Chapter 2

15 1 0
                                        

Erin's POV

Nagising ako sa mahinang pagkatok ni mama. Tumingin ako sa aking orasan at alas 6:00 na pala nang umaga.

"Anak gising na" sabi nya. Nag inat ako at tumagilid nang higa. Itinakip ko ang kumot sa buo kong katawan.

"Hmmmm Ma 5 minutes will do." Sabi ko sa inaantok na boses. Haha. Para umalis na si Mama. Medyo matagal akong natulog kagabi dahil nanuod pa ako ng KDrama. Yun ang bago kong kinahihiligan.

"Gumising kana. Pupunta tayo sa doktor." Sabi ni mama. Naidilat ko ang aking mata sa sinabi ni mama. Sa lahat ng araw eto yung pinakaayaw ko ang check up ko.

Bumangon ako sa kama at tumingin sa kalendaryo. Ngayon pala ang check up ko kay Doctor Emily.

"Opo ma, maliligo lang ako." Sabi ko habang pumupunta sa banyo. Gusto kong magtagal para hindi na kami matuloy. Ayaw ko talagang magpa check up. Pag naalala kong may sakit ako para akong binibiyak sa sakit. Dapat sila mommy at daddy ang nandito sinasamahan ako pero wala sila. Si mama Cecil lang ang laging naka alalay saakin.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko yung buhok ko na parang naging bahay ng ibon tsaka may muta pa ako. Yaaaak. Kadiri ko. Well hindi na madama si Mama lang naman ang nakakita ng itsura ko kanina. Naligo na ako at Nagbihis ng komportableng damit. Bumaba na ako at nakita ko si mama na may kausap sa telepono.

"Sige sige po ma'am."  Pinatay na nya ang telepono at tumingin sa direksyon ko. Ngumiti naman siya pero hindi umabot sa mata. Parang naawa siya saakin.

"Oh anak! Di ka raw masasamahan ng mommy mo today. May importanteng client daw nak. Okay lang ba na ako lang muna ang kasama mo sa ospital?"

"Opo naman mama Cecil. Busy ata si mommy sa negosyo." Sabi ko sabay upo sa hapag kainan. Kailan ba ako sinamahan ni mommy sa check up ko? Sabagay sanay na ako na si Mama yung kasama ko.

"Ay oo kasi para daw yun sa panggamot mo at sa mga gusto mong bilhin o kainin." Sabi ni mama Cecil sabay lagay ng kanin at ulam sa plato ko. Nawalan na ako ng gana.

"Kain ka lang diyan ha? Magbibihis lang ako" Tumango ako bilang pagpapayag at umalis na siya. Kumain na ako. Hindi ko maiwasan isipin na ginagawa lang to ni Mommy dahil para saakin. Pinili ni mommy na lumayo saakin upang maipagamot ako. Eksaktong natapos akong kumain ay siyang paglabas ni mama cecil sa kanyang kwarto.

"Halika na anak. Baka mahuli na tayo sa appointment mo" Lumabas na kami nang bahay at sumakay sa sasakyan. Sana naman may improvement na sa sakit ko.

Edited.

Rain in Summer (SLOW UPDATE!)Where stories live. Discover now