Halos patakbo na ako kung maglakad, binaba ko na rin ang tawag. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng crush sa kaibigan ni kuya. Basta isang araw, nung nagpabili siya ng pagkain sa akin, I saw him with his white coat and he look hot!

Nakakapanghina talaga ang mga med student.

Yung tipong simpleng sipon lang gustong-gusto mo ng pumunta sa hospital para masilayan siya.

Mag-iisang taon ko na rin siguro siyang crush. Wala man kaming masyadong interaction dahil busy siyang umikot-ikot sa hospital. Ayos na nga ako sa simpleng sulyap ko sakaniya. At kinilig nung sinagot niya yung tanong ko sakaniya sa curiouscat!

He noticed me!!

Kaya nga kapag napapatingin siya sa akin, feeling ko kilala niya ako. Tiyaka active likers niya rin ako sa twitter! Hindi ko naman sinusubaybayan yung mga tweets niya pero five hours ago pa ang last tweet niya.

Dumeretso agad ako sa headquarters. Nakabisado ko na rin kung saang room iyon. Pagpasok ko ay nakita ko si kuya sa tapat ng laptop niya habang nakalatag ang iba't-ibang libro and other printed materials sa lamesa niya. Napalingon siya sa akin tiyaka ngumiti.

"Bilis ah!" Pang-aasar niya sa akin. Nilagay ko nalang sa mesa niya ang pagkain na pina-order niya. Gusto ko ngang padabog na ilagay kaso pagkain ito, that's bad. "May kinuha lang siya saglit sa kotse niya," binigyan niya ako nang mapang-asar na tingin.

Umupo ako sa harapan niya tiyaka kinuha ang isang libro. Mukhang nakakadagdag ng kaalaman kaya babasahin ko.

"Akala ko ba uuwi ka na? Pagod ka diba?" Pang-aasar niya sa akin habang kumakain. Kinuha ko rin ang burger na in-order ko sa akin.

"Duh. Nagbabasa ako, can't you see?" Mataray na tanong ko sakaniya kapag talaga umuwi si ate Nathalie, isusumbong ko ito!

"Duh rin. Pwede mo kayang hiramin at umuwi na diba?"

"Oo na! Oo na! Hinihintay ko siya okay? Para naman sulit ang pagpunta ko rito!" Masungit na sabi ko sakaniya. He chuckled kaya nag make face ako.

"Five hundred pesos lahat iyan times two. One thousand," sabay lapag ko ng palad ko sakaniya. Bahagya siyang sumimangot habang may laman pa ang bibig niya.

"I-minus mo iyang cheeseburger mo ah!" Umirap ako sakaniya. Dami pa niyang sinasabi e bibigay niya rin naman ang one thousand.

Inalis ko ang case ng phone ko tiyaka nilagay doon ang pera. Nakakatamad ilagay sa wallet eh.

"Bakit ka riyan naglalagay ng pera? Edi kapag nahablot phone mo, wala ka narin pera?" Masungit na tanong niya sa akin.

"May pera ako sa phone, sa wallet, sa bag at sa bulsa. Pa iba-iba para kapag nanakawan, may extra." sagot ko sakaniya. Kahit nga bente pesos lang nasa bulsa ko, makakauwi na ako.

Sabay kaming napalingon ni kuya nang bumukas ang pintuan. Kaagad nitong niluwa ang napakagwapong nilalang! Shet.

Agad akong napaayos ng upo at nag-iwas ng tingin ng dumako ang tingin niya sa akin. Pinasadahan ko ang librong nasa harapan ko, kunwaring nagbabasa kahit ang totoo punong-puno na ng kaba ang puso ko.

Shet. Daisheen, huwag kang pahalata. Nakakahiya ka.

Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin na para bang namumukhaan niya ako. Did he stalk my twitter? Dapat pala nag private ako para hindi lumilitaw notif sakaniya kapag nilike ko tweet niya.

Pero ayos lang, papansin naman ako sakaniya. Kaya ayos lang.

"Ah dude, si Daisheen. Katulong ko," agad umangat ang tingin ko sa pinsan ko tiyaka ko siya tiningnan ng masama "Joke lang. Pinsan ko," natatawa pa siya e wala naman nakakatawa.

Dahan-dahan akong humarap kay Jonas para makangiti. Tipid siyang tumango tiyaka hinila ang upuan sa tabi ng pinsan ko, naupo naman siya ron.

"Jonas," tipid din na pagpapakilala niya. Binuksan niya ang libro niya tiyaka nagbasa.

Pinanood ko kung paano gumalaw ang mga mata niya tiyaka kung paano niya i-highlight ang mga important parts.

Kahit ganto lang lagi ang mapanood ko araw-araw. Nakakawala ng pagod!

Bahagya akong napangiwi ng maramdaman ko ang pagsipa ng pinsan ko sa paa ko. Inis ko siyang hinarap. Pinandilatan niya lang ako ng mata kaya kumunot ang noo ko. Kinuha niya ang cellphone niya tiyaka mabilis na nagtype.

Umilaw ang cellphone ko na nasa kandungan ko.

Kuya Nathan:

Tanga! Halata ka! Baka ma-creepy-han sayo yung kaibigan ko!

I rolled my eyes and stood up. Nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa dahil sa pagtayo ko.

"Una na ako, nagtext na si mama," paalam ko sakanila tiyaka lumabas na.

Nakangiti naman ako habang naglalakad palabas ng hospital. Bakit ang gwapo niya? Nakakapanghina rin ang mga lalaking seryosong nagbabasa ng libro.

I'm soft.

Maaga ang duty namin ngayon kaya naisipan kong dumaan muna sa McDo para maka-order ng McCoffee. Nagbasa pa kasi ako ng libro kagabi kaya kulang ang tulog ko.

Pahikab-hikab pa nga ako sa jeep kanina. September na, kaya mas lalong malamig ang simoy ng hangin sa Baguio.

Habang nakapila ako sa counter, nagscroll ako sa twitter ni Jonas. Napapanguso ako kapag nakikita ko ang surname niya. Masyado siyang mataas, kilalang-kilala ang pamilya nila dito sa Baguio. Kamag-anak pa nga nila ang sikat na businessman sa Pinas.

Wala naman siyang masyadong tweet. Hindi siya pala-tweet. Minsan nagtutweet lang siya tungkol sa course, bowling at mga movies na pinapanood niya.

Adobo is his favorite food.

Huwag niyo akong tawaging stalker, kasalanan ko bang he tweeted it before? Pero sabagay, in-stalk ko rin naman siya.

Nag-order ako ng McCoffee tiyaka eggdesal. Hindi na ako nakapag-almusal, baka maabutan pa ako ng traffic sa may bokawkan hanggang town. Kinuha ko na ang order number ko tiyaka naghintay sa gilid habang nagcecellphone pa rin. Hihintayin kasing mag flash sa screen ang order number tapos kukunin na sa counter.

Nang nag-pop na sa serving yung number ko ay lumapit na ako sa counter para kunin iyon. Umupo muna ako sa bakanteng upuan tiyaka kinain ang eggdesal. Nagcecellphone pa rin ako dahil nagbabasa ako ng mga hand outs namin na naka pdf.

Nang matapos na ako ay kinuha ko na lang ang McCoffee ko. Saktong nagtext sa akin si Gail kung nasaan ako kaya napunta ang atensiyon ko sa cellphone ko habang naglalakad palabas ng McDo.

Ang kaso nga lang may nabunggo pa ako kaya nabuhos sakaniya ang kape ko. Tinanggal ko pa naman kanina yung cup!

Nagulat ako sa nangyari, napansin kong hawak niya ang white coat niya sa kamay niya na napuruhan ng kape. Bahagyang napaawang ang bibig ko nang makita ko ang pamilyar na logo.

Saint Louis University Hospital of the Sacred Heart

Mabilis kong sinulyapan ang name tag na nakalagay sa coat niya.

Tan, J.L C

Gulat ko siyang siyang tiningnan. Napaawang ang labi niya habang naka spread ang kamay niya para rin siguro hindi mabasa sa tumutulong kape.

"Daisheen!!"

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora