DEATH05

151 80 52
                                    

Third Person POV

Malakas na ibinagsak ng isang babae ang pintuan ng kaniyang kwarto. Hindi ito mapalagay. Halos magusot na ang suot niyang palda dahil sa labis na panggigigil.

Hindi na nito malaman ang kaniyang gagawin. Para na itong masisiraan ng bait sa pagsabunot niya ng kaniyang buhok. Hindi rin nito maiwasan na ngatngatin ang kuko dahil sa pagkabalisa.

"Ano ng gagawin ko!? Pinatay nila si Ma'am Joyce. Kanino pa 'ko hihingi ng tulong?" naguguluhan nitong tanong sa kaniyang sarili.

"Si Ezaira. Siya nga kaya ang Target? Ilang oras na lang ang mayro'n ako. Ayokong mamatay! Ano ng gagawin ko!? Dapat ko ba talaga siyang patayin?" sunod-sunod pa nitong tanong sa sarili.

Gulong-gulo na ang babae at tila ba'y nawawalan na ng pag-asang magawa ang kaniyang misyon, ngunit bigla itong nabuhayan ng sigla nang matanggap ang isang mensahe galing sa hindi niya kilalang tao.

Dali-dali niyang ni-message ang isa niyang kaklase at hiningi ang cellphone number ni Ezaira. Matagumpay naman niya itong nakuha at agad na tinext ang numero.

Nagpakilala siya rito gamit ang ibang pangalan. Nagpanggap siya kay Ezaira na siya ang Target last week at handa niya itong tulungan na magtago sa mas ligtas na lugar. Kinumbinsi niya ito na sumama sa kaniya sapagkat hindi raw ligtas na magtago lamang sa tahanan, lalo na't wala itong kasama sa bahay.

Paulit-ulit ang babae sa pananalangin habang hinihintay ang pagsang-ayon ni Ezaira na sumama dito. Gumihit naman sa kaniyang mukha ang saya nang mabasa ang reply nito. "Napakatanga mo talaga Ezaira," wika niya sa kaniyang sarili sabay tawa.

Madali siyang nagpalit ng damit saka nagtungo sa coffee shop na kanilang napag-usapan. Sinugurado nito na walang cctv sa kanilang tagpuan upang walang makaalam na kinatagpo niya si Ezaira.

Halos mag-iisang oras nang naghihintay ang babae at hindi pa rin dumadating si Ezaira. Sinubukan niya itong muling tawagan pero hindi na ito sumasagot. Lalo siyang nataranta at muli na naman niyang nginangatngat ang kaniyang mga kuko.

Ngunit nang matanaw na niya sa hindi kalayuan ang kaniyang hinihintay, ay napawi ang takot at pag-aalala sa mukha niya at napalitan ng saya.

"Ezaira... Dito," pagtawag niya sa babaeng pumasok ng coffee shop.

Lumapit si Ezaira sa kaniyang table at naupo sa kaniyang harapan. "Uhh... Hi, sorry if natagalan ako," saad nito na may halong pagdududa sa kaniyang mukha. "Bea Alcantara, right? I'm Ezaira Clint," dagdag niya saka inabot ang kamay at nakipag-shake hands.

Napansin ni Bea ang pagdududa sa mukha nito. "Alam kong nagtataka ka kung pa'no ko nalaman na ikaw ang Target, nakita ko lang 'yong nangyari kahapon sa locker area. Sino ba ang gumawa no'n sa'yo?" usisa ni Bea.

Napayuko si Ezaira at nalungkot sa tanong nito, "My b-bestfriend did that... I trusted her and she betrayed me. I thought she was going to help me, that's why I told her that I'm the Target... But I was wrong, nagkamali ako dahil siya pa ang nagpahamak sa'kin."

"Mahirap talagang magtiwa--" hindi natapos ni Bea ang kaniyang sasabihin sapakat muling nagsalita si Ezaira pagkaangat nito ng kaniyang ulo.

"But I didn't tell Ma'am Joyce about this. Hindi ako ang nagpatulong sa kaniya na magsumbong sa mga police. I don't know why they're blaming me but it wasn't me, promise!"

Nagkunwari naman na walang alam si Bea tungkol dito ngunit may mga salitang tumatakbo sa kaniyang isip, "Hindi talaga magiging ikaw 'yon, Ezaira dahil ako ang may kasalanan no'n. Ako ang nagpilit na lumapit si ma'am sa mga pulis."

"H'wag kang mag-alala Ezaira, naniniwala ako sa'yo," pang-uuto ni Bea.

