Episode 8: The Forever Pill

389 29 0
                                    

Episode 8: The Forever Pill


"Never Pill o Forever pill?" I asked myself. Hindi ko pa rin maisip kung ano bang mas magandang inumin. Hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang gusto ko? Ang makalimutan si Albert o tuluyang umasa sa pagmamahalan namin na mabuong muli.

I felt very groggy. But I pulled myself out of bed and headed to the kitchen dala-dala ang pillbox na ibinigay sa akin ni Charity. The sunlight streamed into my apartment through the windows. Hindi naman kalakihan ang apartment namin ni Albert . . . apartment ko pala. Ako na lang nga pala ang mag-isa rito.

Nasa pangalawang palapag ang apartment at may isang bedroom. Galing sa bedroom ay may spacious living area sa kanan kung saan may couch, coffee table, TV set, at ang main entrance. Sa kaliwa naman ay makikita ang open kitchen na at ang bathroom. All white na may accent ng berde at kahel ang buong apartment. Napakasarap sa mata. Napakaaliwalas. Hinihiniling ko na lang na ganito rin sana kaaliwalas ang aking nararamdaman ngayon.

Bago ako sumabak sa pagsusulat ng manuscript kong ipapasa sa JBL Publishing Inc., kailangan ko munang uminom ng isa sa dalawang magical pills na ito. Baka nga tama si Charity at mapabuti nito ang aking nararamdaman. Napakabigat ng dibdib ko at parang may nakadagang isang malaking bato sa ibabaw nito. May kaunti pa akong hangover, umiikot pa ang aking paligid, at masakit ang buo kong katawan. Pero hindi pa rin nito matumbasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Napaupo ako sa couch and I hugged myself tightly. Kung nandito lang siguro si Albert ngayon ay pinagluto na ako no'n ng sopas para pampawala ng tama at hangover ng kinagabihan. Pero wala na siya, kaya yayakapin ko na lang ang aking sarili hanggang sa mawalla ang tama ko . . . pero mawawala ba talaga ang tama ko sa kaniya? Miss na miss ko na si Albert.

After a few minutes, I stood from the couch and I went to the kitchen area. I grabbed a glass and poured cold water in it from the fridge. Nakaharap ako ngayon sa bintana na malapit sa aking lababo at napagdesisyonan kong Forever Pill ang aking iinumin.

I opened the pill box and picked up the green pill. I looked at the caplet intently and said to myself, This is what I want! I miss him so much. I want to feel his embrace, his warmth, and his lips against mine. I want Albert back in my life! As I was about to put the pill in my mouth, it slipped from my hand and went directly to the sink drain. Lumusot ang caplet at kinain ng sink drain.

"Ang tanga naman!" napasinghal ako sa sarili.

I decided to call Charity right away and told her what happened.

"Hala ka!" sambit niya. "Alam ko meron pa naman akong isang Forever pill dito. Ibibigay ko na lang ulit sa 'yo, ako na ang bahala."

"Thank you, Char. I appreciate everything you do for me."

"Anything for you. Firsties forever, right?"

"Yes, firsties forever! First best friends for life!"

We hung up the phone.

I would like to wait for the Forever pill, but my emotions were really getting stronger. Para akong kakainin ng kalungkutan, ng kadiliman. So, I acted fast. I just wanted to feel better. So, I opened the pillbox again and I flicked the orange pill in my mouth. I swallowed it fast and waited . . .


To be continued...

Never/Forever (An Interactive Novel) by Jahric LagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon