CHAPTER 2: ANG PAGKAWALA NI KATRINA

866 10 0
                                    

7 hours earlier...

Swish!

Swish!!

Swish!!!

Ratatatatatatatatata-tata!!!

Sigaw ng mga paputok sa langit!

Sabay-sabay kumanta sina Alexis ng isang malakas na, "HAPPY BIRTHDAY, WAWU! HAPPY BIRTHDAY, WAWU! HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY!!! HAPPY BIRTHDAY..........WAWU!!!"

Pagkatapos ng kanta, lumapit agad si Alexis sa kanyang Lolo, si Rafael, niyakap niya ito at hinalikan sa may pisngi, "Happy Birthday, Wawu! Hindi ko na po binalot 'tong regalo ko sa'yo," nakangiting bati ni Alexis sa kanyang lolo.

"Tama na ang excuses, Alex. Tinamad ka lang talaga na magbalot!" tukso ni REY, ang bading na pinsan ni Alexis.

Nagpaawa naman kunwari si Alexis, nag-pouty lips and said, "Wawu, hindi po totoo 'yan. Ayaw niya lang kasi akong tulungan kanina."

Tinanggap ni Rafael ang inaabot na journal ni Alexis, "Ke nakabalot o hindi, ayos lang. Ang importante, nandito kayong lahat sa birthday ko."

"O, narinig n'yong lahat ang sinabi ni Wawu! Next year, 'wag na nating balutin ang regalo natin!" pabirong sigaw ni Rey. "Pwede naman palang hindi nakabalot, Wawu! Nag-YouTube pa naman po ako para balutin 'tong perfect kong gift sa'yo!" sabay lapit at abot ni Rey kay Rafael ng kanyang regalo.

Tawanan ang lahat dahil sa lakad ni Rey na mala-Beyonce to the tune of Single Ladies.

Kinuha ni Rafael ang pink box na may malaking ribbon na inabot ni Rey. "Alam mo, Rey, kahit hindi mo 'to lagyan ng pangalan mo..." Nagboses babae ang matanda at sinabing, "Feel na feel kong sa'yo galing 'to. Bongga ang balot! Pak!"

Nagtawanan ulit ang lahat. Cool talagang lolo si Rafael.

"Labyu, Wawu, 'wag ka po munang madededs ha," paglalambing na sabi ni Rey.

"Loko kang bata ka. Birthday ko ngayon. Kamatayan na agad ang usapan natin!"

Lalong nagtawanan ang lahat.

Sumagot naman si Rey, "Wawu, winawarningan lang po kita. 75 years old ka na. Wait mo po munang mabuntis ako!"

Niyakap naman ulit ni Alexis ang kanyang Lolo. "Oo nga, Wawu. Ingatan mo po ang health mo. Mahal na mahal ka po namin."

Niyakap din ni Wawu si Alexis.

Sa lahat ng mga apo ng matanda, si Alexis ang pinakapaborito ni Rafael.

Bukod sa si Alexis ang unang apo sa nag-iisang anak niya na lalake, si Alexis din ang pinakamalambing, pinakamatalino at pinaka-thoughtful sa lahat.

"O-kay! That's enough drama! This is a party and we ought to celebrate, not make drama," pagsusungit na sabi ni Katrina.

"Ikaw talaga, Trina. Birthday ko ngayon, regaluhan mo naman ako ng unting smile and lightness of your soul. You're always...well...masungit." Mahinahon na paglalambing ni Wawu Rafael.

"Smile!" Sarcastic na sagot ni Katrina.

Binasag ni Rey ang kasungitan ni Katrina. "Bago pa tayo mahawa sa kaasiman ng ugali ng ating favorite cousin of all time, let's partey!"

Sigawan ang lahat and on cue ay nagputukan na ang fireworks sa langit.

Palakpakan ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay amazed na pinanonood ang fireworks.

At maya-maya pa ay, binuksan na ang buffet table at kanya-kanyang kuha na ang mga tao ng kanilang pagkain.

Pumila na rin sina Alexis at Rey.

BOOK 1: THE ASWANG SAGA (The story of a girl who falls in love with an aswang)Where stories live. Discover now