Mas lalo pang kinumbinsi ni Bea na maniwala ito sa kaniya upang mawala ang pagdududa nito. Sobrang nagtiwala naman si Ezaira kaya kaniya na rin ipinakita ang number niya sa Black Rabbit, patunay na siya nga ang Taget. Labis naman itong ikinatuwa ni Bea dahil sigurado na siyang tama ang kaniyang papatayin.

"So tara na. Sigurado akong magiging ligtas ka do'n hanggang mamayang 9 PM," wika ni Bea.

"But my kuya is already on his way. Let's just wait for him, he also can take us there." saad naman ni Ezaira.

Napakunot ang noo ni Bea dahil kanina pa binabanggit ni Ezaira ang kapatid niyang si Ezrio na pupuntahan daw siya ngayon. Nasa kalagitnaan ito ng outing kasama ang kaniyang mga High School friend nang kaniyang mabalitaan na binully sa school ang kapatid niya kahapon. Kaya naman dali-dali itong bumalik ng Maynila nang makuwento ni Ezaira na nanganganib ang kaniyang buhay. Kahit na hindi siya naniniwala sa app na ito ay gusto niya pa rin masiguro na ligtas ang kaniyang kapatid.

Natatakot naman si Bea na baka hindi matuloy ang kaniyang plano kapag naabutan sila ni Ezrio.

"Diba sabi mo hindi pa nagrereply ang kuya mo? Do'n mo na lang siya hintayin, kasi papasok pa ko sa part-time job ko," palusot nito para lamang umalis na sila. "At saka nand'yan na ang uncle ko, siya na ang maghahatid sa'tin," dagdag pa nito.

Hindi na muling nakatanggi si Ezaira dahil nahiya ito nang makita ang nasabing uncle ni Bea. Sumakay sila sa itim na mamahaling sedan at siyang nagtungo sa lugar na sinasabi nito.

Naunang bumaba si Ezaira ng sasakyan nang makarating na sila sa kanilang destinasyon. "Salamat po ulit sa inyo," saad ni Bea sa lalaking nasa driver's seat. "Pwede ko po bang malaman kung bakit niyo ako tinulungan?" dagdag pa nito.

"You'll never know," tugon sa kaniya ng lalaki. Napasilip naman si Ezaira sa sasakyan at nagtataka kung bakit hindi pa rin bumababa si Bea, kaya dali-dali na itong bumaba at tuluyan ng umalis ang sasakyan.

"B-Bea, are you sure this is the right place?" nauutal na tanong ni Ezaira.

Nasa harapan nila ngayon ang 4-storey commercial building, may kalumaan na ito at ang mga espasyo lamang sa baba ang nananatiling bukas. Kakaunti rin lang ang mga taong dumadaan sa lugar na 'to, ganoon din ang mga sasakyan.

"Oo, kaya nga ligtas dito dahil paniguradong walang makakakita sa'yo," tugon ni Bea. "Minessage mo na ba sa kuya mo ang address dito?" tanong niya.

Tumango si Ezaira at nagpatuloy na silang maglakad papunta sa gilid ng nasabing building kung saan naroon ang hagdan paakyat sa taas.

Umakyat sila hanggang sa pinakataas na palapag. "Is this the massage spa you're talking about?" tanong ni Ezaira nang makita ang isang lumang massage spa.

"Oo, ito 'yon."

"B-but it looks closed," nauutal nitong sabi. Nakaramdam ng takot at kaba si Ezaira.

Napaatras siya sa may barandilya nang makitang magsuot ng guwantes si Bea. "B-Bea, w-what are you doing?" kinakabahan niyang tanong. Pinagpawisan bigla nang husto si Ezaira at bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

Ngumiti lamang sa kaniya si Bea na abot hanggang tainga sabay hinablot ang suot niyang sling bag at tinulak siya nang pagkalakas-lakas upang mahulog ito sa baba.

Mababa lang ang barandilya na sinasandalan ni Ezaira kaya madali itong nahulog sa building nang siya'y itulak ni Bea.

Sinilip ni Bea ang katawan ni Ezaira mula sa kaniyang kinatatayuan kung matagumpay niya ba itong nagawa. Agad naman na gumuhit sa kaniyang mukha ang saya nang makitang umaagos na ang dugo ni Ezaira sa lapag.

Habang wala pang nakakakita kay Ezaira ay dali-dali niyang kinuha ang cellphone nito sa loob ng hinablot niyang bag. Binura niya ang lahat ng maaaring magsilbing ebidensiya saka inihulog ang cellphone sa tabi ng katawan ni Ezaira.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death NumbersWhere stories live. Discover now