Chapter 1

35 2 0
                                    

"Fina, ayos ka lang?"


Narinig kong tanong ni Jane. Hindi ako okay bes kung alam mo lang. Nananaginip lang ba ko nung isang araw at kagabi? Namalikmata lang kaya 'ko? Baka naman nag-e exist talaga yung store at ako lang 'tong nakawala ng wallet at payong ko? Baka naman may sa maligno yung store na yun pati yung cashier. Who's that again, Jor‐--


"FINA! Bes, are you okay?!" sa pagkakataong ito ay nakahawak na si Jane sa dalawang balikat ko. Nilapat nya yung kamay nya sa noo ko pati na rin sa leeg ko. "Hindi ka naman mainit?"



Hindi pa rin ako nakapagsalita. I was too overwhelmed sa mga nangyari. Gad damn it! I must be crazy.



"Fina... nandito lang ako. May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.


I just released a big sigh. Iniling iling ko yung ulo ko at sinampal-sampal yung magkabilang pisngi ko. Sa pagkakataong ito ay napatingin yung mga classmates kong kanina lang ay sige ang daldalan dahil wala pa kaming teacher.


Nilingon ko sila. Narealize ko na lang na nakatingin na talaga lahat sila sa 'kin. Nababaliw na nga talaga ko. Niyuko ko na lang ang ulo ko at sumampa sa desk ko para umakmang matutulog pero di naman talaga ko inaantok. I'm still wondering kung may saltik na ba talaga ko o talagang totoo ang mga nangyayari.



"Bes, di na daw makakapasok si Ma'am Flora. Bibili muna ko sa canteen, di ka ba kakain? May gusto ka bang ipasabay?" sinuklay ni Jane ng kamay nya yung buhok ko.


This time hinarap ko na sya. "Tara kumain nga tayo, baka nagugutom lang ako" ngumiti sya saka inabot yung braso ko.


"My ghad bes, nawawala nga pala yung wallet ko," naalala ko na naman na totoo nga palang nawawala yung wallet ko. Wala ring balance load yung i.d. ko. Hindi na kasi cash ang pambayad namin need naming paloadan yung mga id namin at dun ibabawas yung bibilhin namin. Kapag  down lang yung system kami nakakapagbayad ng cash.


"That's fine. Sagot na muna kita bes," nginitian ako ni Jane at dumiretso na kami papasok sa canteen.


Nagtitingin ako kung anong pwede kong makain. Nakita ko si Jane na bumibili na ng sandwich sa stall 1 at ang nakapagtataka eh madaming girls at gays na nakapila sa stall na yun na para bang enjoy na enjoy nila bumili dun. Lima ang stall na meron sa canteen namin na parang food court ang style pati yung mga lamesa at upuan. Yun nga lang, hindi aircon kaya mainit kapag sobrang daming kumakain.


Sinubukan kong sumingit kung anong pinagkukumpulan nila. Mukhang masarap yata yung tinitinda dun kasi dinudumog. Nagtitilian pa nga yung iba sa kanila. Artista ba yung nagtitinda?


Nagulat ako nung makita ko kung sinong pinagkakaguluhan nila. J-Jordan?! Siya yung cashier sa weird na Take Life store ah, bakit siya nandito?


"Fina!" nagulat ako nung tinawag niya yung pangalan ko. Sa dami ng dumumog sa kanya paano niya naman ako nakita?


Hindi ko siya tinignan bagkus ay tumalikod ako at dahan-dahang naglakad papunta sa ibang stall.


"Fina, babe!" sa pagkakataong ito ay malakas nyang sinigaw ang pangalan ko at kinabit pa ang salitang 'babe'. Nangasim yung mukha ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.


"Fina, is he calling you?" narinig ko rin si Jane sa malayo at kinumpirma kung ako ba yung tinatawag nung Jordan. Jane naman iligtas mo ko, huwag mo 'kong ilaglag.


Sinubukan kong harapin si Jane para sana sumenyas na hindi ako yung tinatawag nung alien na yun pero laking gulat ko na sa akin na pala lahat nakatingin nung mga kaninang nagkakagulo kay Jordan. Mapapait na tingin ang natanggap ko mula sa kanila.


The Prodigy of YouWhere stories live. Discover now