28 One Step Closer

3 0 0
                                    

Kiran Lin

Matapos naming kumain ay tumulong si Yivie sa paglilinis. Gaya ng napag-usapan ay ihahatid ko siya pag-uwi niya.

Bago kami umalis ay kinalabit niya ako.

Hindi niya ako matignan ng diretso habang nakahawak parin ang kamay niya sa manggas ng t-shirt ko.

"Pwede ba akong pumasok sa kuwarto mo? May hinahanap kasi ako." aniya. Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Binawi niya ang kamay and raised it defensively.

"I mean, may hinahanap lang talaga ako. Promise." aniya. Hindi naman siya mukhang kahina-hinala kaya pinapasok ko na.

Saglit niyang nilibot ang tingin sa buong kuwarto. "Wala rin dito." bumakas ang pagkabigo sa mukha niya at lumabas saka nagpasalamat.

Nagpaalam muna kami kay Dad at umalis na.

"Ano ba kasi ang hinahanap mo?" hindi ko maiwasang itanong. Nilingon niya ako at ngumiti. "Wala lang iyon." aniya at naunang maglakad.

Hinabol ko siya at nagtanong ulit. "Alam mo ba kung paano nagkakilala sina Hanna at Dad?"

She shrugged at parang wala lang na sumagot. "Ang alam ko lang ay mentor ni Nana si tito Henri sa culinary school. Nana told me that he helped her a lot and that he gave birth to her as a chef." aniya.

Nilagay niya ang magkahawak na kamay sa likod.

"Taho!" biglang nagliwanag ang mukha niya dahil sa narinig. Damn. Sabi ko na nga ba't mangyayari din ito.

Tinignan niya ako kaya hinila ko na siya at bumili ng dalawa. Sinigurado kong makukuha ko yung sa akin dahil baka agawin niya ulit.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap at buong oras na kumakain siya ng taho ay hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Hindi naman halata na mahal niya ang taho.

I mentally face-palmed. Tinapon namin ang mga plastic cups sa trash bin na nasa gilid ng tindahan sa di kalayuan.

Napunta naman sa aso ang usapan namin. She's a dog lover habang ako naman ay kahit ano sa aso at pusa. Basta ba't mabait at hindi nangangagat.

"I had a dog once, then-" naputol ko ang sinasabi nang makakita ng cotton candy. I can't resist that. Nagpaalam ako saglit kay Yivie at bumili. Sumunod naman siya.

"Gusto mo?" tanong ko habang pinupunit ang cotton candy at sinusubo. Umiling siya habang nakangiti akong tinitignan.

"You like cotton candies?" aniya at hindi ko maiwasang bigyan siya ng 'hindi-ba-obvious' na tingin. Tumawa naman ang huli. Tsk, she's teasing me.

Pinunit ko ang piraso ng cotton candy at nilagay sa bibig niya. Ayan tawa kasi ng tawa.

Nauna akong maglakad habang patuloy parin sa pagkain. Paulit-ulit niya naman akong tinawag.

"Hoi! Lumagpas ka!" sigaw niya. Napalingon ako sa paligid at saka tumingin sa likod. Nakita ko siyang tinuturo ang gate ng bahay nila. Takte.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now