Chapter 23: First

1.3K 74 128
                                    

"Ano?" tanong ni Gab.

Kinabahan ako. Parang gusto ko bawiin na may sasabihin nga ako. Tama nga ba na abusuhin ko ang pagkakataon na malungkot siya? Pero gusto ko kasing malaman niya na . . . ang tanging hiling ko lang naman ay ang masigurado kong masaya ang first love ko . . . pero hindi ko kasi 'yon nakikita.

Bakit ang hirap ilabas ng mga salita kahit na-rehearse ko naman na?

Ano nga ba ulit 'yong sasabihin ko? Bigla na lang ako naubusan ng sasabihin. Napabunot na nga ako ng mga damo sa tabi ko. Halos nakalbo ko na nga, e.

"Okay . . . pero itong sasabihin ko, 'wag sanang—"

"Uy," sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran namin. "Nandito pala kayo."

Napalingon kami nang nakita namin sina Jet at Anya. Bitbit pa rin ni Jet ang bag ni Anya, at pareho silang may dalang taho.

Napataas ang kilay ni Gab. "O, nandito ka?"

Ako lang ba 'to, o parang nag-iba ang tono ni Gab at ang mga tingin niya kay Jet? Siguro nasobrahan lang ako sa kape. Iba kasi 'yong tingin niya kay Jet dati—parang "hello, utol." Ngayon, more of . . . nagseselos yata siya kay Jet dahil lagi niyang kasama si Anya.

Anong yata? Duh, natural. Mahal niya si Anya, e. Kaya ko nga nasabi na pampalipas lang ng oras si Lian.

Tumingin ako kay Jet. Nang nagkasalubong ang mga mata namin, umiwas ako. Siguro dahil sa inis na dumating sila na wala sa timing. Oo, tama, iyon nga yata 'yon.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Jet.

"Nakaistorbo ba kami?" tanong ni Anya.

"Hindi naman," sagot ni Gab. "Nagkukuwentuhan lang."

"Pauwi na rin kami, actually, di ba?" Nang tumango si Jet, idinagdag ni Anya, "Nakita lang namin kayo. Sabi ko nga sa kanya, 'wag na kayong abalahin, e."

"Sabay na kami."

"Hindi na."

Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin, pero bigla kong sinabi, "Bakit ayaw mo kami pasabayin?"

Parang ang sungit yata ng pagkakasabi ko. Na-bad trip kasi, e. No—this can't be. Hindi dapat ako magalit. Wala naman silang kasalanan.

Ako lang talaga.

"Baka lang kasi nag-uusap pa kayong dalawa."

"Hindi, wala na kaming pag-uusapan."

Tumayo na kami pareho ni Gab at naglakad kasama sina Anya. Ito na yata ang pinaka-awkward na magkakasama kaming apat. Nilagay ko ang backpack ko sa harap at hinanap ang sticky note kung saan nilagay ko ang mga things to do ko habang naglalakad. Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Chi, ayos ka lang ba?" tanong ni Gab sa 'kin. "Ang bilis mo. Para kang tumatakbo."

Paglingon ko, sobrang layo na pala nina Jet at Anya. "Hala! Sorry! Minsan kasi, bumibilis talaga ang lakad ko nang di ko namamalayan."

"Ano bang hinahanap mo?"

"Ano . . . sticky note. Reminder ko para sa sarili ko. Pero, di bale na. Hanapin ko na lang sa bahay."

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo kanina?" pag-iiba niya ng usapan. Napaisip tuloy ako kung talagang hinabol niya ako para do'n. "Bago dumating sina Jet, sabihin mo na."

Nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan. First time niya yatang maging interesado sa mga sinasabi ko. "Ano . . . sasabihin ko sana na . . . 'wag sanang wrong timing pero . . . bigla ko gustong mag-ice cream."

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon