CHAPTER 3: ANG ASWANG SA HARAP NI ALEXIS

395 5 0
                                    

11 pm.

Tahimik na ang buong paligid.

Pagkatapos isugod sa ospital sina Bryan, agad na inutos ni Rafael na ihinto na ang pagdiriwang. Inutusan din niya ang ilang kalalakihan na sumama sa kanya para hanapin si Katrina.

Bago sila umalis, nagbilin si Rafael sa mga maiiwan na pumasok na agad sa loob ng bahay, magpahinga at 'wag lumabas ng compound. Mahigpit ding nagbilin si Rafael sa iba pang kalalakihan na manmanan ang buong bahay.

Pero gaya ng iba sa loob ng bahay ni Lolo, hindi rin makatulog si Alexis.

Bumalikwas tuloy at bumangon si Rey sa kama. "Para kang aso, Alex, hindi ka pa ba nakakahanap ng tamang pwesto sa pagtulog?"

"Rey, puro ka talaga kalokohan. Paano ako makakatulog en nawawala si Trina. Baka kung ano na ang masamang nangyari sa pinsan natin," sagot ni Alexis.

"I don't want to be insensitive. Of course, nagwo-worry din ako sa kanya kahit bwaka ng ina sa kasamaan ang ugali n'ya. Pero hinahanap na s'ya nina Wawu," sabi ni Rey, "And honestly, gusto ko nang matulog. Alam mo naman na hinihika ako if hindi sakto ang tulog ko. Lilipat na lang ako sa room ni Darla. I must sleep na talaga."

Tumayo si Rey at kinuha ang mga unan at kumot niya. As he was about to leave, he bid goodnight to Alexis.

Naiwang nag-iisip at nag-aalala pa rin si Alexis.

"Sino kaya ang kumidnap kay Trin?"

"Saka, bakit naman siya kikidnapin. Hindi naman kami mayaman na mayaman."

Pagkalipas ng isang oras, lumabas si Alexis ng kwarto at nagpunta sa kusina para uminom. Habang umiinom ng pineapple juice, may narinig siyang kaluskos sa may pintuan. Nung una, hindi niya pinapansin ito pero lumakas ang kaluskos. Tatalikod na sana siya para umalis nang biglang narinig niya ang mahinang iyak ng isang tuta. Kumakaluskos ito sa pinto.

Wondering, binuksan ni Alexis ang pinto at nakita niya ang isang cute na cute na tuta sa labas. Kulay puti ang tuta. Black ang kalahati ng mukha at may itim na spot sa may likuran. Agad na lumapit ang tuta kay Alexis at nagpapahawak.

"Ay! Ang cute!" sabi ni Alexis na tuwang-tuwa sa tuta, "Pero teka, san ka nanggaling?" Binuhat ni Alexis ang tuta at tinignan sa leeg, hoping na may collar ito pero wala. "Sino kaya ang may-ari sa'yo?" sabi ni Alexis habang tumitingin sa paligid.

Dinilaan sa mukha si Alexis ng tuta.

"Baka hinahanap ka na ng amo mo." Umiyak-iyak naman ang tuta, responding as if nagpapaawa na wala siyang amo.

With one last look sa paligid, nagpasya si Alexis. "Sige na nga, sa'kin ka na lang tutal mukhang niligaw ka naman ng amo mo," masayang sabi ni Alexis. Hanggang sa tumalikod na siya at sinara ang pinto.

Sa di kalayuan, may isang babae na mahaba ang buhok.

Kulay ginto ang balat nito.

Kanina pa niya pinagmamasdan si Alexis at ang tuta.

At nang tuluyang pumasok na sa loob ng bahay si Alexis at ang aso, dahan-dahang ngumise ang babae at biglang naglaho.

2 am.

Nag-alarm ang Iphone ni Alexis.

Nagising tuloy siya at napamulat.

Napangiti siya nang makita ang isang gwapong binata sa tabi niya.

Gising ang binata at ngumiti rin sa kanya.

Inabot ni Alexis ang Iphone sa side table at pinatay ang alarm.

Muli siyang pumikit para matulog.

Pero bigla rin siyang nahimasmasan! At dumilat!

Sino ang binatang katabi niya sa kama?!

Biglang bumangon sa takot si Alexis. Pagtingin niya sa kama ay nandun pa rin ang lalake.

"Imposibleng lalake ang katabi ko dahil kanina tuta ang katabi ko," natatatakot na sabi ni Alexis sa sarili.

And then, it hit her, nagflashback sa kanya ang sinabi ng kanyang Tita Glenda.

"Totoo na may mga aswang at masasamang espiritu. Nasabi ko na sa'yo noon. Aswangs or ghouls have the power and ability to transform themselves into another being or animals. Pwede silang maging itsurang hayop gaya ng aso."

Sisigaw na sana siya pero mabilis na bumangon ang aswang. Tinakpan ng aswang ang bibig ni Alexis gamit ang isang unan. Hindi tuloy makasigaw ang takot na takot na si Alexis. Bihag siya ng aswang.

"Nagkamali ako! Totoo pala ang aswang!"

"Mamamatay na ko!" takot na takot na sinisigaw ng isip at puso ni Alexis.

Umiiyak si Alexis na nakatingin sa aswang. Nangungusap ang mga mata niya. Nagmamakaawa ito sa aswang.

Nagsalita ang aswang. Kalmado ang boses nito, "Nakikiusap ako, Alexis. 'Wag kang sumigaw."

Binitiwan ng aswang si Alexis.

Dala na rin marahil nang pagkagulat at pagtataka, hindi nga sumigaw ang dalaga.

After a beat, kahit na alam na ni Alexis ang sagot, lakas-loob na rin siyang nagtanong, "A—aswang ka ba? Pa-pa-pano mo nalaman ang pangalan  ko?"

"Oo, aswang ako," sagot ng lalake.

Naiyak na si Alexis sa takot pero pinipilit n'ya na 'wag sumigaw. Baka kainin s'ya ng aswang.

 "Hindi na mahalaga ngayon kung pano kita nakilala, Alexis, pero nandito ako hindi para saktan ka."

Takot na takot pa rin si Alexis.

"Ang pangalan ko ay Andres. And I am here to help you rescue your cousin," sabi pa ng aswang.

Hindi makapaniwala si Alexis.

Gusto s'yang tulungan ng aswang? Baket?!

© nerak17.inc


BOOK 1: THE ASWANG SAGA (The story of a girl who falls in love with an aswang)Where stories live. Discover now