BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU

Start from the beginning
                                    

"Itigil mo na 'to, Wright." I murmured.

Lumayo ito. Namumungay na idinilat nito ang kanyang mga mata. Huminga ito ng malalim at tinitigan ako.

"Guess I need to accept the fact that I made you look like that, Melissa. Cold and heartless." Seryosong sabi nito at lumabas na sa kwarto.

Napapikit ako nang malakas nitong isinarado ang pinto. Malamang ay doon niya ibinuhos ang kanyang inis.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako. Bumaba ako ng hagdan.

"Nandyan na si Mommy. Tara na, Daddy." Aya ni Reid.

"Let's go." Hinawakan ni Wright ang kamay ni Reid at ang isang kamay naman nito ay dala ang di-hatak na bag ni Reid.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan ni Wright at papunta sa school ni Reid. Walang nagsasalita sa aming dalawa, samantalang si Reid naman ay busy sa kakalaro ng bago nitong toy car na bigay rin ni Wright. Binuksan ni Wright ang stereo para magkaroon ng kaunting ingay sa loob ng sasakyan.

'Kung hindi man tayo hanggang dulo, 'wag mong kalimutan. Nandito lang ako, laging umaalalay. Hindi ako lalayo. Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.'

Hinayaan ko si Wright na hawakan ang aking kamay. Wala na akong lakas para alisin pa iyon. Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang bawat tanawin na madaanan namin.

Wala akong ginawa sa araw na ito kundi turuan ang mga estudyante ko. Lumulutang ang mga paa ko habang naglalakad ako papunta sa faculty namin para maghanda na sa pag-uwi.

"Mel." Napatingin ako kay Ellyza. Kagat nito ang ibabang labi. "Can we talk?"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap ko na siya. "I missed you."

Narinig ko itong tumawa ng mahina. "I missed you, too. Silly."

Hinarap ko siya. "I'm sorry I-"

"Let's not talk about what happened, Melissa. It's all in the past." Malambing nitong sabi. "So, everything's fine?"

Nag-alangan akong tumango. "Y-Yes."

"Parang wala ka sa sarili mo kanina. You seem so bothered." Nag-aalala nitong sabi. "Anyway, nandito lang kami, Melissa. Handang damayan ka sa lahat ng oras."

Ilang oras kaming nag-usap nila Ellyza. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Nakinig sila sa bawat salita na binabanggit ko. At habang kinukwento ko iyon ay hindi ko maiwasang masaktan. Umuwi ako ng maaga sa bahay at itinext ko nalang si Wright na hindi ko na siya mahihintay pa.

Lumabas ako mula sa kusina nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumakbo papalapit sa akin si Reid at tumalungko ako para maabot niya ang aking pisngi.

"Mommy, ang aga mo naman pong umuwi. Okay ka lang po ba?" Hi awakan nito ang aking noo. "Wala ka naman pong lagnat."

Hinawakan ko ang kamah niya at inilagay iyon sa aking pisngi. "Okay lang ako. 'Wag ka ng mag-alala."

"May ipapakita ako sa'yo, Mommy!" Tumakbo ito sa kinaroroonan ng bag niya at may kinuha. Bu.alik ulit ito sa harap ko at pinakita ang isang piraso ng ngipin.

"Nabunot mo na?" Gulat kong tanong.

Ang ngipin na katabi ng 'pangil' kung tawagin ay natanggal na. Ngumanga ito at ipinakita sa akon ang pwesto ng pinanggalingan ng ngipin.

"Kanina po. Bigla nalang po natanggal. Ang dami ngang dugo, Mommy. Pero strong ako, hindi ako umiyak!"

Ginulo ko ang kanyang buhok. "Ilagay mo sa ilalim ng unan mo, malay mo baka dalawin ka ng tooth fairy."

"Hindi po ba pwedeng si Bumblebee nalang? Masyado pong pambabae ang fairy."

Natawa ako. "Ano naman ang kinalaman ni Bumblebee sa ngipin mo? Baka kalawangin pa siya dahil jan."

"Mommy naman." He pouted.

Mula sa balikat ni Reid ay nakita kong nakatayo si Wright habang nakapamulasa ang mga kamay sa pantalon. Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na binalik kay Reid ang atensyon.

Pagkatapos naming kumain ay nanuod kami ng movie na si Reid ang pumili. Tawa ito ng tawa habng nakikipagharutan kay Wright. Dala na rin siguro sa pagod sa skwelahan ay nakatulog na ito sa kandungan ko.

"I'll carry him." He said.

Kinarga nito si Reid. Pinatay ko ang telebisyon at sinundan ito sa kwarto ni Reid. Maingat nito binaba ang bata sa gitna ng kama at kinumutan. Hinaplos nito ang buhok ni Reid at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita, anak ko. Mahal na mahal." Madamdamin nitong sabi.

Pumasok na ako sa kwarto ko dahil ayoko ng makita pa ang ekspresyon ni Wright. I hate his expressive eyes. His warm voice and caring hands. I hate it.

I closed the door behind me at humiga na sa kama ko. Naalimpungatan ako nang maramdanan kong may humahaplos sa aking buhok. Hindi ako dumilat, pinakiramdaman ko muna kung sino iyon.

"Baby." Mahinang sabi ni Wright.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang paghikbi nito. Nanikip ang aking dibdib.

"Damn, this is the last time I'll hold you. I want to ravish you but I don't you to hate me." What do you mean, Wright?

"Mahal na mahal kita, Baby. You are my home. And it's painful to see you cry every freaking time. I'm lifeless without you." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha nito sa aking pisngi. Lumunok ako ng ilang beses para hindi lumabas ang hikbi na pinipigil ko. "I did everything you want. I did everything, Baby. I'm sorry if I wasn't enough, and will never be enough for you."

Ilang sandali lang ay nawala na ang bigat nito sa aking kama. Narinig ko rin ang yapak nito palayo. Sa oras na lumapat ang pinto sa hamba ay inilabas ko na ang kaninang pinipigilan kong hikbi.

Parang dam na bumuhos ang aking luha. Halos habulin ko ang aking hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Oh, Wright..

Siguro nga, tama na ang ganito para sa aming dalawa.

----------

UNEDITED. Hindi pa ito tapos. 'Wag muna mag-assume. Still heartbreaking? Sa mga ayaw ng basahin ito dahil sa tigas ng puso ng babae, well, i'm sorry.

Sa mga nabo-bored dahil sobrang arte na ni melissa, i'm sorry too.

I need to do this for a very important reason.

IG:Iamsweetkitkat

GROUP NAME: SweetKitKat's Sweeties

FAN PAGE; Sweetkikat WP stories

UPLOADED: 12-17-14

SK<3

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now