CHAPTER 6: ANG PUNO NG BALETE

305 5 0
                                    

It's already 7 pm. 

Makikita natin si Andres. Kanina pa s'ya nagmamaneho ng 4x4 na sasakyan ni Alexis. Dumadaan sila sa isang makipot na kalsada na may naglalakihang mga puno. 

 Napakadilim. Ang tanging ilaw lang na nakikita ay ang ilaw ng sasakyan.   

 Pero kahit napakadilim, napakabilis namang magmaneho ni Andres. Seryoso s'ya at tila malalim ang iniisip.

Makikita rin natin si Alexis na nakaupo sa passenger seat. Kahit naka-seatbelt na ito ay halatang ninenerbyos ito sa mala-Fast and the Furious na pagmamaneho ni Andres. 

Biglang hininto ni Andres ang sasakyan sa tapat ng isang malaking puno ng balete. 

"Baba." Sabi ni Andres kay Alexis. 

Agad na tinanggal ni Alexis ang kanyang seatbelt at bumaba. Lumapit din s'ya kay Andres at walang sabi-sabi ay bigla n'yang hinampas si Andres sa dibdib nito. 

"Walanghiya ka!" Sigaw ni Alexis kay Andres. 

Tulala lang si Andres kay Alexis. Halatang nagulat ito sa ginawang paghampas sa kanya ng dalaga. 

"Ang bilis mong magmaneho! Hindi mo nga ako kakainin pero papatayin mo naman ako sa nerbyos!"

Natawa si Andres.

"'Yun lang pala! Akala ko naman kung ano na ang kasalanan ko sa'yo. Mabilis talaga akong magmaneho."

"You have no regard of a human life!" Galit na sabi ni Alexis.

"Hindi naman sa ganun, Alexis. It just so happens that I can see clearly in the dark. At syempre, mas mabilis ang reflex ko compared sa isang normal na tao. Sorry, hindi ko nasabi sa'yo agad."

Hindi kumibo si Alexis. 

"Peace na tayo. I told you, hindi kita sasaktan. I am here to help you rescue your cousin."

"Okay. Pero ano namang ginagawa natin dito sa gitna ng kawalan?" Tanong ni Alexis na mukhang napilitan na lang na tanggapin ang pakikipagbati ni Andres.

"Before I tell you kung bakit tayo nandito, pwede bang pababain mo muna 'yung tao sa likuran ng sasakyan mo?" Sagot ni Andres.

"Ha? Sinong tao?" Nagtatakang sagot ni Alexis.

"Ewan ko. All I know is lalaki s'ya." Sagot naman ni Andres.

Papunta na sana si Alexis sa likuran ng 4x4 n'ya nang biglang tumayo na si Rey. Nagulat si Alexis.

"Rey! Kanina ka pa d'yan?!" Bungad ni Alexis.

Kahit nanghina ang powers ni Rey dahil nahilo ito sa bumpy ride ay hindi pa rin nito napigilang maglintanya.

"Oo. Putang ina! Kanina pa! Sino ba 'tong kidnapper na kasama mo, Alexis?! Anong sinasabi n'ya na tutulungan ka n'ya na iligtas si Katrina?" 

"Rey, kasi--" Panimulang pag-e-explain ni Alexis.

Nilapitan ni Rey si Andres at sinipat ito bago nagsalita.

"Gwapo ka kahit madilim. Pero hindi mo ako maloloko, marami ng kidnapper na gwapo these days! Anong ginawa mo sa pinsan namin?!" Sigaw ni Rey.

"I'm Andres. Gaya nang sinabi ko kay Alexis. Gusto ko lang kayo tulungan na iligtas si Katrina. That's it." Sagot ni Andres.

"And how you will do that? Ngayong kahit mga pulis ay walang idea kung nasaan ang bruhang pinsan namin."

"Easy. Dahil alam na nating  lahi ng mga malakat ang makakabangga natin. We're here to get weapons." Confident na sagot ni Andres.

"Ano raw?" Tanong ni Rey.

Instead of answering, casual na pinatulis at pinahaba ni Andres ang mga kuko n'ya sa kanang kamay. Nagfreak out si Rey sa nakikita. Sisigaw sana ito pero agad na tinakpan ni Alexis ang bibig ni Rey at sumenyas na tumahimik ito. Pinigilan ni Rey ang pagsigaw at nanlaki na lamang ang mga mata n'ya habang sinasaksihan ang mga pangyayari.

Sinugatan ni Andres ang kanyang pulso sa kaliwang kamay. Pinatak n'ya ang dugo sa ugat ng puno ng balete. Unti-unting umilaw ang balete. Nag-kulay puti ang buong puno. Kumatok si Andres sa puno. 

Mas lumiwanag ang puno. Binalot ng matinding liwanag sina Andres, Alexis at Rey. Maya-maya pa ay nilamon na sila ng liwanag at biglang naglaho sa harapan ng puno.

Naging madilim na ulit ang buong paligid. Ang tanging makikita natin ay ang naiwang sasakyan at ang puno ng balete.


  © nerak17.inc  



BOOK 1: THE ASWANG SAGA (The story of a girl who falls in love with an aswang)Where stories live. Discover now