"Nais kong ipinta ang ala-ala nating dalawa"
Hawak ang aking kamay, nakangiting humarap saakin ang lalaking nasa aking harapan bago tuluyang halikan ang mga ito. Napangiti ako sakanyang inasta.
"Ipinta mo ito, tayong dalawa, magkahawak ang mga kamay, nakatingin sa isa't-isa, habang ang papalubog araw ay tanaw sa ating harapan hudyat na tapos na ang kahapon at ang kinabukasan ay muling sisilay para saating dalawa"
Pinatakan nya muli ito ng halik dahilan para sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babaeng sakanya'y naghahabol, swerte ko na lamang at ako ang kanyang natipuhan.
Tumalikod syang muli upang makita ang araw na ngayon ay pababa na sa likod ng isang bundok.
Mula sa likuran ay akin' ko syang tinitigan, napangiti ako ng mapait at pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata, dahil alam ko na ang bukas na aming haharapin ay walang kasiguraduhan na kung ito ba ay para na saamin.
Humihiling na sana'y sa susunod na habang buhay ay muli kaming magmahalan, kung sakali mang mabigo ang aming laban para sa aming pag-iibigan.
"Kung sakali mang paghiwalayin tayo ng tadhana, pinagdarasal ko na sana sa susunod na bukas ay makasama kitang muli, na sana'y makita kitang muli para ika'y muling mahalin." Nakatalikod parin sya ng kanya itong banggitin kaya tuluyan akong bumitaw sa kanyang pagkakahawak upang aking maangkin ang pagitan na espasyo sa aming dalawa para sya ay mahagkan mula sa kanyang likuran.
Mahigpit ang aking naging yakap nang muli nyang hawakan ang aking mga kamay malambing at maingat nya itong hinaplos tila ba'y isa itong mamahaling diyamanteng kailangang ingatan dahil iisa lamang ang uri nito sa mundo.
Ang kaninang nagbabadyang mga luha ay tuloy-tuloy ng tumutulo dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman, kaya't tuluyan ko ng sinubsob ang aking mukha sakanya likuran para itago ang mga patak nito na tila ba'y walang katapusan.
Iyan rin ang aking dasal, mahal ko.
[A/N: This is work of fiction]
