Prologue

63 3 0
                                    

Disclaimer: This is purely fictional. Please be gentle with with this work. Thanks!



****




Malakas ang ulan nung mga panahong yun. Napilitan akong pumasok sa isang convenient store para sumilong sa loob at bumili rin ng payong kung sakaling mahina na ang ulan. Tiyak kasi na mapapagalitan na naman ako ni Mama 'pag nakita niya kong umuwi ng gabing-gabi.




Sana tumigil na ang ulan kasi kailangan ko pang gumawa ng assignment. Hayst. Maliit lang yung convenient store, tsaka parang ngayon ko lang ito nakita malapit sa lugar namin. Ang weird din ng pangalan niya para itawag sa isang convenient store, 'Take Life'. So weird.




"Miss ano pong hinahanap nyo?" nabigla ako sa pagtanong nung cashier. Wala silang ibang tauhan? Paano yung security nila? Tsaka required bang magtanong sa customer pag convenient store?




"Ah...eh...may tinda po ba kayong payong?" tanong ko.




"Meron po Ma'am, dun po banda," sagot naman niya sabay senyas ng kamay niya paturo dun sa kung nasaan ang mga payong.




"Thanks," sabi ko naman tsaka nagpunta doon. Hay, malakas pa rin ang ulan. Mukhang gagabihin ako ah. Kailangan ko na itext si Mama bago pa mag-alala yun.




Nagpunta na ko sa counter para magbayad. Bumili na rin ako ng instant coffee para naman makapag-stay pa 'ko nang matagal sa loob. Naisipan ko na lang makinig ng music habang nagkakape. Wala man lang ibang customer sa loob. Siguro dahil bago pa lang kasi ang store na 'to.



Pinagmamasdan ko lang yung ulan sa labas. Nagulat ako nung may biglang kumalabit sa 'kin. Yung cashier pala.



"Bakit po?" tanong ko.



"Ma'am, pasensya na po pero isang oras na lang po ay magsasara na kami," sabi niya sabay ngiti.




"Ah... okay po. Aalis na lang po ko bago magsara. Salamat po!" sagot ko naman.





Hindi 24 hours ang convenient store na ito? Sayang naman. Pero okay na rin yun, malapit lang naman bahay namin eh, hindi lang talaga ko makaalis dahil nga malakas yung ulan.




"Sa FCPU po ba kayo nag-aaral?" tanong nung cashier. Bakit naman kaya naging interesado itong cashier na 'to sa buhay ko?




"Opo," sagot ko sabay kabit ng earphones ko.




Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tapat ko. "Kumusta na ang FCPU? Marami na bang nagbago?" tinignan ko siya nang mabuti at hindi naman siya mukhang mas ahead sa 'kin kaya hindi siya pwedeng maging alumni. Baka dun siya nag-aral dati.




"Ah... Maayos naman po. Marami na pong estudyante," sagot ko. Gusto ko na ulit makinig ng music. Bakit niya ba ko kinakausap?





"Wow! Dati konti lang ang mga estudyante dun ah. Malaki na nga ang pinagbago ng school," sabi niya sabay ngiti. Alumni ba siya? Bakit parang kaedad ko lang siya?




"Dito ka ba nakatira, Fina?" napaigtad ako sa tanong niya. Paano niya nalaman yung pangalan ko? "Nakita ko yung name mo sa i.d. mo, pasensya na," paliwanag niya.





"Ah, opo dito lang po ako nakatira," sagot ko.




"Wag mo na kong i 'po'. Magkaedad lang naman yata tayo eh. 18 palang ako," mukhang hindi nga siya alumni. Baka nag-aral nga lang siya sa school namin.


"Ah...sige," sabi ko.


"Hindi mo ba itatanong kung anong pangalan ko?" that made me annoyed. Buti na lang nakita kong mahina na yung ulan.


"Ah... pasensya na, kailangan ko nang umuwi," tumayo na ko at akma ko nang bubuksan yung pinto nang magsalita ulit siya.


"Jordan" napahinto ako. "Jordan, ang name ko."



Umalis na ko at nagsimula nang maglakad pauwi. Bakit kailangan niyang sabihin ang name niya? Hay. Never na 'kong babalik sa store na yun. Pagdating ko sa bahay, nakatayo na sa pinto si Mama. Sabi ko na eh, nag-aalala na siya. Buti na lang at alam niyang umuulan nang malakas kanina kaya valid ang rason kung bakit ako nalate ng uwi.





