I smiled at him habang papalabas siya.
"Ano yun? Umuwi ka daw ng biglaan?" Bumalik naman ang tingin ko sakanya at nagtanong.
"Don't listen to Dad. Gusto ko lang talaga umuwi dito for a rest. Ayaw mo rin ba ko makita dito?"
"Gusto naman,"
"Gusto naman?" He mocked. I jokingly chuckled at him.
"Andami mong dapat ikwento saakin, Leizel. Simulan mo na." Sambit niya. Kuya things, wala naman ka-sense sense ang mga nangyari sa akin dun.
"What? May spy ka ba sa Batangas?" Biro ko. Pwede naman yung mangyari, baka nga sa Manila ganon, his protective ass, nako.
"Tss. Ang tagal natin hindi nagkita, hindi ka manlang nagke-kwento." He said. What is he so curious about. Dang, does he know about my suitors?
"It's because you're busy with law, Kuya. I didn't want to disturb though."
I saw a ghost smile on his lips, he was probably thinking he won because I called him kuya, duh. Umirap ako at nagpakalumbaba sa lamesa.
"Kamusta na pala kayo nung babae na kwinento mo sa akin?" Mas gusto ko siyang tanungin nito.
"Bakit parang nabaliktad naman? Ikaw ang pinagke-kwento ko, Lei." He denied. Unfair! All those years, whenever he's going out with someone, ikinikwento niya yung sa akin tas ngayon? Tsk.
I laughed. "Kamusta nga? Tutulungan kita 'don."
"No." Umiwas siya ng tingin.
"Sige na!" Anyaya ko.
"Wala nga, Lei. We're both busy." Sambit niya. I frowned, sikreto na pala ah!
"Yung mga manliligaw mo?" Dugtong niya.
Napatigil naman ako doon, ayoko sanang magkwento.
"Well, there's this guy na pinakamalapit ko sa kanilang lahat,"
"Then?"
Bumaling ako pabalik sa kanya. Napaisip ako, what words should I say? 'Uh I think I'm catching feelings for him' ganoon? Ew! No! Infatuation lang yan, Leizel!
"Then I gave him a chance, lahat ng nanliligaw sa akin binusted ko. Pero nung graduation sinabi niya titigil na siya manligaw." Yumuko ako habang pinaglalaruan ang petal galing sa flower sa vase na nakadisplay.
"Bakit daw?" Kumunot ang noo niya. "Such a coward."
Aha. I laughed in my mind, parang siya hindi.
"Because I'm going to Manila already, but he asked for my number para i-contact niya daw ako. Pero hanggang ngayon wala pa." Itinaas pa ang phone.
"Umaasa ka? Baka naman may gusto ka na dyan, Lei?" Sambit niya at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad siya papunta sa mini bar namin dito sa bahay, it was designed like a letter L at may mga nakadisplay na wine glass sa mga kabinet. Binuksan niya ang ref duon at kumuha ng inumin.
"Hindi ah, epal mo!" Pumitas ako ng petal at ibinato sa kanya kahit malayo.
"See, in denial ka pa." He teased.
"Hindi nga! Kaibigan na turing namin sa isa't isa."
He was still finishing his drink so he didn't got to say anything. Haha, it's my turn, wala ka ng takas dito.
I sighed. "Now it's your turn to tell a story,"
Inilapag niya ang baso at tumingin saakin. "Saka na, 'pag nasa Manila ka na."
"Ano ba 'yan? Ang daya naman!" Reklamo ko. Kala ko makaka one point na ko e.
Tatakbo na sana ako sa kanya para pilitin naririnig kong tinatawag ako ni Papa.
YOU ARE READING
Red Strings
General Fiction1/2 of FATE DUOLOGY Leizel Arabella Fabellar grew up as a passionate girl from the City of Batangas, her father owns a land property in Bulacan supposedly will manage by her soon but she decided to pursue Modeling. Meanwhile, Samuele Aidric Puerto...
