DEATH01

334 150 228
                                    

Shana's POV

"Hi, Ms. Caramel Macchi'ute," bati sa'kin ng lalaking barista pagkapasok ko sa kanilang coffee shop. "Unahan na kita, one caramel macchiato," dagdag nito sabay tawa.

Madalas ako kung bumili dito, pagkakatapos ng aking klase o kung minsan ay pagkatapos kong magsimba gaya ngayon, kaya naman natandaan na ako ng mga empleyado at binansagan na Ms. Caramel Macchi'ute sapagkat iisa lang ang aking madalas na inoorder, at ito ay ang caramel macchiato. Ngunit ang salitang cute? Cute nga ba?

Dahil lang ata sa aking mala-korean bangs at malalim na dimples kaya nila nasabing cute ako. Katamtaman lang naman ang tangos ng aking ilong, manipis ang labi at bilugan ang mga mata, ngunit maputi naman ang aking balat at may balingkinitan na katawan.

Ngumiti na lamang ako at tumango bilang tugon dito. Matapos kong i-claimed ang aking order ay naupo na ako sa bakanteng table. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang app na Facebook.

Tamang sagap lang ng mga chismis at tawa sa mga memes, ngunit napahito ako sa'king pinagkakaabalahan nang matanggap ang isang text message. "Hi! Want to earn ₱30,000 every week?" ito ang nilalaman ng mensahe na nanggaling kay Black Rabbit. Wala itong number at naka-auto save lang ang pangalan nito.

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang mag-download ang isang app sa'king cellphone matapos kong buksan ang text message. "Anong nangyari? Wala naman akong iniinstall na kahit na ano ah," tanong ko sa'king sarili.

Nang matapos mag-install ang Black Rabbit app na 'to, ay akin itong binuksan upang alamin kung ano bang klaseng app ito.

A B O U T

Hellcome! The Black Rabbit is a game app where you can have your Death Numbers. You can play either as a Target or a Hunter using these numbers.

Napakunot ang noo ko dahil sa'king nabasa. "Ano ba'ng pinagsasabi nito?" saad ko saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa.

H O W  T O  P L A Y

Know your number
Don't tell others
Every week there will be 1 (one) Target and 1 (one) Hunter
If you are chosen as a Target, you have to run and hide from the Hunter
If you are chosen as a Hunter, you have to seek and kill the Target
And for the other players who didn't get picked, you can still join and precede Hunter to kill the Target
You only have 150 hours to do it

"WTF! Kill? Anong klaseng app ba 'to!" sabi kong muli sa'king sarili. Dahil sa hindi ko na nagugustuhan ang aking mga nababasa, ay akin nang pinindot ang home button upang makapag-exit dito, ngunit laking gulat ko nang hindi ito gumana at nanatili pa rin ako sa app na ito.

Sinubukan ko rin pindutin ang back button ngunit gano'n pa rin. Napilitan na lamang akong pindutin ang next at pinagpatuloy ang pagbabasa.

R U L E S  F O R  T A R G E T

You cannot kill the Hunter
You cannot tell and ask for police help
You cannot run away and disappear
You have to follow these all or else you will die

R U L E S  F O R  H U N T E R

If you didn't kill the Target within the timeframe, you will die
You cannot kill the Target
inside the school
You cannot ask other people to
kill the Target
You cannot make a mistake, like killing other students who
are not the Target
You cannot tell and ask for police help
You cannot run away and disappear
You have to follow these all or else you will die

Death NumbersWhere stories live. Discover now