"Shh- hayaan mo muna akong nakaganito" saad ni Dev at siniksik pa ang mukha sa leeg ni Kiya, niyakap naman siya pabalik ni Kiya.

"Ano bang problema beb?" tanong ni Kiya pero umiling lang si Dev at inamoy ang leeg ni Kiya, nakiliti naman ang isa.

"Yahh!pfft- nakikiliti ako Dev" natatawang saad ni Kiya pero di parin tumigil si Dev at maslalong siniksik ang mukha sa leeg ng kaibigan.

"Ang bango mo kasi beb" sabi ni Dev bago lumayo na kay Kiya at ngumisi sa kaibigan.

"Ba't mo ba ako hinahanap kanina?" takang tanong ni Dev

"Gusto ka sana namin yayain na mag sleepover sa bahay para makabonding naman tayo, di ka na kasi nagpapakita sa amin nitong mga nakalipas na araw" nakangusong sabi ni Kiya kaya natawa naman si Dev.

"Sorry beb marami kasi akong ginagawa nitong mga araw kaya  di na ako nakakabonding sa inyo kahit nga sina Dzane at ang kambal nagtatampo na sakin eh" paliwanag ni Dev.

"Imbitahan nalang natin ang kambal at si Dzane para makapabonding rin tsaka miss din naman sila ni ate dahil nung nakaraan di sila nakasama sayo" sabi ni Kiya kaya tumango si Dev.

"Pwede rin ba nating imbitahan si Rom?" nakangiting tanong ni Dev, bigla naman natahimik si Kiya.

"Plllease" pagmamakaawa ni Dev kaya napabuntong hininga naman si Kiya bago tumango.

"Waahhh! Thanks beb mwah" masayang saad ni Dev at hinahalikan ang buon pisngi ni Kiya kaya natawa naman ang isa.

"O siya baba na tayo kasi kanina pa tayo hinahanap nina ate" sabi ni Kiya kaya napatango naman si Dev at hawak kamay silang umalis sa lugar.

Dev's POV

Nang makababa kami sa rooftop ni Kiya ay agad kaming pumunta sa parking lot kung saan nag-aantay ang barkada nila.

"Dev!! Buti naman naisipan mo ng magpakita sa amin" biro sakin ni Dale kaya nakatikim siya ng masamang tingin sa akin.

"Nasan si Arria?" tanong ko ng makalapit kami sa kanila

"Kinuha muna ni John may pag-uusapan daw sila" paliwanag ni Dian.

"Ba't di niyo sinamahan? Baka napano na yun" nag-aalalang sabi ko kaya napatingin naman ang barkada sa akin.

"Wala namang mangyayari kay Arria Dev tsaka si John naman ang kasama niya" nagtatakang sabi ni Dale sa akin.

"Oo nga Dev, safe si Arria tsaka ba't ka ba ganyan kung mag-alala kala mo naman di magpapakatiwalaan si John" saad ni Kiya, wala naman agad akong maisagot. 'shit'

"Ahh-ehh kasi ano- malay niyo may makasalubong sila na masamang tao diba" palusot ko at nakumbinsi naman ang mga kaibigan ko, 'hayss buti naniwala'

"Wala yan tsaka nagtext na sa akin si Arria, kita nalang tayo daw sa bahay niyo Kiya" paliwanag ni Dzane habang kinakalikot ang cp niya.

"So tara na?" tanong ni Kiya

"GORA!" sabay na sigaw ng kambal kaya natawa naman kami.

"Dev sabay na tayo" yaya ni Kiya sa akin pero umiling lang si Dev.

"Sige susunod lang ako pupuntahan ko pa kasi si Rom" saad ko kaya napanguso si Kiya.

"Ano ba yan, puro ka nalang Rom ngayon lang nga tayo magbobonding tapos di ka pa sasabay, magtatampo na talaga ako" inis ni sabi ni Kiya at nagcross arm pa kaya natawa naman ako.

"Eh beb paano yung motor ko?" tanong ko pero di ako pinansin ni Kiya.

"Hayss, Dale labas jan! ikaw muna gumamit ng bike ko, kukunin ko nalang sayo pag-uwi natin bukas" sabi ko at tinapon ang susi kay Dale ng makalabas ito sa sasakyan nilang magkambal.

Twisted FateOnde histórias criam vida. Descubra agora