CHAPTER 7: ANG MUTYA NG TIKBALANG

436 11 1
                                    

Nakapikit at tumitili sina Alexis at Rey sa takot. Bigla na lang silang hinigop ng matinding liwanag. 

"Nandito na tayo." Sabi ni Andres.

Tumigil sa pagtili sina Alexis at Rey. 

Pagdilat nila ng kanilang mga mata, napansin nila na puting-puti ang buo nilang paligid. Kulay puti ang mga puno ganun din ang mga halaman. Ang mga bunga ay kulay puti rin. Pati ang tubig sa batis ay kulay puti rin. 

"Nasan tayo?" Tanong ni Alexis.

"Nasa langit na ba tayo?" Tanong naman ni Rey. 

Natawa si Andres sa tanong ni Rey.

"Wala tayo sa langit, Rey." Sagot ni Andres.

"So nasaan nga tayo?" Tanong ulit ni Alexis.

"Nandito tayo sa kaharian ng kaibigan ko." Sagot ni Andres at sabay turo sa mga nilalang na lumalapit sa kanilang direksyon.

"Kaharian?" Sabay na tanong nina Alexis at Rey.

"Ang pinasok natin ngayon ay kaharian ng mga kaibigan kong tikbalang. Matutulungan nila tayo para iligtas ang pinsan n'yo." Casual na explanation ni Andres.

"Tik--tikba--lang." Nanginginig na tugon ni Rey. "Alexis, sino ba talaga 'tong kasama mo?"

Hindi na nasagot ni Alexis si Rey dahil papalapit na sa kanila ang mga tikbalang. Kapansin-pansin na may mga babae at may mga lalake rin palang tikbalang. Nakakasilaw nga lang ang mapuputi nilang balat. 

Mahahaba naman at mapuputi ang kulay ng kanilang buhok. Bilog na bilog ang kanilang mga mata na kulay itim. Matatangkad sila at matutulis ang kanilang mga kuko.  May mga makikinang na bato sa na nakabaon sa kanilang mga noo. 

Agad na nagtago sina Alexis at Rey sa likuran ni Andres.

Ngumiti ang isang tikbalang kay Andres. 

"Andres, mukhang hindi maganda ang pagpapakilala mo sa'min sa mga kaibigan mo. Natatakot sila sa'min." Pansin ng lalakeng tikbalang. 

"Pasensya na, Marcelo. Alam mo naman ang mga tao, kapag sinabing tikbalang ay takot sila agad." Humarap si Andres kina Alexis at Rey.

"Hindi kayo dapat matakot kina Marcelo dahil mababait ang mga tikbalang."

"Mababait?! Hindi ba kayo nangangain ng mga tao?!" High pitched na tanong ni Rey na takot pa rin. 

"Kaibigan, hindi kami kumakain ng tao. Aswang, kapre at malakat ang mahihilig sa putaheng tao." Pagliliwanag ni Marcelong tikbalang. "Wala kayong dapat ikabahala sa'min." Dagdag pa ni Marcelo.

"I told you. They're good." Nakangiting wika ni Andres. "Marcelo. Ito nga pala si Alexis. At ito naman ang pinsan n'yang si Rey." Pagpapakilala ni Andres kina Alexis. 

"Kumain muna kayo. Mukhang gutom na kayo." Sinenyasan ni Marcelo ang isang tikbalang para kumuha ng prutas sa puno.

Nang pitasin ng tikbalang ang prutas ay naging hugis tatsulok ito at nagkulay ginto. Inabutan ng tikbalang sina Alexis ng prutas.  Agad na kinagat ni Andres ang pagkain. 

"Kumain na kayo. Walang lason 'yan! Pramis!" Pamimilit ni Andres.

Nagtinginan sina Alexis at Rey. Tila nagsesenyasan kung sino ang dapat maunang kumain.

"Busog pa kami." Sabi ni Alexis at binabalik ang hugis tatsulok na pagkain kay Marcelo. Nag-aalala si Alexis na baka kung anong ipakain sa kanila ni Marcelo at hindi na sila makabalik sa kanilang mundo. Pero pagkasabi n'ya na hindi s'ya nagugutom y ay bigla namang tumunog ang tiyan n'ya. Obviously, gutom na talaga s'ya. Napatingin si Alexis kay Marcelo. Baka magalit ito sa pagsisinungaling n'ya.

"'Wag kang mag-alala, Alexis. Tinitiyak ko sa'yo na makakauwi kayo ni Rey. Wala kaming intensyon na panatilihin kayo dito." Malumanay na sabi ni Marcelo.

"Sige na, kainin na n'yo 'yan. Sabi nga ng mga tao, masama ang tumatanggi sa grasya. Kainin n'yo na 'yan." Pamimilit ni Andres kina Alexis. 

Kaya lang ayaw pa ring kainin nina Alexis ang prutas. 

"Kung ayaw n'yong kainin 'yan, kayo ang kakainin ko!" Pananakot ni Andres.

Agad na kinagat ni Rey ang prutas. "Eto na nga! Kumakain na po!" Pagkanguya ni Rey ay bigla s'yang natigilan. "In fairness! Masarap s'ya!" 

Napansin ni Rey na nakatulala lang si Alexis. Gulat na gulat ito dahil kinakain n'ya ang prutas.

"Cousin, kumain ka na. Dali, baka totohanin nito ang sinabi n'ya."

Tumingin si Alexis kay Andres. Pinakita ni Andres ang mga ngipin n'ya kay Alexis. Napakagat na lang din tuloy si Alexis sa prutas. After a few seconds. 

"Oo nga, masarap nga ito." Sabi ni Alexis. 

Tuluyan nang kinain nina Alexis at Rey ang binigay na prutas sa kanila ni Marcelong tikbalang.

"Kahit ito lang ang kainin mo ay hindi ka magugutom sa loob ng isang linggo!" Pagbibida pa ni Andres.  

"Ay, powerful!" Manghang-mangha na sambit ni Rey.

"Pwede bang pahingi pa ko ng isa, Marcelo?" Request ni Andres.

Pumitas si Marcelo ng prutas at inabot ito kay Andres. Agad na kinain ulit ni Andres ang prutas.

"Andres, bakit nga pala kayo nagpunta dito?" Tanong ni Marcelo.

"Marcelo, gusto ko sanang hiramin ang isa mong mutya." Sagot ni Andres habang nilalantakan pa rin ang prutas.

Biglang nagbago ang itsura ni Marcelo. Nagalit ito at biglang umilaw ang malaking bato n'ya sa may noo. Tinamaan ng ilaw si Andres sa may dibdib. 

Tumilapon si Andres sa isang puno. Nawalan ito ng malay. 

Nawindang sina Alexis at Rey sa ginawang pag-atake ni Marcelo kay Andres. 

  © nerak17.inc  



To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Dec 28, 2015 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

BOOK 1: THE ASWANG SAGA (The story of a girl who falls in love with an aswang)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz