Chapter 18 (12/17/14)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Anong nangyayari sa akin?

            Masama ‘yan, Jillian.

            “Sabi ko na bagay sa'yo ‘yang mga ganyang pormahan Sir West eh!” papuri naman ni Cupid. “Gusto mo sumama sa akin minsan na mag audition sa PBB?”

            “Ang dami mo namang gustong salihan. Mamaya niyan pati sa The Voice mag audition ka rin!” sabi ko naman kay Cupid.

            “Pwede rin! Alam mo namang lahat kaya kong gawin,” Cupid gave me a meaningful smile.

            Hmp! Hindi rin lahat! Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago makuha ang puso ni Pysche!

            “Sakto hindi na umuulan,” sabi ulit ni Cupid.

            “O-oo nga. Pwede na akong umalis. M-medyo nakaka-abala na ata ako kay Jillian,” Sir West gave me an innocent smile.

            “H-hindi naman. O-okay lang!” sagot ko sa kanya. Amputlong oh! Bakit pati ako nahawa na sa pag stammer niya?!

            “Oh okay lang daw kay Jillian, sir! Jillian, dalhin mo kaya si Sir West doon sa lugawan sa kanto. Hindi pa nag b-breakfast yung boss natin oh! Mahiya ka naman!” pang-u-udyok ni Cupid sa akin.

            “H-hindi na. Okay lang ako,” ngumiti ulit sa akin si Sir West.

            Ay tokneneng! Bakit siya ngiti nang ngiti?! Bakit?! Bakit????

            “S-sige na. Tara, kain tayo?”

            “Pero—“

            “Sama ka na, sir! Masarap doon. Promise!”

            “S-sige na nga….”

            The moment na pumayag si Sir West na pumunta sa lugawan, pinagtulakan na kami agad ni Cupid palabas ng sarili kong pamamahay. Binulungan pa ako na interviewhin si Sir West about sa kapatid niyang si Zyron na type ni Ayesha.

            Sabi na eh, may pinaplano talaga ang isang ‘yun kaya bigla niya akong pinasama kay Sir West.

            “Jillian, ako ang taya ah? P-pinatuloy mo na ako sa bahay mo kagabi kaya naman babawi ako.”

            “Hindi pwede. Ilang araw mo na akong nililibre ng breakfast. Ako naman ngayon.”

            Bigla namang namula ang tenga niya, “h-hindi kita nililibre ah? K-kelan ‘yun? Wala akong matandaan.”

            “Sige na nga. Sabi mo eh.”

            Bigla akong hinawakan ni Sir West sa braso kaya naman napalingon ako sa kanya.

            “J-joke lang! Oo nanlilibre ako sa office kasi baka hindi ka pa nag breakfast. Alam ko kasing pag inabutan kita ng pagkain, hi-hindi-an mo a-ako.”

            Bigla akong napa-ngiti ng malawak dahil sa biglaan niyang pag-amin.

            “Kaya it’s my treat,” sabi ko sa kanya.

            Napa-ngiti na lang din siya at sinundan ako sa lugawan. Buti na lang at bukas na sila ngayon kahit na bumabagyo kahapon. Buti na lang din, saglit lang ang ulan.

            Sinalubong agad kami ni Aling Melissa pagkapasok na pagka-pasok namin sa lugawan niya. Kilala na kasi niya ako dahil regular customer na ako dito. Ipinakilala ko naman si Sir West sa kanya bilang boss ko.

            “Boss mo?” tanong ni Aling Melissa habang naka-ngiti kay Sir West. “Akala ko boyfriend na eh!” pagbibiro niya.

            Pareho kami ni West na namula ang mukha.

            Um-order ako ng champorado habang goto naman ang in-order ni Sir West.

            Napansin ko naman ang anak ni Aling Melissa na si Cassy na naka-upo sa kabilang table habang nakatingin sa kisame at parang tulala. Tinawag ko siya at binati pero tumingin lang siya sa akin ng saglit at ibinalik ulit ang tingin niya sa kisame.

            “Uhmm, ba’t hindi ka niya pinansin?” tanong sa akin ni West.

            “Naku, ganyan lang talaga si Cassy. Medyo may problema kasi siya sa pag-iisip pero mabait naman siya. Sayang lang kasi tignan mo siya, ang ganda-ganda kaya niya.”

            “Isa lang ang maganda sa paningin ko,” titig na titig niyang sabi sa akin.

            Nag-init ang mukha ko sa biglaan niyang pag banat ng ganun. At mukhang na-realized din niya ang sinabi niya kaya natataranta siyang nagpaalam sa akin na kukuha lang siya ng tubig.

            Ano ba Jillian! Bakit ka ba naapektuhan kay West? Bakit ka nagkakaganyan?

            Hindi pwede ito. Isang malaking heartache ang katapat nito pag nagkataon.

            Bakit ba ang daming distraction sa trabaho ko?! Bakit?!

            Naramdaman kong bumalik na si West sa pwesto namin, kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kanya. Pero mali ako. Dahil hindi si West ang naka-upo sa tapat ko ngayon kundi si Cassy.

            “Uh Cassy, may kasama ako ngayon eh. Dyan siya naka-upo,” naka-ngiting sabi ko sa kanya.

            Hindi nag salita si Cassy at tinignan lang niya ako.

            “Cassy…?”

            “Dalawa,” mahina niyang sabi sa akin.

            “Ha?”

            “Dalawa sila.”

            “Sinong sila?”

            Tumingin sa kisame si Cassy at ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin.

            “Dalawa silang nakaduktong sa kapalaran mo,” paglilinaw niya sa sinasabi niya.

            “D-dalawa? Paanong dalawa?”

            “Ang una ay yung makakasama mo hanggang dulo. Yung pangalawa naman ay mamahalin ka ng sobra-sobra at iaalay niya ang kanyang buhay para makasama mo at maging masaya kayo nung una.”

            “Cassandra! Wag mo silang guluhin diyan! Halika dito!” sigaw ni Aling Melissa.

            Bigla akong nginitian ni Cassy at umalis na siya sa harapan ko habang ako ay naiwang nakatulala doon at pinanindigan ng balahibo sa katawan.

            To be continued…

**

Ba't ang daming nag comment sa #TeamEdgar? Ang dami namang Edgarnatics dito! Mwahahahaha 

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon