Chapter 2

22 2 0
                                    

"250 pesos lahat, pero I got you today babe," narinig kong sabi ni Jordan habang inaayos na niya yung mga pagkain na siya rin naman lahat kumuha.


Nakatulala lang ako habang inaalalayan niya akong umupo. Hinanda na niya yung dalawang malaking cup noodles pati na rin yung ibang instant food na kakainin namin. Minamaligno na yata talaga ko? Mama! Iligtas mo 'ko baka hindi na 'ko makauwi.


Bigla na lang ako naiyak na parang bata.


"Kuyaaaa. Iuwi mo na 'ko sa amin please lang huhu," para kong bata na naiwan sa mall at hindi mahanap ang nanay ko.


Tumawa lang sya sa inasal ko. "Di ba malapit lang ang bahay nyo dito? Bakit ka umiiyak diyan?" inilapit na niya yung cup noodles na mukhang ready na. Kumulo yung tiyan ko nung maamoy ko ito.


Magtigil ka Proserfina. Naalala ko yung kwento kwento sa probinsya namin ng lolo ko na huwag na huwag daw kaming kakain ng anumang ihahain ng maligno sakaling madala nila kami sa mundo nila kasi hindi na daw umano kami makakabalik.



"Huwag mo kong linlangin! Isa kang maligno! Kapag kinain ko yang pagkain na yan ay hinding hindi na ko makakauwi sa 'min!" ibinalik ko yung cup noodles malapit sa kanya.


"Maligno? Masyado ka naman yatang outdated Fina. Alien na ang uso ngayon," bungisngis na sabi niya.


"Uuwi na 'ko!" tumayo na ako papalapit sa pinto ng store at akma na sana itong bubuksan nang magulat ako na nasa harapan ko na si Jordan.


What the hell? Hindi na ko namamalikmata. Kanina lang nakaupo siya, paano siya mabilis na nakaharang sa 'kin?


"Akala ko ba gusto mong marinig ang sagot sa mga tanong mo?" nakangiti na naman siya. It's killing me.


"Oo pero natatakot na 'ko! Gusto ko na lang umuwi at yakapin si Mama. You're scaring me Jordan!" I tried to open the door pero hindi ko ito masara. What the!


Next thing I noticed ay nasa upuan na ulit si Jordan. "How the hell did you do that? You are a freak! Hayaan mo na 'kong umuwi, please" naiiyak na kong nagmamakaawa sa kanya.


"That's what you call teleportation," he casually said. Teleportation? Kagaya sa Dragon Ball?




"Teleportation? What do you mean?" I asked curiously.



"That's a normal way for us to go from one place to another. Hindi pa ito naiimbento sa panahong 2023 pero sa taong 2070 ay  isa na lamang itong normal na paraan para makapunta sa iba't-ibang lugar," he's not smiling anymore. Mukhang hindi na siya nakikipag-biruan.



Does it mean na galing siya sa future? Napailing ako. I must be crazy!



Iniangat niya yung relo niya at may pinindot siya sa gilid nito. Bigla na lang may lumabas na parang malaking screen na tila ba hologram na sa mga palabas ko lang nakikita. Nakita kong may lumabas na mapa rito at pinindot niya yung picture ng school namin. Nakarinig ako ng malakas na tunog na parang tunog ng isang pagsabog.



Nasa clinic na kami. Pinindot nya ulit yung relo niya, at bumalik kami sa Take Life. Nahihilo na ko. Hindi na nagrerehistro sa utak ko lahat ng nangyayari. Hindi ba talaga ko nananaginip? Tinampal ko yung kanang pisngi ko.



"Gising Fina! Gising!"



"You're not dreaming, Fina. Everything is real" bigla akong napaluhod.



Lumapit siya sa akin para alalayan akong tumayo.



"Come with me," hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan papalapit sa isang pinto na papasok marahil sa storage area ng store.




The Prodigy of YouWhere stories live. Discover now