19 His Memory

15 2 1
                                    

Kiran Lin

"Guys, nauna na raw si Yivie. Tara, uwi na rin tayo." pag-aya ni Iza. Sumang-ayon naman ang lahat.

I wonder what happened after that call. I knew it was her boyfriend at alam ko rin na nagkabalikan sila. I overheard their conversation last time.

"Siya nga pala, closed tayo bukas. Baka makalimutan niyo." Pagpapaalala ni Iza. I asked her why, at biglang puminta ang pagaalinlangan sa mukha niya.

Nakaramdam ako ng biglang pagbabago sa ihip ng hangin.

"It's the death anniversary of Yivie's parents." Hindi na ako nagsalita ulit dahil baka mas sumama ang ihip nito. Buti nga at naunang umalis si Yivie, I swear I would punch myself when I get home kapag narinig niya iyon.

Nang makauwi ako ay agad akong naglinis saka dumiretso ng tulog.

Nagising ako dahil sa pagkatok ni Dad.
Matapos kong mag-inat ay tumingin ako sa orasan. 9:00 am.

Mukhang napasarap ang tulog ko sa pagkakaalam na walang trabaho ngayon.

"Kiran, are you up?" kumatok ulit si Dad. Wala pa ako sa katinuan nang buksan ko ang pintuan.

"I'm going out, a restaurant asked me for a food critique." aniya. Tumango lang ako, "Bye." saka kumaway habang pupungay-pungay parin ang mga mata. Tinignan niya lang ako saka umiling at lumabas na. Plano ko sanang matulog ulit dahil wala naman akong gagawin pero hindi na ako makatulog.

Bumangon ako at pumunta sa kusina para gumawa ng makakain. Binuksan ko muna ang nga cabinets para tignan kung anong pwedeng lutuin. Perks of having a chef Dad.

Napagdesisyunan kong gumawa nalang ng pancake at saka omelette. Matapos kong kumain ay naghanap ako ng mga dati kong gamit. Baka sakaling makatulong para kahit papaano ay bumalik ang mga alaala ko.

Mahigit tatlong oras na akong naghahanap sa buong kuwarto ngunit wala parin akong mahanap. Kaya naman pinasok ko ang iba pang kuwarto.

Ginugol ko ulit ang ilan pang oras sa paghahanap pero wala parin akong makita. Isang kuwarto nalang ang hindi ko pa napapasok- ang kuwarto ni Dad.

Hindi naman sa pinag-babawalan niya akong pumasok sa kuwarto niya, pero baka nandoon ang mga childhood pictures ko. Kahit isa ay wala akong nakita sa ibang kuwarto o kahit man lang sa sala.

Nang makapasok ako ay binuksan ko ang mga drawers. Nakita ko rito ang mga photo albums. Sabi na nga ba. Kinuha ko iyon at binuksan.

Akala ko ay mga baby pictures iyon ngunit puno ito ng mga litrato ni Mom. Geez.

Sinara ko nalang iyon ang tinignan pa ang ibang laman ng drawer. Mayroon pang ibang photo albums at nang tignan ko iyon ay mga baby pictures nga ang laman. Ngunit wala naman akong maalala.

Napabuntong hininga nalang ako sa pagkawalan ng pag asa. Nilibot ko ang tingin sa buong kuwarto at nahagip ang isang maliit na pintuan sa gilid ng bookshelf.

I was about to open it nang marinig kong bumukas ang main door hudyat na dumating na si Dad.

"Kiran?" tawag nito. Agad akong lumabas sa kuwarto niya at nagkunwaring hindi ako galing doon. Hindi kasi makikita ang kuwarto niya kung nasa may pintuan palang siya.

"Yes Dad?" sagot ko sa tawag niya. Taka siyang lumingon sa akin nang mapagtantong wala ako sa kuwarto. "Anong ginagawa mo diyan?"
Nagkibitbalikat lang ako at dumiretso sa kitchen.






Finding Me In YouWhere stories live. Discover now