Tumama ito sa dibdib ng lalaki at tumagos papunta sa dibdib ng babae. Nakita ko kung paano nagniningning ang mata nila nang magtama ang mga balikat. I smiled sweetly as I watch them.

"Here's your table sir, maam..."

Tapos na ang misyon ko sa restaurant na ito kaya tumalikod na ako upang lumabas. I stiffined when I saw a gorgeous woman with an hourglass body together with Armastrus. Girlfriend niya? Siguro, dahil nasundan ko ng tingin ang nakaangkla nitong mga kamay sa braso ni Armastrus hanggang sa makarating sa kanilang table

Bagay sila.

Pero maghihiwalay din yan.

Hindi ako bitter, no! Nagcheck ako kagabi kung may lifepartner na si Armastrus, ngunit walang nakalistang babae para sa kaniya. Wala din siya sa lineup ng mga itatadhana. Nagtataka ako kung bakit, magiging matandang binata ba ito? O baka hindi pa lang naaayos kung sino ang para sa kaniya kaya wala pa.

Kinakausap siya ng babae, but his eyes are fixated on me. Seryoso ito at sumimsim ng tubig, hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Napansin siguro ng babae na hindi nakikinig si Armastrus, kaya humilig ito sa kaniya halos bumulong na at idikit ang labi sa tainga nito. Umiwas si Armastrus, may binulong sa babae kaya agad itong umayos ng upo. Pilit na ang ngiti nito ngayon.

He looked at me again using those bewitching eyes, hindi nahihiya kung makita ko siyang nakatitig. Pinilig nito ang ulo, tila malalim ang iniisip.

I took a deep breath, kinakalma ang puso dahil sa mga titig nito. I took all the courage that I have to stand up and walk out of the place. Kahit naglalakad palabas, dama ko ang titig nitong nakapanglalambot. Pakiramdam ko'y lumulutang ako, hindi maramdaman ang paa dahil sa kaba.

Nang sa wakas ay nakalabas na, I stopped for a second. Nilingon ko ang restaurant, salamin ang haligi nito kaya kita ang nasa loob. Patuloy ang pagkausap ng babae sa kaniya, ngunit hawak at nilalaro niya ang mga labi. Parang natigil ako sa paghinga, I cannot ignore the fact that he is breathtaking!

Napakurap-kurap ako at mabilis na naglakad palayo. Gusto kong sabunutan ang sarili. I'm the Love Goddess yet I cannot handle these kind of situations!

Pilit kong tinaggal sa isip ang nangyari. May labing isang pares pa akong tinrabaho sa araw na iyon. Nang matapos lahat ay tumambay ako sa isang ice cream shop, gabi na at medyo maraming tao sa shop na ito dahil maraming naguwiang mga estudyante.

Pinagtitinginan nila ako. Medyo naaasiwa ako pero ayos lang naman. Nagagandahan siguro sa akin.

"Ang ganda ng kulay ng buhok niya."

"Buhok lang"

I looked at them. Tinandaan ang mukha ng huling nagsalita. Mukha itong suplada, maarte rin ang kilos. Nang nakita niyang nakatingin ako, tinaasan lang ako ng kilay. Di na ako umimik. Sa halip ay nangiti at natawa pa. Sige tarayan mo pa ang Love Goddess.

Hinding hindi kita bibigyan ng lovelife!

Nagfocus na ako sa strawberry ice cream ko, sinubo ko iyon at ninamnam. Nakaharap ako sa kalye. Sa tapat ng shop ay may bar, mga mamahaling sasakyan ang pumapasok rito kaya nasisiguro kong exclusive bar ito.

Hindi pa ako nakakapasok sa bar. Kaya nang maubos ang ice cream ay pumunta ako doon. Hinanapan ako ng ID ng malaking mama, ngunit wala ako non.

Syempre, di ako papagapi! Pumunta ako sa walang taong bahagi at hinimas ang bato ng kuwintas upang ma activate ang pagka invisible. Kapangyarihan nga naman, oo!

Tumagos ako sa pader nito, napahawak ako sa bibig nang mapunta sa sa toilet ng mga lalaki. Nakapikit akong naglakad, di naman problema kahit pumikit ako habang naglalakad dahil di naman ako mauuntog.

Indelible Sight In Harriniva: SintaKde žijí příběhy. Začni objevovat