Kinabukasan, naghanda na ko sa pagpasok. Tinignan ko muna yung bag ko kung kumpleto yung mga gamit na dadalhin ko sa school. Teka? Parang may kulang? Inisip kong mabuti kung ano ang wala sa bag ko. Ah! Yung wallet ko! Hinalungkat ko yung bag ko pero wala talaga dun yung wallet. Sinubukan kong hanapin sa cabinet dahil baka nailagay ko lang dun. Hinanap ko na sa buong kwarto pero hindi ko makita.


Hindi kaya......


Nagmadali akong nag-ayos at lumabas ng bahay. Walking distance lang ang school kaya tinakbo ko na papunta dun sa convenient store. Sana naitago na nung cashier yung wallet ko bago pa sila magbukas ngayong araw. Hay. Allowance ko for a month yung nandoon. Tiyak na mapapagalitan ako ni Mama 'pag nawala ko yun.



Hingal na hingal ako nang makarating sa lugar kung nasaan yung convenient store. Teka? Nasaan na yun? Alam ko dito yun nakapwesto kagabi eh. Nagtanong ako sa lalaking napadaan. "Kuya, saan po dito yung Take Life na convenient store?"



"Take Life? Meron ba nun dito?" takang tanong nung lalaki.



"Opo, dito po yun nakapwesto kagabi. Bumili pa nga ko ng payong dun kasi malakas po yung ulan kagabi," nilagay ko yun kanina sa bag ko kaya kinuha ko para ipakita sa kanya. May logo din kasi yun ng store eh. Pero....hindi ko makapa yung payong. Hinalughog ko yung bag ko pero wala talaga yung payong na nilagay ko kanina. Paanong nawala yun?!



"Miss, walang store na ganyan dito sa 'tin. Matagal nang abandonado 'yang lote na tinuro mo," sabi niya tapos umalis na siya. Paanong wala? Kagabi, bumili pa ko ng payong dun. Ano yun, panaginip?! Yung wallet ko naiwan ko dun!



Baka hindi dito yun? Maghahanap pa sana ko nang biglang nag-ring yung phone ko. Tumatawag classmate ko. "Fina! Anong nangyari na sayo? 30 minutes ka nang late!" napatingin ako bigla sa oras. Shocks! Patay ako nito!


Napatakbo na ko papuntang school. Lagot ako sa teacher namin!



Sobrang hingal na hingal ako pagdating ko sa school. Napagalitan ako as usual. First time ko malate sa klase nakakahiya. Sa buong class hours, hindi ako makapag focus. Iniisip ko pa rin yung convinient store. Lalo na yung naiwan kong wallet.



Nakakapagtaka talaga. Hindi ako pwedeng magkamali. Doon talaga yung pwesto ng convenient store na yun kagabi eh. Hay. Nakakapagtaka rin na nawala yung payong na binili ko samantalang nilagay ko naman yun kanina.



"Bes, tara lunch na!" narinig kong sabi ni Jane. Sya yung tumawag sa 'kin kanina. Nagpunta na kami sa canteen at kumain.



"Bes, bakit parang wala ka sa katinuan ngayong araw? Tsaka bakit pala late ka?" tanong ni Jane.


"Ah... eh... Bes, pamilyar ba sayo yung Take Life store?" tanong ko.



"T-take Life store? Hmmm... May ganun ba? Wala pa kong naririnig na ganung store," sagot naman niya. "Bakit, anong meron?"




Hindi ko na ikinuwento sa kanya yung nangyari. Sigurado naman akong di siya maniniwala. Tinapos na namin ang pagkain namin at bumalik na sa classroom pagkatapos.



Natapos ang klase namin. Buti naman at hindi naulan ngayon. Makakauwi ako nang maaga. Kinabit ko yung earphones sa tenga ko para makinig ako ng music. Madalas kasi talaga kong makinig ng music habang naglalakad.




Napahinto ako. Doon mismo sa pwesto kung nasaan yung open area na pinagtanungan ko sa lalaki kaninang umaga. At sa pagkakatanda ko ay open area ito kanina. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Yung 'Take Life' store ay nakatayo doon mismo.



At...yung cashier... nandoon siya...

The Prodigy of YouWhere stories live. Discover now