Chapter 2

21 1 17
                                    

Iniisip ko pa rin si Ram mula kagabi. Nagmamadali syang umalis, he didn't even bother to say goodbye. Ewan ko kung anong nangyari naiwan nya pa nga yung iba nyang gamit.

He's never been serious like that, unless it is about Rara, I felt a little guilty tuloy because I asked about her.

Hindi ko alam kung anong oras nya ko susunduin ngayong araw o kung susunduin nya pa ba ko. Ala-una na ng tanghali and I haven't received a call or any text from him.

Ano na Ram? Di uso update? Nag-aalala ako.

I have no idea what will happen today pero napagdesisyunan ko na mag-aayos na lang ako ng sarili kase never naman hindi tumupad sa usapan si Ram.

I tried asking him what happened thru text kagabi pero wala pa ring reply kaya di na ko nagtext ulit ngayong araw. Hihintayin ko na lang sya, tatawag din naman yun kapag naging ok na siguro yung nangyayari.

After my bath, I immediately check my text messages. I was relieved when I received a text message from him.

'Sorry about yesterday. I'll be there in an hour.'

An hour? What?! Kailangan ko pa mamili ng damit, fix my hair and fix my face although it can't be fix.

Hindi na ko nag-abalang mag-reply pa. Maiintindihan nya na yan. But not even an hour pass, the doorbell already rings. Before I open the door, I recheck his message again and it was sent almost an hour ago.

I am losing my mind, na-enjoy ko pa ata masyado ang pagligo.

"What's up little turtle?" Bati nya na mukang aware na nga na hindi pa ko nakakapag ayos.

"Grabe parang bahay mo ah." Sinara ko ang pinto at sinundan sya na dire- diretso sa kusina.

"Hindi ba? Nagluto ka ba para saken?" Habang tinitignan nya yung mga nakahain sa mesa.

Hindi nga talaga nahiya. Hindi nya ko pinansin at kumuha lang naman sya ng plato't kutsara. Wala ng tanong tanong bago sya kumain binuksan nya ang ref at naghanap ng maiinom. Nung sa tingin nyang komportable na sya sa pwesto nya nagsimula na syang kumain.

"Don't you have to wear clothes?" Tumingin sya saken kaya napatingin naman ako sa sarili ko.

Shet! Di pa nga pala ako nakakapagbihis.

Iniwan ko na sya at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nagmamadaling maghanap ng pwedeng suotin kaso di ko nga pala alam kung anong klaseng party yun.

"Just wear anything casual." Sigaw nya mula sa labas na parang narinig yung iniisip ko.

Maybe I'll just wear a wide denim jeans and a white fitted top. Basics is the best kapag wala ka ng time para mamili ng damit. I dried my hair and didn't bother to fix it. I think it'll be fine if I'll just let it down, it's naturally straight anyway. I wear some accesories so i don't look so plain and put some light make up.

When I went back to him, he seems already finish with his food. Actually, sinadya ko talagang mag-iwan ng pagkain kase sigurado akong he would come without eating anything. I-consider pa what happened last night, for sure the last time he ate was when he's with me.

"You good?" He asked and look at me from head to toe.

"I think so?" I look at him confused kase mukang ready na sya umalis.

"We need to go." He picked up his car keys and grab my slingbag from me then walk out.

"Ba't nagmamadali tayo?"

"Where are my stuffs?" Argh! Hindi sinagot yung tanong ko.

"Iniwan mo so iniwan ko sa cafe. Are we picking it up?" Tanong ko habang hinahabol sya sa paglalakad. Napapagod na ko hah. Ang laki laki ng hakbang nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breathe ApartWhere stories live. Discover now