Mahina na ang kanyang boses ngayon.
Pero puno parin ng hinanakit.









Lumingon ako kay mama. Umiiyak lang siya at wala nang masabi. “D-dahil mahal kita Kleya, I love you more than anything kaya maging kadugo ko tinalikuran ko.”







Pinahid ni papa ang kanyang mga luha at akmang aalis nanaman ng bahay pero nang makita niya ako sa tapat ng pinto ay napahinto siya.







He look down bago ako tuluyang lagpasan.







Napahawak ako sa dibdib ko at halos matumba sa kinatatayuan ko. Mabilis namang lumapit sa akin si mama.







“Anak...sorry anak. Sorry naglihim si mama.” patuloy lang ang pag iling ko. Hindi ko magawang makapag salita, nahihirapan ako.







Napaisip tuloy ako. Bakit ganito? Kailangan ba talaga na pagkatapos ng saya ay may luha? Tumayo ako kahit na nahihirapan at pumasok sa aking kuwarto.








Ayoko munang makita ang isa sa kanila. Gusto ko munang mapag isa, kung nasasaktan sila paano pa ako?







Nahihirapan rin ako na nakikita silang ganyan. Tapos naglihim pa sila sa akin ng sobrang tagal.






Humiga nalang ako sa kama hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.






****






HINDI tulad ng dati ay mas maaga akong nagising para pumasok. Ayoko munang maka usap ang isa sa kanila, hindi pa ako handa.







Habang nagsusuklay ako ng buhok ay napadako sa cellphone ko ang mata ko. Dali dali kong binaba ang suklay at dinampot ang cellphone ko.







Nakalimutan kong I text kagabi si Dark! Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil don. Ngayon tiyak na alam na niya na there's something wrong about me.







He has 3 messages to me. Isa isa ko iyong binuksan. Pero napansin ko rin ang ilang mensahe sa akin ni Raven. Mamaya ko na muna babasahin 'yon.





Boyfriend first dapat!









Dark:

Hey are you okay?








Dark:

Still awake?











Dark:

Is my baby already sleeping? Hmm good night.












Napatampal tuloy ako sa aking noo. Nakalimutan ko tuloy ang sinabi ko sa kanya.  Napabuntong hininga ako at agad na nagtipa ng mensahe para sa kaniya.









Ako:

Pasensiya ka na hindi kita na I text. May pinagawa lang si mama. Good morning!












Pagkatapos ko iyong ma i send ay agad rin naman akong naka received ng reply.










Dark:

It's okay. Morning. Bakit ang aga mo naman yata? It's only 5:23 In the morning.












Napakagat labi ako. Ayoko sanang magsinungaling sa kaniya lalo na't kami na pero hindi pa ako handa na ipaalam sa iba ang nalaman ko.









Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now