I. The Hallmarking Day

Start from the beginning
                                    

Huminga si Raiden nang malalim na tila ba naghahanda sa pagkanta." Haaaaaaaaaaaaaaaaaa..."

Bakit parang ako ata ang mauubusan ng hininga sa sobrang haba ng intro niya?

"...aaappy Bir'day to you!~" Tatlong palakpak.

"Happy Bir'day to you!" Sabay tatlong palakpak ulit.

"Happy Bir'day, dear Gillieee..." bigla siyang nagpause para bumirit pa nang mas mataas. Dapat pala Regine na lang ang pinangalan dito, "Haaaaaaaaaaa..."

Mariah Carey is quaking.

"...aaaappy Bir'day to you!~ Yehey! Eighteen na ikaw, dalaga na pero wala pa ring jowa hihi!" hagikhik niya habang tinuturo-turo ako.

Unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ko.

Matutuwa na sana ako eh. Pasalamat ka birthday ko ngayon boy, kundi baka dagdagan pa natin 'yang bungi mo. Baka gusto mong maisipan kong gawing negosyo yan at makipag-bidding sa mga tooth fairies?

"Aww, thank you baby! Thank you Mama. I love you both!" Agad ko silang niyakap isa-isa nang napakahigpit.

Doon ko lang napagtanto, absent na naman pala si Papa. 18th birthday ko na, absent pa rin siya. Naiintindihan ko naman, sanay na rin ako actually. He works for the government kaya it can't be helped that he's not home tuwing birthday ko at tumutunog na naman ang kampana.

He still has to fulfill his duties, especially in this national ceremony.

Pero kung iisipin, nakakatuwa pa rin kasi parang engrande lagi ang celebration ng birthday ko, tipong tumitigil ang mundo at parang may pa-silver bells si Mayor kahit wala pa namang Pasko. Ang kaso nga lang, sa mismong birthday ko pa talaga itinaon ang okasyon na 'to-ang araw na hindi maaaring bastang magdiwang ang mamamayang Pilipino.

"Oh ate, make a wish na!" rinig kong sabi ni Raiden. I immediately snapped out of my thoughts and closed my eyes. Okay, time to make a wish for yourself, Raige.

I wish for my family's good health and safety. I wish for my family's happiness and so as mine.

Marahan ko nang hinipan ang kumikislap na apoy ng kandila.

And I wish...that I'm not a surgent.

༻♛༺

Sa pagsikat ng araw ay tila binati ako ng bukang liwayway sa aming bintana. Lumakad ako upang bahagyang hawiin ang puting kurtina. Wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang mga malalakas na melodiya ng trumpeta at ritmo ng tambol: ang hudyat.

"Wow! Is that the marching band again, Ate?" inosenteng tanong ni Raiden habang pilit na tinatanaw ang parada sa labas.

"Yes baby," tumango-tango ako at kinarga siya para mas makita niya nang mabuti.

Matitinding yabag ng mga paa ang narinig ko habang paparating ang Philippine Army Orchestra. Nakasuot sila ng mga itim na sumbrero, berdeng tunic jackets, puting pantalon, at mga hiyas na kulay ginto. Sila ang bahaging inatasang tumugtog at magmartsa sa buong Luzon, samantalang ang iba naman ay iikot sa Visayas, at Mindanao.

Inobserbahan ko ang reaksyon ni Raiden sa mga pangyayari. He looked so mesmerized by the matching band, slightly nodding his head to the rhythm of the bass drums. If only he knew how much that sound sent chills to my spine.

"Anak, halika na," naagaw ang atensyon ko nang binuksan ni Mama ang TV. Dahan-dahan kong binaba si Raiden mula sa pagkakakarga ko at sinarado nang maigi ang bintana at kurtina.

Aethergarde AcademyWhere stories live. Discover now