Chapter 39

218 10 3
                                    

"Pre, wala ka namang ibang masisi diba?," ani Mark sakanya.

Tumango si Chase at nagbuga ng isang marahas na buntong hininga.

"Alam ko, kasalanan ko naman to,"

"Kaya ikaw ang aayos, pero tandaan mo, may siyam kang kaibigan, mga masasandalan, okay?," ani Mark habang tinatapik ang balikat ni Chase.

That gave him a sense of assurance, his friends never left him, naging busy man sa kani-kaniyang trabaho, pero kapag nagkikita kita naman ay parang walang nagbago, parang noong highschool.

"Pagisipan mong maayos," huling sinabi ni Mark bago magpaalam at pumunta na sa sarili niyang kwarto.

Pumasok naman na siya sa kwarto niya, wala si Ara pero naririnig niya ang ingay ng tubig sa bathroom kaya naman inisip niya agad na naliligo si Ara.

Umupo na muna siya sa couch na pangisang tao at tinignan ang cellphone.

Ten: gago ka

Gil: *gwapo

Yam: hindi naman ikaw kausap tangek

Gil: suntukan

Yam: final answer?

Mark: ang iingay niyo hays

Hart: edi umalis ka

Mark removed Hart from the group

Hermes: di niya kaya yon! HAHAHA

Hermes added Hart to the group

Hart: ampanget ng ugali niyo huhu ganito pala kayo magwelcome huhu

Bolt: corny!

Tumawa si Chase habang binabasa pa ang mga kantyawan ng mga kaibigan sa kanilang groupchat.

He stopped scrolling when he heard the bathroom doors open.

"Shit!," mura ni Ara, nahagilap siya ni Chase pero mabilis na tumingin sa malayo.

Sinara agad ni Ara ang pinto.

"Sorry! Hindi ko narinig na pumasok ka na pala!", sigaw ni Ara.

"Okay lang! Sorry din!", sigaw naman ni Chase pabalik before fake coughing to ease the awkwardness.

"Uhm... can you.. grab my clothes please? Nasa kama lang," narinig niyang sinabi ni Ara na nasa loob parin ng bathroom.

Nilingon naman iyon ni Chase at nakita ang mga maayos na nakatiklop na damit.

Kinuha niya iyon bago kumatok.

Tumingin si Chase sa kaliwa umiiwas tignan si Ara para naman maging komportable ito habang inaabot ang mga damit.

"S-Salamat," ani Ara bago kunin iyon at isara ulit ang pintuan.

Bumalik si Chase sa kinauupuan niya kanina ilang minuto lang ang nakalipas nakita niya na si Ara na lumabas, basa ang buhok at may towel na nakasabit sa kanang balikat nito.

"Uhm, pwede ka na rin maligo, if you want," ani Ara na parang may pagaalangan sa tono.

"Sige," ani Chase.

Habang inaayos ang mga gamit nakita ni Chase na tinutuyo ni Ara ang buhok gamit ng towel habang nakaupo sa kama.

He continued fixing his things bago pumasok sa loob ng CR.

**

Napakatanga Ara! bulong ng isip ni Ara sa sarili.

Chase saw her with a only a towel covering her body! Nakakahiya!

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Where stories live. Discover now