Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

✨1.13 : My Reed✨

28.6K 590 122
                                    

1.13: My Reed.


"Hello?"

Hinintay ko na sumagot siya pero ni isang salita, wala akong narinig.

"I know you are there."

Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala talagang sumasagot at tanging 'yong tunog lang galing sa TV o computer yata, at ang paghinga lang nang malalim ang maririnig sa kabilang linya.

What's up with this caller? Ngayon, hindi lang text ang ipinapadala niya sa akin; tumatawag na rin siya. Bakit hindi niya pa ako magawang kausapin nang matino?

"Bye."

Hindi na ako naghintay sa sagot niya at ako na mismo ang nagbaba. May ilang segundo pa ay naka-receive ako ng isang text message galing sa kanya.

Sleap early, I don't want you to stay late tonight.

This time, ako naman ang huminga nang malalim.

"He didn't answer again?"

Umiling ako sa tanong ni Chels at itinapon ang phone ko sa may kama. Pinanood ko muna itong mag-bounce bago ako dumiretso sa may vanity mirror at nag-apply ng eyeliner.

"Sino na naman 'yan? 'Yong secret admirer mo?"

Pinaupo ako ni Keira at sinimulan nang ayusin ang buhok ko. Habang si Chelsea naman ay tinulungan na ako sa pag-apply ng make-up. Nagmamadali na kaming tatlo dahil nagmamadali na rin 'yong mga pinsan naming naghihintay sa ibaba.

Tonight, we're going out. Nagbukas kasi 'yong bagong club ng kaibigan nina Cole at Grey kaya pupuntahan namin ngayon.

"And who else ba kasi? You know, it's been a month since the first text and gosh, until now, text pa rin nang text!"

I gave Chelsea the lip tint, na ipinapaabot niya. "Hayaan niyo na. Wala naman siyang ginagawa sa aking masama."

Umikot ang mata ni Chels habang tumawa naman si Keira sa sinabi ko. "Naku, Sav! Sinasabi mo lang 'yan kasi everyday ka may free food and flowers! And tama ba 'yong narinig ko kila Cole? Na siya rin minsan ang gumagawa ng mga reports mo?"

I flashed them a smile. I couldn't help it. Naalala ko na naman 'yong one time na sobrang busy ko na talaga before prelims at hindi ko alam kung anong uunahin sa mga requirements, tapos bigla na lang ako makakatanggap ng delivery na naglalaman ng isang part ng thesis na kailangan na naming ipasa. Again, katulad ng mga pagkain at flowers wala pa rin itong name ng sender.

"Isang beses lang naman." This mystery texter is so sweet, na dumating sa puntong hindi ako natatakot sa kanya. Kahit na ilang warning ang ibinigay sa akin ng mga pinsan ko at ni Jed ay hindi na ako nababahala. I knew he or she was not bad or a crazy stalker. Nararamdaman ko 'yon sa mga text na ipinapadala niya.

"'Di ba, nagpalit ka na ng number last week?" Ani Keira. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, and to be honest, ang ganda ng reflection ko. Ang galing talaga mag-make-up nitong si Chels.

"Yeah, nag-change na 'yang si Savvy. Like, nagulat na lang kami when, suddenly, he texted again."

"He?"

"Um, duh? It's so obvious kayang boy siya."

"Nagpatulong na ba kayo kay Kuya Marco?"

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon