Chapter 27: All I Could Do

1.2K 84 68
                                    

Tiningnan ko ang kalendaryo. Ilang araw na lang at aalis na si Gab. Masaya akong nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya bago siya umalis, pero hindi ko talaga maiwasang malungkot.

Kakakilala ko lang sa kanya nang lubos tapos wala pang isang taon na magkakilala kami, aalis na siya. Imba. Parang sinasabi na rin ng langit na "Ano ba? Kulit ng lelang mo. Hindi nga kayo, e!" Pero heto. Katulad nga ng sinasabi niya, makikipaglaban ako sa tadhana.

Habang nag-e-exam ako, 'yon lang ang nasa isip ko. Kung paano ako mabubuhay na wala siya. Ewan ko nga ba. Nabuhay naman ako ng halos limang taon na wala siya, pero bakit ngayon, hindi ko na ma-imagine 'yong mga susunod na araw na magkalayo kami?

Pagkatapos ng exam, pumunta ako sa tambayan para mag-ayos ng gamit sa cabinet. Bumili rin ako ng kaunting pantsibog, tapos naisip ko, aalis na rin ako.

Nasa gate na ako ng college, nakalagay ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon ko, nang nakita ko si Jet na papalakad. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi umiimik.

Naalala ko 'yong kahapon, 'yong hinawakan ni Gab ang mga kamay ko. Sila kaya, naghawakan din kaya sila ng kamay? Knowing Anya, unpredictable.

Ngayon ko lang naman narinig na nagkagusto siya.

Nakita ako ni Jet, hawak-hawak lang niya ang isang envelope. Dumiretso siya papunta sa 'kin at ngumiti, sabay lagay ng kamay niya sa tuktok ng ulo ko.

"Kumusta 'yong date?" tanong niya sa 'kin.

"Hindi naman 'yon talagang date, 'no. Libre lang," sagot ko, kahit si Gab na mismo ang nagsabi na date 'yon. "E, ikaw?"

"Hindi rin date 'yon. Uuwi ka na?"

"Hindi pa," sagot ko. Weird na 'yon ang lumabas sa bibig ko kahit kani-kanina na lang, nakapagdesisyon na akong umuwi. "Teka, ba't ka pala nandito?"

"Pinasa ko lang 'yong paper ko. Tapos naisipan kong dumaan."

Sumama ako papunta sa may tambayan. Magkaharap kaming nakaupo. Tinitigan ko lang siya habang nilalabas niya 'yong burger galing sa bag niya. Bigla tuloy ako napaisip kung bakit nga ba ako nandito.

"Gusto mo?" tanong niya nang may mapang-asar na ngiti.

"Kakakain ko lang."

"Kilala kita. Hatiin ko na—"

"Hindi, pramis! Kakakain ko lang."

"Hula ko, Cream-O . . . o Nova?"

"Choco Topps," sagot ko.

"Wow, may bago. Pero magugutom ka niyan."

"May pera naman ako. Bibili na lang ako ng tinapay pag nagugutom ako."

"McDo," suhestiyon niya. "Sagot ko na."

"'Wag na nga," pagtanggi ko.

"Bakit si Gab, pinapayagan mong manlibre sa Enchanted, tapos ako, sa McDo lang naman kita ililibre, ayaw mo pa? 'Wag kang mag-alala. Di 'to date."

"Hindi naman 'yon ang sinasabi ko," depensa ko kaagad. "Nahihiya lang ako."

"Sa 'kin ka pa nahiya." Tinago niya ulit 'yong burger sa bag niya, tumayo, at inalok ang kanan niyang kamay. "'Lika na."

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya—isang malaking pagkakamali. Paano ba naman, wala nang bumitaw sa 'ming dalawa. Hindi ko alam kung nagkakahiyaan lang ba kami o nagkaka-ilangan na walang gustong bumitaw. Anak ng tofu, paano ko ba 'to tatanggalin? Bakit naiilang din akong tanggalin? Aaaaa! Bakit walang bumibitaw?!

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon