Chapter 19

97 7 0
                                    


Lorenzo Dominique Choi's Pov

May sasabihin naman talaga ako sa kaniya eh. It's just not the right time.

"Cr lang ako" tumayo na siya.

"Samahan na kita" sabi naman ni Danice.

"No, it's ok I have feet" sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa maka-alis na siya.

"Ang tagal naman ni Trix?" Sabi ni Kent.

"Baka na flush na sa bowl" sabi naman ni Danice.

Hinahanap na kasi siya ng profs. dahil may gagawing activity pero 'di pa siya bumabalik kanina pa.

"Puntahan kaya natin?" Sabi ko naman kay Troy.

"Yeah you better check her"

Nagpaalam ako sa isang prof. na hahanapin ko lang si Trix.

Inantay ko na lang muna siya sa labas ng cr. 5 minutes na ang nakalipas ng pag-iintay ko sa labas pero wala pa ring Trixie ang lumalabas. Kaya napilitan akong pasukin 'yon at chineck lahat ng cubicle pero laking gulat ko nang wala siya doon.

Kaya naman tumakbo ako papuntang cabin nila.

"Trix! Trixee!" Malakas at mabilis kong katok sa pinto.

Pinihit ko ang door knob at hindi naka lock iyon. Hinanap ko siya sa loob sa cr wala.

"Sht! Sht! Sht! Sht!" Sabi ko habang tumatakbo papunta sa bonfire.

"Ms. Plandes wala po si Trix!" Natatarantang sabi ko kaya naalarma ang iba.

Nagulat din si prof.

"Are you sure? You check every c.r??" Tanong niya.

"Yes, ms. Even in her cabin wala siya."

Lumapit sila Kent sa akin.

"What's wrong, bro?" Nagaalalang sabi nila.

"Trix' missing." Nagulat sila sa sinabi ko. "I check all the c.r, shower room.  Her cabin, pero wala"

"Ok ok! Students! Get back to your cabins! Lights out na! Wala nang lalabas ng cabin!" Mabilis na nagsi-alisan ang lahat.

Lumapit sila ate Col.

"What's the matter ms. Plandes?" Tanong ni kuya Alex.

"A student missing." Sagot ni ms. Plandes.

Tumulomg kami nila Kent, Troy, Joaqin sa pag hanap. Pinauna na namin si Danice kahit nagpupumilit siyang sumama.

"Trix?" May hawak akong flashlight.

Mga teachers, sila ate Col, kaming apat ay naghahanap kay Trix.

Sht. Trix, na saan ka ba?

"Sht, bro!" Dinig kong sigaw ni Joaqin.

Agad akong lumapit sa kanila. Nakita ko si Joaqin na nakatutok ang flashlight sa may lupa.

May mga patak ng dugo. And I'm. So damn sure na it's Trix's. 

Sinundan namin ang tulo ng dugo hanggang sa makarating kami sa...

"Hanging bridge?" Tumingin sa akin si Troy pagkasabi niya non.

"I thought she's scared  sa matataas na lugar?" Sabi naman ni Kent.

"Yes, she is" dineretso namin ang hanging bridge.

Nanlaki ang mata ko nang maitutok ko ang flashlight ko kay Trix na nakahiga doon. Iniabot ko ang flashlight kay Troy.

"Trix!" Tumakbo agad ako sa kaniya at tinanggal ko ang blindfol niya pati na rin ang tali niya sa kamay. Lumapit na din sila Kent.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon