Hindi ako sumagot. He didn't bulge on his place too.


"Remember what you told me before? That you're used to people not believing in you? Doubting your skills and belittling your abilities?"


I stiffened on my seat. I suddenly remembered that mini moment we once had in the Auditorium during our testimonial speech.


"I doubt that Sir Gallego would support what you want right now, Ellie. If anything, you might just receive another earful for not standing by your choice,"


Sa sinabi niya ay natigilan ako. Para kong biglang nagising. Pakiramdam ko tuloy ay wala lang ako sa sarili kanina at ngayo'y binuhusan na nang malamig na tubig para magising sa katotohanan.


Oo nga naman. Tingin ko ba pagnagmaktol ako ngayon ay talagang makakauwi na ko? Na masosolve itong problema ko? Syempre hindi. Baka nga mairita na sa akin si Sir Gallego dahil sa panay na paguurong-sulong ko.


"Hello?" I stiffened when I heard the voice from the other line.


Parang nanuyo ang lalamunan ko.


"Ms. Faustino? What is this about?"


Napalunok ako. "A-ah wala po, Sir. Napindot lang po. Sorry po, ibababa ko na."


Agad ko nang pinatay ang tawag at hindi na hinintay na may masabi pa siya. Natulala ako sa stone steps.


Muli kong naalala ang presensya ni Spencer mang magsalita ulit siya.


"Just take things one day at a time, Ellie.. Matatapos din naman 'to." he gently said. "Muster up your courage and prove your doubters wrong,"


Somehow what he said that day have helped me. It became my cornerstone through this 1-month journey. Tuwing nawawalan na naman ako ng pag-asa ay inaalala ko lang iyon. Na matatapos din 'to. Na lilipas din 'to. Kailangan ko lang ng lakas ng loob para malagpasan lahat ng 'to


I can't help but admire how Spencer handles the situation for himself though. Kung paano niya nakakayang hindi malungkot at mangulila ay kinahahangaan ko. Walang kabakas-bakas ng paghihirap sa kanya.


Or so I thought.


We were already halfway through the whole month when I came across on something.


Isang gabi ay nagdesisyon akong lumabas saglit at magtungo sa isang convenience store para bumili ng ice cream.


Pabalik na ako sa high tower dala dala ang plastic bag na may laman noong binili ko nang may namataan ako sa tapat ng gusali. Sa may bahagi ng mga puno at damuhan ay may nakayukong pigura.


Napakurap-kurap ako nang mamukaan iyon. Dahan-dahan akong lumakad palapit para kumpirmahin ang hinala.


It really was Spencer with his disheveled hair. I always see him neatly cleaned up so it's kind of refreshing to see him like this. Sa magulo at malayang nakabagsak na buhok niya ay para lang siyang bagong gising o kakagaling lang sa pagkakahiga sa kama.


Ang parehong kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng suot niyang cotton shorts. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang ang isang paa ay marahang sinisipa ang mga mumunting bato sa sahig.


"Spencer?" mahinang sabi ko.


He stiffened. Nahinto sa paggalaw ang paa niya. He gradually turned his head up to meet my gaze. He has that same unreadable expression plus it doesn't help that it's quite dark in here.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon