Tama nga ang hinala ko na naghihintay ang kakambal ko sa sala pagkauwi ko. He looked at his watch before carefully scrutinizing my look. Kinabahan ako ng very slight.

"Mommy! Nandito na po si Zia," sabi niya.

Napag-usapan namin habang kumakain ng dinner ang tungkol sa trabaho ko para bukas. I also told them about the paparazzi outside so my father will contact the security office later about what I want to happen. Mas magandang marami na rin ang magsabi.

Sa sumunod na mga araw ay bumalik sa dati ang routine ko. I exercise during the morning, help my mother with managing and checking her accounts, write songs and watch movies.

"Hm? Another musical," puna ni Zian nang pumasok siya sa kwarto ko to borrow my calculator.

"Yeah," I said, my eyes not leaving the monitor.

When Anne Hathaway sang, tahimik naming pinanood ang scene niya. I saw this movie before pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa execution niya ng kanta. All the emotions are there! It's perfect. No wonder she won an award kahit na saglit lang ang exposure niya rito.

"Why don't you audition for a musical?" sabi ni Zian.

"I actually thought of it. May offers din at binabasa ko pa lang."

"May experience ka naman sa pag-arte kaya walang problema.." bago siya tuluyang makaalis sa kwarto ko ay nilingon niya ako uli. "Try watching a local one."

So I did. Sakto namang may isa sa mga napanood ko ay may remake na gagawin ngayong taon at inalok ako ng offer last week lang. I reviewed the plot of the play, a different role was offered to me, yung villain. I guess it's nice to have a different image to portray naman kaya susubukan ko.

Kinabukasan ay nagsend ako ng e-mail to confirm my attendance para sa audition.

"May ganon pa? I thought you were casted.." sabi ni Mommy habang tinutulungan ko siyang ayusin ang packs ng cookies na inorder sa kanya.

"Yes, Mommy. I think the director wants to cast someone who's perfect for the role at ayos lang po iyon. Susubukan ko lang din naman po." para may ibang magawa.

Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang mga panahong sobrang busy naming lima sa trabaho. We would fly from one city to another, dalawa o tatlong oras lang ang tulog at sa byahe lang din nakakapagpahinga, everyone's busy and running around.

Dalawang linggo akong nag-ensayo para sa audition piece ko at linyang posibleng ipa-recite sa akin. I asked for Zian's opinion regarding my performance, minsan ay tinatama niya ako at nagbibigay ng suggestion.

"I haven't heard you sing for quite a while.." sabi ko habang nagha-highlight sa lyrics.

"Bakit ako kakanta?"

"Wala namang rason kaya di ka kakanta ganon?" I looked at him sideways. Bored lang siyang nakaupo sa kama ko.

When we're younger, I would hear him strum his guitar and sing inside his room tapos bigla-bigla akong papasok para masabayan siya. The last time he sang in public was when we're in Aria pa.

Ang bilis pala talagang lumipas ng panahon.

I am wearing simple white shirt, high waisted jeans and a pair of black kitten heels. As usual, hinatid ako ni Fire hanggang sa loob. Hati ang atensyon ng mga nadadaanan namin para bang hindi nila alam kung kanino sila titingin. Sa akin ba o kay Fire.

"Gaano katagal ito?" tanong niya.

"I don't know yet. Baka it will take about two hours or so.."

Pink SkiesWhere stories live. Discover now