Chapter 4

44 2 0
                                    

Nagmadali akong nagbihis ng uniform at kumain kaunti bago ako nagkumahog palabas ng bahay.




"Anak, bakit ka ba nagmamadali? Nandiyan lang ang school mo ah," nagtatakang tanong ni Mama.




"Malelate na po ako, Ma! Bye po, see you later," hinalikan ko siya sa pisngi at hindi na tinignan ang reaksyon niya na paniguradong nagtataka kung bakit ako nagmamadali.




Nangyari na 'to. Yung pagbuhos ng tubig sa 'kin ni Mama para magising ako. Yung order ko na wallet sa Lazada, yung niluto ni Mama na daing na bangus. Lahat nang ito ay nangyari na a month ago. Iisa lang ang nakikita kong salarin kung bakit naulit muli lahat ng ito.




"Where is it?" wala akong naabutang Take Life. Marahil ay hindi niya ipinuwesto ang store na yun sa araw na ito, although he can.




Saang lupalop ko hahanapin ang malignong yun? I remember something. Pero natatakot akong gawin ito. Paano kung mapahamak ako?




I walked faster para makarating sa school. Imbis na sa classroom ako dumiretso ay sa c.r. ako unang pumasok para subukan ang isang bagay--- ang badge na ibinigay ni Jordan sa akin. Why the hell did he bring me back a month ago? Is he playing god?




I started to click some buttons na nakikita ko sa relo. Bakit walang lumalabas na hologram katulad ng kay Jordan?




I tried to think of an idea. Alam ko na! I remember Jordan clicking two buttons at the same time. I tried it...




And that same hologram came out. I was so amazed. Iba rin pala kapag ikaw mismo ang gumamit ng badge na ito. I tried to find the place of Take Life kagaya ng nakita kong ginawa niya nung hinanap niya yung school para makabalik kami rito.




Cubao, Quezon City?! Nasa malayo pala ito nakapwesto. Bahala na! I tried to click the location kung nasaan ang Take Life. Ipinikit ko ang aking mga mata and I was shocked na mabilis akong nakarating sa lokasyon ng convenient store ni Jordan.




Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Marahil ay hindi niya lubos maisip na magagamit ko pala ang relong ibinigay niya para puntahan siya.




"Fina?" nagtatakong sabi niya na para bang nakakita siya ng multo.




"Yes, Jordan. It's me. Why are you shocked?" nakangising tanong ko. I want to know kung bakit siya gulat na gulat.




"How did you--" pinutol ko ang sasabihin niya.




"Why the hell did you bring me back sa panahong ito? This was a month ago! Wala kang karapatan na guluhin ang timeline ko!" I shouted angrily.




Nakita ko ang pagyukod ng ulo ni Jordan. He looked so guilty. So totoo ngang ginamit niya ang Take Life para ibalik ako sa nakaraan?




"I'm....sorry Fina," hindi siya makatingin sa akin. He's so damn guilty.




"Sorry? What are your future plans? Dalhin ako sa kung saang panahon para paglaruan ako? I have my timeline just like yours, Jordan!" galit na galit kong kumpronta sa kanya.




"I'm really sorry, Fina! I just wanted to protect you," he explained.




"Protect me? Or protect you? You are protecting yourself Jordan! Why are you here? Bakit ka ba nandito sa panahon namin? Para takasan ang panahon mo? Why are you including us sa kinahinatnan ng panahon mo? You don't have the right to do that! We have nothing to do with your time!" I almost cried. Pero kinalma ko yung sarili ko to confront him.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Prodigy of YouWhere stories live. Discover now