos ng kanina ko pang pinipigilang mga luha. Itinakip ko sa aking mukha ang aking mga kamay, at hinayaang lumabas ang nararamdamang pilit na itinatago.

Okay lang 'yan, Aki. Ayos lang na damdamin mo ang lahat ng sakit, na maging mahina ka dahil tao ka lang din naman, nasasaktan. 

Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa napaupo ako at napahagulgol nang malakas.

Gusto ko na lang maglaho, umalis, at hindi na magpakita pa kahit kanino.

Paano ba patigilin ang sakit? Gusto naman makaramdam ng iba, hindi lang 'yong puro lungkot at pait.

Patuloy ang pag-agos ng aking luha, walang balak na tumigil. 

Sa nanlalabong paningin, naaninag ko ang isang pares ng tsinelas. Pilit kong tiningala ang nagmamay-ari nito, at nakita ang isang malabong pigura ng lalaki. Nagtatakha ma'y pinagmasdan ko ito gamit ang mga mata kong puno ng luha.

Lumuhod ito sa aking harapan at hinawi ang magulo kong buhok. Hindi ako gumalaw at walang buhay lamang na tumitig sa kaniya. Subalit nang haplusin niya ang aking pisngi, unti-unti kong nadama ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Tuluyan ko itong ipinikit at hinayaan ang sarili na mahulog sa mahimbing na pagtulog.



Malayo man ang distansya
Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan

Pipikit na lang muna
At papagalingin ang mga mata sa kaluluha

Nakaramdam ako nang pagkirot sa aking puso, subalit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

At hihinga ng malalim

At papakalmahin ang patalim

Tapos na ang laban


Ang sakit pala malaman na sa simula pa lang, wala na pala talaga akong laban.

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit

Ako'y 'di magsisisi
Kahit 'di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Mapait akong napangiti. Pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha na kanina pa gustong kumawala. Ang sakit isipin na 'yong akala kong akin, noon pa lang at kailan ma'y hindi pala talaga naging akin.

Sa paghulma ng paalam
'Di man madama ang pagbitaw ng 'yong mga kamay

Pipikit na lang muna
Iiwas ng tingin
At aatras bago ito bawiin


Gustong-gusto kong humagulgol, sumigaw at magalit ngunit hindi ko magawa sa kadahilanang dapat ay matagal ko na itong tanggap.

At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban

At sa pagbawi ng tadhana
Masakit man magpalaya
Doon ako kung san ka sasaya
Kung san ka malaya...


Siguro nga tama sila, na kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat. Hindi mo man nakamit ang kasiyahan na inaasam mo kapiling siya, alam mo sa puso mo na ito ang dapat at tama.

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandaling naging akin.

Hindi man kami ang huli't dulo, hindi man siguro naging totoo, hindi ko naman maipagkakailang kahit papaano ay napasaya niya ako... na kahit papaano'y tinulungan niya akong harapin ang bawat araw nang may ngiti't pagmamahal.

Nakarinig ako nang malakas na palakpakan na nakapag-pangiti sa akin. Sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko inaasahang sasalubong sa akin ang pares ng mga mata na hindi ko nais makita.

His RaconteuseWhere stories live. Discover now